Trudis:
Haven't seen it yet. May tinatapos pa akong Kdrama. Baka naman boring 'yan. 😒😒

Cantavieja:
Boring ka diyan. Baka kapag naumpisahan mo na, e, 'di mo na tigilan. Hahanga ka na lang sa galing ni Sherlock. 😏

Trudis:
Nabasa ko na ang ilang stories ni Sherlock. Pero hindi pa lahat.

Cantavieja:
Then, you should watch the series. Ang galing niya sa mga small details at sa process of elimination para ma-solve ang mga cases niya. He's a fucking genius. 🙌🏻

Trudis:
'Wag kang spoiler!!! 🤬

Cantavieja:
Ganito kasi ang nangyari. Si Sherlock kasi...

Trudis:
Punyeta.

Cantavieja:
Joke lang! Hahahahaha! I swear, you'd like it. Highly recommended series. Mind-bending. Brilliant.

Cantavieja:
Idol ko na talaga si Sherlock. Ang lupet ng high functioning sociopath na iyon. Haha.

Cantavieja:
Plus the chemistry between Sherlock and Dr. Watson is perfect!

Cantavieja:
Magugulat ka sa mga nangyayari. Tapos kada end ng episode, mapipilitan ka na panoorin ang kasunod.

Trudis:
Okay. Okay. Stop! ✋🏻 Ang daldal mo. Papanoorin ko na, so stop blabbering. May copy ka?

Cantavieja:
Obviously! Kakadownload ko lang ng complete series, mainit-init pa. Natapos ko rin agad. Ganda kasi, e. Parang ikaw.

Trudis:
Ha? Parang ako?

Cantavieja:
...Parang ikaw si Sherlock. Ay hindi pala. Sociopath kasi si Sherlock, tapos ikaw psychopath! 😂😂

Trudis:
Oo. Tapos ikaw, PATHetic. Corny mo, e.

Trudis:
Pakopyahin mo ako. Bored ako today. I'll watch it.

Cantavieja:
Sige. May kapalit.

Trudis:
Nevermind. Kainin mo na lang ang kopya mong iyan tapos isaksak mo sa baga mo tapos patiwakal ka.

Cantavieja:
Kidding. 😂 Ang brutal nito! Punta ka rito sa bahay. Magdala ka ng flash drive or EHD. Medyo malaki ito, e.

Trudis:
Talaga? Mas malaki pa sa ulo mo? At talagang papupuntahin mo pa ako diyan? Sa school na lang or kapag nakita kita sa labas.

Cantavieja:
Sorry, nasa laptop ko. Hindi ko dinadala ang laptop ko sa labas at sa school. Kailangan mong pumunta sa bahay. 😏

Trudis:
Kainis ha. Ang arte. Ipapakopya ko na lang sa kapatid mo kapag nakita ko siya. Ipapadala ko kay Xavi ang EHD ko.

Cantavieja:
Bawal! Baka mamaya masira pa niya ang EHD mo tapos kasalanan pa niya.

Trudis:
Chugas! Oo na! Puntahan ko na mamaya diyan!

Cantavieja:
Ngayon na habang maaga pa at bukas pa ang laptop ko.

Trudis:
Nuknukan ka talaga ng kaartehan noh?

Cantavieja:
Hahahaha. Ano? Pupunta ka na ngayon?

Trudis:
Papunta na. Kakahiya sa'yong bwisit ka.

Cantavieja:
Okay. See you then. 😊😊

10:36 pm
Cantavieja:
Nakauwi ka na? Ginabi ka na. Nag-enjoy ka noh? Sabi sa'yo maganda, e. 😂😂😂

Trudis:
Malaki kasi ang TV niyo kaya masarap makinood.

Cantavieja:
Ikaw, e. Welcome ka naman dito anytime. Ayaw mo lang. Haha.

Trudis:
Nakakayamot kasing pumunta diyan sa inyo.

Cantavieja:
Haha! Bakit naman? 🙁

Trudis:
Ikaw 'yong peste sa bahay niyo.

Cantavieja:
Ang bait ko kaya! Pinamerienda pa kita kanina at pinakain ng dinner. Kinain mo pa nga ang chocolates ko sa ref!

Trudis:
E, 'di salamat ha?! Isa kang Santo. Okay na?

Cantavieja:
Santo? Sige nga. Luhod ka muna tapos sambahin mo rin ako. Haha.

Trudis:
🖕🏻

Cantavieja
Oo. Okay na. May utang na loob ka na sa akin, e. 😏😂

Trudis:
Kinasaya mo na talaga 'yang pagiging peste mo?

Cantavieja:
Sobra. Kung alam mo lang. 😂😂

Trudis:
Bahala ka! Matutulog na ako at maaga pa ang lintek na Fun Run niyo bukas.

Cantavieja:
Hahaha. Good night. See you tom, Ampalaya. 😁

I Have News for You, Mr. President!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon