"Kathlyn!" sigaw ni Nathan

Hindi ko na siya nilingon pa at nagmadaling umalis para makapag para nang taxi..

Ilang minuto ang lumipas ay nakatanggap ulit ako nang text galing doon sa unknown number na nag send sakin kanina nang video..

Address ang bagong send nito sakin..

Mukhang dito nila ako gusto papuntahin..

Habang nasa biyahe ako ay agad akong tumawag kay Jayce..

Ilang ring lang ang narinig ko bago niya ito sagutin..

"Kathlyn?.Napatawag ka?"

"Kailangan ko ang tulong mo.." diretsong sabi ko

"Bakit?.nagsisimula na bah kayong hanapin ang mga bata?" tanong niya

Tiningnan ko ang wrist watch ko..3:24 na kaya naman agad akong nagmadaling magsalita..

"Mamayang 4:30 kailangan mong tumawag nang mga pulis..Puntahan mo ang lugar na ite-text ko sayo..At doon makikita niyo ang mga bata.." sambit ko

"Wait lang..Hindi ka sasama?" tanong niya

"Mauuna na ako.."

"Huh?!.Bakit?" 

"Basta..Kailangan mong sundin ang sinasabi ko sayo para mailigtas ko ang mga anak ko.." sambit ko

Hindi ko man gusto ang idea na naisipin ko..

Mas kailangan ko naman ang mga anak ko..

"P-Pero--" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at agad ko na siyang binabaan 

Napahawak naman ako sa dibdib ko at dinama ang puso ko..

Kahit tumigil na sa pag tibok ang puso ko , hindi ko kakalimutang may pamilya akong naiwan sa mundong ito..

Halos 30 minutes din bago ako nakarating sa lugar kung saan nila ako pinapapunta..

Isa itong lumang hotel at maraming basura ang nakakalat dito..

Madilim din at nakakatakot pero nilakasan ko pa rin ang loob ko na pumasok doon..

Habang nililibot ko ang paningin ko doon ay agad kong tiningnan ang wrist watch ko..

3:55 na at 35 minutes na lang ang natitira kong oras bago makarating sina Jayce..

"Nandito ka na pala.." boses yun nang isang lalaki

Napalingon naman ako sa likuran ko kung saan nanggagaling ang boses nito

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ko ang mga anak ko sa nasa gilid nito at natutulog sa semento..

Nakatali din ang mga paa at kamay nito at kitang kita ang mga dugo galing sa mga sugat na natamo nito..

"Buti naman at tumupad ka sa usapan..Dahil kung hindi?.Bangkay nalang siguro ang naabutan mo dito.." sambit nila at nilapitan ako

"Bakit niyo 'to ginagawa samin?.Ano bang kasalanan namin sa inyo?!" sigaw ko

"Dahil sa inyo , lumiit ang grupo namin..Pinatay ang iba sa amin at ang iba naman ay nakulong...Nagsisisi nga kami at hindi ka namin pinapatay agad noon eh..Kasi kung ginawa namin yun noon pa lang?Walang problemang nangyari.." sambit nito at kinuha ang baril niya ngayon

Napalunok naman ako habang nakatingin sa mga anak ko na binabantayan nang apat na lalaki..

"Kaya ngayon ka nalang namin papatayin..Sagabal ka masyado eh , lalo na yung mga anak mo..Isusunod ko nalang ang mahal mong si Ethan , para sa langit man o impyerno , magkasama pa rin kayo.." aniya at itinutok sakin ang baril

Palihim ko namang tiningnan ang wrsit watch ko..

4:06 pm na at kailangan ko nang mailigtas ang mga anak ko..

"Wag mong idamay ang mga anak ko dito..Kung gusto mong pumatay , ako nalang..Pakawalan mo sila.." sambit ko

"At bakit ko naman gagawin yun?.Mas ipapahamak ko lang ang grupo ko sa oras na pakawalan ko ang mga anak mo.."

"Wala naman silang alam sa nangyayari eh!.Inosenteng mga bata sila at wala silang ginawang kasalanan sa inyo!" sigaw ko

"Kahit na..Mas masasaktan si Ethan sa oras na mawala kayong lahat.."

"Sa tingin mo bah masasaktan siya nang dahil sa gagawin niyo?.Papatayin niya lang kayo dahil sa gagawin niyo..Kung ako sa inyo ako nalang ang patayin niyo kesa idamay niyo pa yung mga bata..Gagalitin niyo lang ang demonyong kinakalaban niyo.." sambit ko

Agad naman itong natahimik dahil sa sinabi ko..

"Kung papakawalan namin ang mga anak mo , mamamatay ka..Ayos lang yun sayo?"

"Wala akong pakialam kung putulin niyo pa yung katawan ko , basta mabuhay lang yung mga anak ko.." sambit ko

"Hindi namin gagawin 'to dahil pumapayag kami sa gusto mo..Gagawin namin 'to dahil gusto naming bigyan nang babala si Ethan..Kaya papakawalan namin ang mga anak mo at ikaw yung papatayin at magdudusa dito.." sambit nito

Agad namang lumapit yung apat pang lalaki at itinutok sakin ang mga baril nila..

"Bago niyo ako barilin..Hayaan niyo munang yakapin ko yung mga anak ko..Kahit sa huling pagkakataon lang.." sambit ko

Hindi sila nagsalita kaya agad na akong lumapit sa mga anak ko..

Tulog pa rin sila kaya naman niyakap ko nalang sila kahit na wala silang kamalay malay...

"Mahal na mahal ko kayo.." sambit ko at hinalikan ang mga noo nila

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakarinig ako nang sunod-sunod na putok nang baril at kasabay noon ang bawat sakit sa likuran ko..

Bawat bala ay bumabaon sa katawan ko dahilan para halos pigilan ko na ang hininga ko.

Nakahawak pa rin ako sa mga kamay nang mga anak ko habang umiiyak na nakatingin sa kanila.

"Mahal na mahal kayo ni mama.." sambit ko

Ilang putok pa ang narinig ko bago ito tumigil at nagtawanan..

"Kita mo nga naman , kumakapit ka pa rin..Gusto mo dagdagan pa namin?" sambit nung isa

Akala ko ay babarilin pa nila ako ulit pero bigla nalang ako nakarinig nang iba pang putok nang baril sa labas..

Nang lingunin ko ang sila ay kitang kita kong wala na silang mag malay..

Nanghihina na ako dahil sa mga tama nang bala sakin pero pinilit ko paring buhatin ang mga anak ko kahit na katumbas noon ang bawat kirot nang sugat ko..

Naka itim ako kaya hindi mo aakalaing may tama pero para sakin , parang kunting oras nalang at mawawalan na akong nag buhay..

"Kathlyn!" rinig ko ang boses ni Ethan na papalapit sa amin

Habang hawak ko ang mga bata ay agad ko naman itong ipinasa kay Ethan nang makalapit ito sa akin..

"Ayos ka lang bah?" si Ethan

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya bago niya niyakap..

"I love you , Ethan.." sambit ko at hinalikan siya sa labi sa huling pagkakataon

Nakayakap pa rin ako sa kanya hanggang sa bigla nalang akong nawalan nang malay..

O sabihin na nating , hindi na ako mabubuhay pa.

-------

This is the last chapter na!.Epilogue na ang next , sorry kasi hindi ko kayo na inform but ito na talaga ang huli..Katapusan na 'to nang istorya!

Kaya ano kayang mangyayari sa huli?

Magiging sila pa bah , o tapos na ang lahat sa kanilang dalawa?




My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now