ch. 2

2 0 0
                                    

"Than! Gising na, malelate ka na!" Iminulat ko ang mata ko at tiningnan ang orasan. 7:23 pa lang naman, si mama talaga
Kinuha ko ang damit ko at naligo na. Ang lamig, kailangan ko yakap ni Seraphina ehehehe
Wait lang.. Bakit parang kakaiba katawan ko ngayon? Weird... Hindi ganto katawan ko.. Wala lang ata 'to, siguro dahil kakagising ko lang. Binilisan ko na ang pag ligo at nag bihis na ng uniform. Bakit bitin yung pants ko? Binahala ko na lang ang lahat at bumaba na para kumain ng breakfast. Pag baba ko tumingin lahat sila sa akin, si Gio, si mama, si papa. Sumigaw si Gio na parang bakla.. anong nangyari dito? "Sino ka, pano ka nakapasok dito? A-at bakit suot mo uniform ni Than? Anong ginawa mo sa kanya??! Papakulong kita." sabi ni papa.. Hala, anong nangyari sa kanila si mama naman tumatawag na ng pulis. "Ma, pa, ako to si Than. Ano bang pinagsasasabi niyo?" Binalewala ko na lang sila at umupo na. "Ikaw si Than? Eh hindi naman ganyan ka pogi ang anak namin!" What? Anong sabi ni mama?! POGI?! AKO?! "Ang weird niyo ngayon ha. Anong nainom niyo?" Kumuha si Gio ng salamin at itinutok sa mukha ko. Tiningnan ko sarili ko sa salamin.. THE HECK?! "SINO TO?!"

1 hour later...

Kumalma kaming lahat at umupo sa sofa. Hindi sila makapaniwala na ganto na ako, ako rin naman hindi makapaniwala pero pano nangyari to? Wow magic, ganon ba? "Ikaw ba talaga ang anak ko?" sabi ni papa.
"Oo nga, pa! Ewan ko kung bakit nagka ganito ako.."

"E kung ganon nga, paano ka nyan papasok sa ischool? Hindi ka naman pwedeng pumunta dun tapos sasabihin mo ikaw si Than Salazar.." sabi ni papa.

"Edi magpagawa ka ng fake birth certificate o fake identity, ba yon? tapos mag apply ka uli sa school. Ang talino ko gagi." sabi ni Gio.

"Magaling yang naisip mo, anak! Mana ka sakin." sabi ni mama. Magaling daw.. naisip ko na rin yan eh.

"Eh san naman makakagawa nun?" sagot ko.

"Ako na bahala dyan. May alam ako. Sumama ka sakin." Papa.

Nag lalakad na kami pa tungo sa di ko alam, sumusunod lang ako kay papa eh. "Oy, pare! Musta?" yung tropa pala ni papa.
"Okay lang, tol. San kayo nag punta ng mag ina mo?" Tatagal ata 'to...

"Dyan dyan lang, sino tong kasama mo? Ang gwapo ha." Ha ha ha.. nabakla na. Joke.

"Anak lang ng kapatid ng asawa ko. May gagawin daw siya, kaya kami na muna ang mag aalaga. Sige na, pare. May pupuntahan lang kami." sabi ni papa. Buti naman di na nag tagal. Anak na pala ako ng kapatid ni mama.. sabi ko na ampon lang ako eh.

Nag lakad na uli kami papunta sa di ko alam, dapat ngayon napapagod na ako eh aba ang galing naman netong katawan na to! Binuksan ni papa ang pinto sa isang suspicious looking.. shop? "Pa, di naman tayo makukulong dahil dito, ano?"

"Hindi. Basta wag mo lang gagamitin sa mga masasamang bagay."

"Ah, ok ok." Masasamang bagay? Di ko magagawa yun h3h3h3

Nagpa gawa na si Papa. Sabi daw balikan na lang namin. Kaya naman pumunta muna kami sa malapit na mall. Bumili daw ako ng bagong damit, naks, antagal na nung last time na bumili ako ng damit. Pano ba kasi, yung mga gamit na ayaw na ni Gio na pupunta sa akin.. kaya di ko na kailangan bumili. Mas matanda kasi si Gio sa akin, mga 20+ na akala niyo kasing age ko lang rin siya no? Isip bata lang talaga kaya ganon. Ewan ko nga kung bakit siya ang naging panganay, baliktad ata.

Aalis na sana kami kasi tapos na akong mamili nang may tumigil sa amin. Nang i-iscout daw sa mga gustong maging artista, tinanong niya ako kung gusto ko daw ba? Tiningnan ko si papa, nanghihingi ng tulong.. bakit ba! Di ako sanay eh. "Ah, sorry. Walang balak maging artista ang anak ko."
Whew...

"Ay, sayang naman." At umalis na siya. Uwah, pang artista na ba mukha ko? Akala ko hindi totoo ang mga bagay na 'to. It's a miracle gahahaha

"Biruin mo, pa. Inii-scout na ako."

Umiling na lang si papa. Bumalik na kami sa suspicious looking na yon.
Yung pangalan ko na Than Martin Salazar naging Than Salazar Martin.. Binaliktad lang naman. Bakit pa kami nagpa gawa kung ganon lang rin naman? Baka mahalata ng mga classmates ko saka gawin uli akong utusan, wala rin nakikipagkaibigan sa akin. Haays...

"Binilhan mo ng bagong damit si Than, pa? Bakit ako walaaaa? Ang daya." sabi ni Gio.

"Tumigil ka nga dyan, Gio. Para kang bata, mana ka nga sa mama mo."

Buti na lang wala dito si mama, baka mag away sila ni papa, sakit pa naman sa tenga. Pumunta daw sa school para ibigay yung requirements para makapasok na ako next week.

Hays.. ngayon na hindi nila alam na ako 'to, yung binubully nila, na panget, ano kaya mangyayari bukas?

I WOKE UP HANDSOME?!Where stories live. Discover now