MEET THE HUEMING

11 3 0
                                    

FRIX

Ligtas kaming nakatawid sa  tarangkahan nakakapagtakang walang imusyong mababasa sa mukha ng prinsipe ng apoy. Hindi ko rin kayang basahin ang isip niya .

“prinsipe Frix isang buwan din tayong nawala kaya sigurado akong matutuwa ang mahal na hari sa pagbabalik natin!”

Biglang sabi ni Jey sa kaniyang tabi samantalang tahimik lamang na naka sunod sa kanila si Zack nakamasid Ito sa paligid ,nagtumpukan narin sa gilid ng daan ang mga hueming.

Nanatili namang tulog sa bisig nito ang kapatid ,Batid niyang masaya ang nasasakupan dahil kasama na niyang bumalik ang bubuo sa elemento ng Cin.

Nang marating nila ang harap ng palasyo ay naroon na ang kaniyang magulang ang mahal na hari at ang reyna.

“Nagbalik na ang mahal Kong anak”

Agad na yumakap ang INA sa kaniya na kinalambot ng kaniyang puso. Masyado niyang hinanap ang atensyon nito ng mapunta sila sa mundo ng tao.

“Maligayang pagbabalik anak ko!”
Bati naman ng masayang hari agad namang lumipat ang tingin nito sa kanilang kasama.

“Sila naba anak?”
Marahan lamang siyang tumango.

“Mahal Kong nasasakupan ang kaharian ng air elements ay magsaya dahil dumating na ang ating hinihintay!”
Nagsigawan sa galak ang nasasakupan lahat ay  nagbato ng isang uri ng dahon sa hangin at nakakatuwang panoorin Ito nang maging balahibo ng ibon ang dahon.

“Sumunod kayo sa akin anak!”

Maluwang na bumukas ang malaking pintuan ng palasyo.

Halata sa mukha ng prinsipe ng apoy ang pagkamangha sa kagandahan ng palasyo mukhang walang ganito sa mundo nila.

Ang bawat pader ng palasyo ay nahahaluan ng ginto para tumibay may kung anong mahikang ginagamit ang ringleader para mapanatiling malinis ang lugar.

Nanatili kaming nakasunod sa hari mukhang dadalhin niya kami sa “Rideon” sagradong lugar Ito dito nanahan ang gintong Agua (agwa) isa itong lion na may itim na pakpak. Iginagalang ng aking ama ang nilalang na Ito ,dahil Ito lamang ang makapagsasabi ng hinaharap.

Tanging si ama lamang ang kumakausap sa agua kung Hindi man ay ang mga pinuno. Mga dalawang beses ko lang itong nakita at nakausap iyon ay nung lumabas na si Seny ang aking bion. Sumunod naman nung umalis kami ni jey.

Pagkapasok namin ng videon agad na pumagaspas ang pakpak ng agua umatungal rin Ito ng malakas.

Lumipad Ito papalapit sa magkapatid.

“kamusta Zack ikinagagalak kitang makilala!”

Hindi na nakakabiglang kilala ng agua si Zack dahil siya rin ang nagsabi kung nasaan Ito.

“kilala mo ako?”

Mukhang Hindi na siya nabigbigla sa mga nangyayare tulad nalang kung paanong nakakapagsalita ang NASA kaniyang harapan.

“Oo kilala kita mas kilala pa kita sa sarili mo Zack!” turan nito.

“Anong ibig mong sabihin?”hindi sumagot ang agua nakikinig lamang kami sa likuran.

“Simula bata ay kasama mo na ako Zack ngunit mukhang Hindi mo ako nakikilala!”dama Kong marami pang dapat malaman si Zack.

Nag-isip saglit si Zack.“ikaw! Ikaw ang Boses sa mga panaginip ko”biglang sabi naman nito.

“tama Ka Zack, ako nga ang laging  bumibisita sa mga oras na nahihimbing Ka sa iyong pagtulog”lumapit pang lalo ang agua Kay Zack at pinagmasdan si ziela.

“oras na para gumising mahal na prinsesa, Aming prinsesa ng tubig”nakatutok lamang ang pansin nito Kay ziela.

“ano ang iyong ibig sabihin?”naguguluhan  din ako sa sinasabi ng agua.

“dinadala ng iyong kapatid ang elemento ng iyong INA Zack at ang sa iyo naman ay sa iyong ama”. Matapos ang sinabi nito ay siya namang paggalaw ni ziela.

Pagmulat ng kaniyang mata ay siya namang pagtugma nang aming paningin. Napakaganda iyon agad ang pumasok sa aking pag-iisip mukhang nag-uumpisa na ang pagbabago ng magkapatid.

“ziela!!”

Iyon lang ang nasabi ko nang Hindi parin siya kumukurap sa pagkakatitig sa akin.

UnderworldWhere stories live. Discover now