"Mia,. " Tawag ko sa kanya habang busy sa kanyang ginagawa. Inaayos niya ang mga upuan.

"Bakit po.?" Tanong niya may ngiti. Ito ang gusto ko Kay Mia, masayahin at masarap kausap minsan. May magandang mukha at pangangatawan. Lima silang lahat na nagtatrabaho dito. Yung dalawa baguhan pa lamang sila. Umaga at hanggang tanghali lang silang pumasok sa trabaho. Pumapasok naman sila sa eskwelahan kapag hapon. Mga estudyante sila. Ganoon din si Mia, nag aaral palang din. Tuwing umaga ang klase niya sa university na pinapasukan niya. Gusto lang nilang magpapartime job.
At ang dalawang kasamahan nila ang whole day sila dito.

"Ikaw na ang bahala dito mamaya, magdaan ka nalang mamaya sa condo. Okey lang ba?"

"Syempre okey na okey, basta makikipaglaro ako mamaya sa mga chikiting mo ate." Masaya niyang sagot.

Ngumiti pa ako ng malapad bago nagasalita. "Sige, susunduin ko mona sila."

Lumipat na rin kami sa Condo Unit ni kuya Cloud.

Tinanggap ko na agad ang offer niya sa amin ng mga anak ko.
Mas makakatulong yun sa amin. Bawas gastos dahil hindi na kami magbabayad ng renta buwan buwan.

Sumakay ako ng taxi at agad akong nakarating sa paaralan ng mga anak ko.

Nang makarating ako sa paaralan, hindi pa labasan ang mga estudyante.

Lumapit ako sa isang malaking puno na may isang bench. Umupo mo na ako habang naghihintay.

Marami na ding mga magulang ang naghihintay sa mga anak nila. Ang iba naman ay yaya ang sumusundo.

Habang busy ako sa kapipindot ng cellphone, may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Agad akong bumaling upang makita kung sino.

Isang batang babae. she's crying.
Naawa ako kaya't umusog ako palapit sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Namumugto na ang mga mata sa kaiiyak.

"Hey baby, stop crying na." Pagtahan ko sa kanya. Agad naman siyang huminto sa
pag iyak. Tumingin ito sa akin habang nagpupunas ng luha gamit ang mga kamay. Tumango pa ito sa akin.

"Bakit ka umiiyak? Inaaway kaba nila?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Salut daw ako, sa..bi ni..la kasalanan ko la..hat. Kasalanan ko daw kung bakit namatay ang pamil..ya ko. Si mommy, my daddy, at si kuya.kasalanan ko daw kung bakit si..la na...mata..y. Malas daw a..ko." Napiyok pa ito habang nagsasalita.

"It's not you're fault baby. Don't mind them. Okey. "

Tipit siyang ngumiti sa akin at napalitan agad ng kalungkutan sa kanyang mukha.

Bakit ba sinisisi nila ang isang bata na wala pang kamuwang muwang sa mundo.

"How old are you baby." I asked again to her.

"I'm five years old. And my name is Hagia Sophia Del Valle." Pagpapakilala nito sa akin.

Ang bata pa niya para makaranas ng kalungkutan at pang aapi. Nararamdaman kong nahihirapan siya. Lalo na't bata palang siya. Dahil naransan ko din ang mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap.

"Ako naman si Shanlei Alcaraz.
You can call me tita Shan."

"Tita Shan sino pong hinihintay n'yo? Anak mo ba?" tanong niya sa akin.

Nakikita ko sa mga mata niya ang excitement sa sagot ko.

Ngumiti ako ng malapad sa kanya. "Yes baby. Sila nga hinihintay ko." Masayang sagot ko.

"Oh, I remembered it, you are the mother of my twin classmates. Magkapareho kayo ng surname eh. Tama ba ako tita Shan? " she said.

"You're right baby. I am. Bakit ka pala nandito? Akala ko ba may klase pa kayo." Ang masaya niyang aura kanina habang nagsasalita ay biglang napakitan ng kalungkutan.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now