Ang Amo ( The Boss ) Part 2

15.9K 345 11
                                    

Part 2

Sa oras na maglapat ang mga labi namin ng waiter hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para akong napunta sa isang lugar na tanging ako lang at ang aking kahalikan ang naroon, kasama ring naglaho ang mga taong nakapaligid sa amin. Kung gaano kabilis ang simula ng aking unang halik ganoon din kabilis natapos ito dahil bigla na lang..

"Oh my gosh! bading ka nga." Sigaw ni Janna at pagkatapos ay.. "Pak." Sabay sampal nito sa aking pisngi at pagkatapos ay lumabas na ito ng resto. Hindi pa man ako makapaniwala sa biglang pag walkout ni Janna ng may maramdaman akong isang matigas na bagay na tumama sa aking mukha na nakapag-patumba sa akin. Sinuntok pala ako ng waiter.

"Gago ka ba? Hindi porke mayaman ka maari mo nang gawin ang kahit anong gusto mo." Galit na sabi ng waiter sa akin. Kunsabagay sino ba ang matutuwa kung bigla-bigla nalang may hahalik sa'yo. Buti na lang at kaagad na lumapit sa amin ang owner ng resto.

"Anong nangyari dito Marco bakit bigla mo na lang sinuntok ang costumer natin?" Dahil sa tanong ng may-ari ang dating galit na mukha ng waiter ay napalitan ng takot, takot baka mawalan 'sya ng trabaho. At dahil alam ko na ako naman ang tunay na may kasalanan ay nakialam na ako.

"Im sorry for what happened ako talaga ang may kasalanan kaya ako nasuntok ng waiter 'nyo at sana 'wag ninyo 'syang tanggalin sa trabaho 'nya dahil wala 'syang kasalanan." Mahabang paliwanag ko. "Marco bumalik kana sa trabaho mo." At dahil sa nakakahiyang nangyari minabuti ko na ring lumabas sa nasabing resto. Pagpasok ko sa kotse halata ang pagtatanong sa mukha ni mang Jim kung bakit ganito ang hitsura ko, ngunit pinili na lamang nitong manahimik.

"Diretso na po tayo sa bahay mang Jim." "Opo Sir." Habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay naramdamang kong parang namanhid ang kanang pisngi ko, walanghiya kasing lakas yata sumuntok ni Paquiao ang waiter na 'yon. Pagpasok sa bahay nadatnan kong nanonood sa sala si pinsan.

"Anyare sa mukha mo Lex?" Tanong nito pagkakita sa akin. "Mahabang kwento." "Then make it short." Sagot naman nito at dahil sa alam kong hindi titigil ito hanggat hindi ko sinasabi ang totoo sa huli kinuwento ko rin ito sa kanya mula sa pagkikita namin ni Janna hanggang sa pagsuntok ng waiter na Marco pala ang pangalan sa akin.

"Omg! Ang wild ng first kiss mo Lex akalain mo sa isang stranger pa." "Anong itsura nung waiter cute ba?" Usisa pa nito. "Sobra pa sa cute sa sobrang cute kamukha sya ni Shrek." Ang pagsisinungaling ko. Sa totoo lang gwapo talaga 'yung waiter parang pamilyar nga ang hitsura 'nya parang nakita ko na 'sya dati hindi ko lang alam kung saan.

"Ewan ko sa'yo kahit kailan ang labo mo kausap, anyway asan ang first aid kit mo at ng magamot ko 'yang mukha mo." "Sandali kukunin ko lang sa kwarto."

"Arayy.. Dahan dahan naman Anne ang sakit eh." Pagrereklamo ko grabe ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng suntok nung waiter kanina. "Sa susunod kasi 'wag basta-basta hahalik para hindi ka masuntok." Pang-aasar pa nito. Pagkatapos magamot ni Anne ang pisngi ko nagpaalam na ito para matulog. Heto ako ngayon nakahiga na sa kwarto nakatingin sa kisame hindi ako makatulog, paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang nangyari sa maghapon lalo na ang halikan namin ng waiter.

Kinabukasan

"Good Morning Lex upo kana patapos na itong sinangag." Bati ni pinsan sa akin. "Good Morning, nasaan si yaya Linda, Anne?" "Parating na 'nyan siya, ang aga nga mamalengke eh ang sabi 'nya mas maaga mas fresh 'daw yung mabibili mong mga gulay at karne sa palengke.

"Lex samahan mo naman ako bukas sa mall may bibilhin lang ako." "O sige wala naman akong importanteng appointment para bukas." Pagdating ni yaya galing palengke tinawag ko na rin si Mang Jim para maihatid na 'ko sa office.

Pagpasok na pagpasok ko palang ng office kaagad ko nang napansin na parang may pinagkakaguluhan ang mga empleyado, pero nang makita na nilang dumating ako ay kaagad na nagsibalikan sila sa kani-kanilang mga pwesto. Paglingon ko naman ay parang lahat sila ay nakatingin sa akin. Itatanong ko pa lamang sana kay Grace kung anong meron at nagkakagulo ang mga ito ng bigla itong lumabas at may ipinakitang video clip sa hawak nitong cellphone. What the hell! paanong nakuhanan ang nangyari kagabi sa resto. Pagkatapos ng aking pagkagulat tinignan ko ang aking mga empleyado at pasigaw na sinabing "Everyone go back to your work! now!" At lahat ay humarap na sa kani-kanilang trabaho.

"Grace papaano mo nakuha ang video sa cellphone mo?" Tanong ko sa aking secretary. "Ah eh Sir pinasa lang sa akin ni Gina, tinanong ko nga sir kung kanino 'nya nakuha ang sabi 'nya sa pinsan daw 'nya nagulat nga kami sir na kayo po pala ang nandoon sa video." "Pe.. Pero sir infairness ang gwapo nung waiter." Dagdag pa nito na kaagad ko namang sinagot. "Mas gwapo ako dun." At dahil alam ko naman na sa teknolohiya ngayon ang kahit na anong bagay lalo na kung video ay madali ng kumalat kaya hinayaan ko na lang. At matagal naman na nilang alam na bading ako kaya hindi na masyadong big deal para sa akin at sa kanila 'yon.

Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay tinawagan ko na si Mang Jim para sunduin ako. Pagdating ko sa bahay ay kaagad ko ng tinungo ang kwarto para makapagbihis. Pag-baba ko as usual nanood na nanan si Anne, ay mali may pinapanood pala 'sya sa kanyang cellphone.

"Lexxx!" Nakakabinging sigaw nito sa akin. "Grabe trending na ang video mo at nung waiter na hinalikan mo, akala ko ba kamukha ni Shrek 'yung waiter ang gwapo pala 'nya kung tutuusin bagay nga kayo eh." Pambihira naman hindi na nakuntento sa pagpasa ng video talagang inupload pa ito. "Anong sinasabi mong video hindi ako 'yan baka kamukha ko lang." "Hindi ikaw 'to eh sino 'to kakambal mo?" Sabay pakita ng video sa akin. "Nasaan si yaya Linda?" Pag-iiba ko ng usapan. "Alam mo naman maagang matulog si yaya at 'wag mo ng ibahin ang usapan, seriously lex bagay kayo samahan mo ako bukas pupunta ako doon sa resto." "Ano! sira ka ba kung gusto mong pumunta, pumunta ka mag-isa mo 'wag mo akong isali sa kalokohan mo." "Talagang pupunta ako at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi mo ako sinamahan bukas." Tss talagang napaka sutil ng pinsan kong ito. "Bahala ka kung anong gusto mong gawin hindi ako natatakot." Sagot ko rito. Minabuti ko na lang na matulog na pero habang paakyat na ako sa kwarto ko bigla na lang 'syang sumigaw. "Humanda ka bukas pinsan!"

Kinabukasan maaga akong nagising dahil naisipan kong mag-jogging. Pagkatapos maghilamos at nagbihis para sa jogging ay bumaba na ako.

"Goodmorning Anne ayaw mo bang samahan ako mag-jogging." Tanong ko kay Anne pagkakita ko sa kanya. "Ikaw na lang pinsan sasamahan ko si yaya mamalengke maya-maya." Sagot naman nito.

Habang nag-jojoging hindi maiwasan na pagtinginan ako iniisip ko tuloy hindi kaya dahil dun sa video pero pinagkibit balikat ko na lang tutal makakalimutan rin naman nila 'yun. Pagbalik ng bahay ay nagpahinga muna ako ng konti pagkatapos ay naligo na ako. Pagbaba ko sa kusina ay nag-almusal na ako. Ilang minuto pa ay dumating na nga si yaya at si pinsan at nagpaalam na ako papuntang office.

"Sir heto na po 'yung papeles na pinapahanap 'nyo." "O sige ilapag mo na lang 'dyan, ilan pa 'yung mga appointments ko today?" Tanong ko kay Grace. "Isang meeting na lang mamayang 3 pm yun lang po." "O sige paglabas mo tumawag ka sa flowershop alam mo naman kung anong flower diba." "Opo sir sige po." Sa wakas natapos din ang maghapong trabaho.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon