CHAPTER 6

21.5K 490 46
                                    


Habol ang hininga niya habang tumatakbo siya patungo sa malaking gusali na pag-aari ng mga Chen. Kung bakit naman kasi ngayon pa nasira ang alarm clock niya kung kailan may meeting saka pa siya nahuli. Hindi tuloy siya magkanda uga-uga sa bitbit niyang dukumento pagkatapos hindi pa siya gaanong makatakbo ng mabilis dahil mataas ang heels ng suot niyang sandals.

“Good morning!” Iyon ang sinasabi niya sa mga kapwa niya empleyado na nakakasalubong niya at binabati siya.

“Wait!” Sigaw niya nang makita niyang magsasarado na ang elevator.

Hinintay naman siya na makapasok ngunit nang papalapit na siya saka naman nahulog ang mga dala niyang mga dukumento.

“Shit! Kung kailan ako nagmamadali saka pa nahulog ang mga dukemento.”

Nagmamadali niyang pinulot ang mga gamit. May nag magandang loob na tumulong sa kanya. Ngunit hindi niya ito tiningnan dahil nakatuon siya mga pinupulot niya.

“Here.” Sabi ng tumulong sa kanya. Matapos nilang mapulot lahat ng mga nahulog sa kanya.

“Thanks!” Tiningnan niya ito ngunit para lang magulat.

“OMG!”

Sa lahat ng tao sa mundo na makikita niya ang lalaking naka-one night stand pa niya. Nakatitig din sa kanya ito na parang hindi makapaniwala sa nakita.

“Ma’am sasakay po ba kayo?” Sabi ng elevator operator.

“Y-Yes!” Nagmadali siyang tumakbo papasok ng elavator na hindi nilingon ang lalaki.

Habang dahan-dahang sumasara ang pintuan ng elevator kitang-kita niya an muli siyang tiningnan ng lalaki. Ang bilis ng tibok ng puso niya na parang aatakihin siya. Bakit nandito siya? Huminga siya ng malalim kailangang hindi maging sagabal ang lalaking iyon sa kanya ngayong araw.

Nagmamadali siyang naglakad papunta sa office ng boss niya. Kanina pa kasi ito nasa company at siya lang ang hinihintay. Ngunit pagpasok siya sa office ng boss niya wala ito. Tinawagan niya ito.

“Boss, nandito na po ako.” Sabi niya.

“Pumunta ka rito sa board room nagsisimula na ang general meeting.”

“Yes, boss.” Natampal niya ang noo niya. “Shit! Nakakahiya ikaw na lang ang hinihintay.” Sabi niya sa sarili niya.

Huminga muna siya ng malalim bago siya pumunta sa board room. Nasa tapat pa lang siya ng pituan rinig na rinig na niya ang taong nagsasalita sa loob. Kaya naman dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan upang hindi makagawa ng ingay. Pagkatapos hinanap niya ang boss niya. Nang makita niya ito agad niya itong nilapitan na hindi tumitingin sa paligid niya.

“Boss, sorry!” Sabi niya nang makalapit siya. Inabot niya ang dukumento.

“It’s okay.” Tipid nitong sabi

“Salamat po.” Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya pinagalitan ng boss niya.

“Eladia, where is your brother? Ipapakilala na siya.” Sabi ng may-ari ng kumpanya.

“I’m here Dad!” Tinig iyon mula sa likuran nila.

Sabay-sabay pa silang lumingon para lingunin ang nagsalita.

“Abraham!”

Namilog ang mga mata niya nang makilala niya ang lalaki. “OMG! This can’t be happened.”

“Dad, Mom.” Sabi nito pagkatapos lumapit ito sa boss niya. “Hello, ate.” Sabi nito ngunit ang mga mata nito ay sa kanya nakatingin.

“Muntik ka ng hindi makarating on time.” Wika ng boss niya.

EIGHT HOURS AND TEN MINUTES #Wattys2019Where stories live. Discover now