Chapter 71

24.5K 680 59
                                    


Luha

"Sino may sabi sayong pagalitan mo yung anak ko?!Wala kang karapatan para gawin ang bagay na yun dahil waitress ka lang at ako ang boss!Alam mo namang bata yung pinapagalitan mo pero kung makapagsalita ka parang ikaw pa yung tama?.Alam mo bang pwede kitang ipahiya sa mga costumers dito sa restaurant?!.Pero hindi ko yun gagawin dahil alam ko kung ano yung tama at mali , hindi ako katulad mo na puro make-up lang yung laman nang utak!.Nakaka-insulto na ako pero nakaka-insulto din yung ginawa mo sa anak ko!" sigaw ni Kathlyn sa waitress na si Nel

"S-Sorry po m-ma'am..H-Hindi na p-po mauulit.." humihikbing sabi niya

"Hindi na talaga mauulit dahil hindi hindi ka na makakapasok sa restaurant ko.."

Napatingin ako kay Kathlyn na galit na nakatingin sa waitress..

Nanlaki naman ang mata ni Nel at agad na nataranta..

"M-Ma'am , w-wag naman p-po..A-Ako nalang po y-yung inaasahan n-nang pamilya k-ko.." umiyak pa ito lalo habang nagmamakaawa kay Kathlyn

Nakita naman kung paano umiwas nang tingin si Kathlyn dito..

Kilala ko siya..

Alam kong hindi siya yung tipo na hindi marunong maawa..

"M-Ma'am , maawa ka po sakin at sa pamilya ko.." si Nel at halos lumuhod na sa harap ni Kathlyn

"P-Pag iisipan ko muna kung tatanggalin bah kita o hindi..Makakaalis ka na muna sa ngayon.." si Kathlyn ngunit hindi pa rin tinitingnan si Nel

Nagmamadali namang umalis si Nel habang si Kathlyn naman ay tiningnan ako nang masama..

"At ikaw , bakit ka na naman nandito?" aniya at tinaasan ako nang kilay

"Para kumain?.Ano bang dapat kong gawin sa isang restaurant?" tinaasan ko din siya nang kilay

Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sakin..

Lumakad at umikot siya sa lamesang nasa gitna namin at nilapitan ako..

"Alam kong kakain ka , pero bakit dito pa sa restaurant ko eh malayo 'to sa manila?At marami ding katabi itong restaurant ko na pwede mong pasukan , kaya bakit dito pa kung pwede namang sa iba?" aniya at humalukipkip sa harap ko

"Maghahanap pa bah ako nang iba kung meron namang mas masarap pa?.I mean , hindi ko na kailangan pang mamili dahil dito ko ginusto..At isa pa , paano mo nga pala nalaman na sa manila ako nakatira?" ngumisi ako habang nakatingin sa kanya

Ngumisi din siya sakin na para bang wala siyang problema sa itatanong ko sa kanya..

"Syempre , nakita ka namin sa park doon sa manila..Bobo ka bah o sadyang hindi mo lang ginagamit yang utak mo?.At isa pa , paano ka nga nakarating dito sa laguna?Sinusundan mo kami noh?"

Mas ngumisi ako dahil sa tanong ko

Inisang hakbang ko ang pagitan namin dahilan para mapaatras siya pero agad din naman siyang natigil dahil may lamesa sa likuran niya..

Matapang siyang nakatingin sakin pero halatang kinakabahan pa rin siya..

Agad kong itinuko ang dalawang kamay ko sa gilid siya habang siya naman ay napa-upo na nang kaunti sa lamesa at pilit na iniiwas ang mukha sakin..

"Oo , sinunsundan ko kayo , dahil may gusto akong mangyari--"

"Ano?!" gulat nitong tanong

Napatawa naman ako nang mahina dahil sa reaksyon niya..

"Ang dumi naman masyado nang utak mo.." malambing kong sabi

Agad naman siyang tumikhim at nag iwas nang tingin..

"May gusto akong hilingin sayo , at pagkatapos noon , hindi ko na kayo guguluhin..Pero syempre kailangan kitang mapapayag..Dahil sa pamamagitan nang hiling kong yun , magiging malaya na ako sa isang bagay na limang taon ko nang dala-dala.." seryosong sabi ko

Napatingin naman siya sa mata ko na may pagtataka..

"Anong bagay?" 

Agad akong napayuko at mapait na napangiti..

"Yung sakit.."

Tiningnan ko siya sa mata habang ramdam ko pa rin ang pait nang puso ko..Yung hapdi at sugat na matagal nang hindi humihilom..

"Limang tao kong pinag-luksaan yung pagkawala mo..Yung inakala kong nawala ka na talaga..Wala naman kasi ako sa araw na sinabi nilang libing mo eh , kasi nandun ako sa kulungan..Nagdudusa ako sa kasalanang ibinintang sakin.Araw-araw akong lumuluha , sinisisi yung sarili ko sa mga nangyari sayo..Pilit kong kinakalimutan yun , pero hindi ko magawa..Kasi kapag pinilit ko , mas lalo lang sumasakit..Mas lalo ko lang nararamdaman ang pagkawala mo.." sambit ko habang hinahayaan ang mga luha kong pumatak galing sa mga mata ko

Gusto kong makita niya yung paghihirap ko dahil lang sa nakaraan..

Hindi ko naman pinipilit na maalala niya pa yung mga yun , pero gusto ko lang maramdaman niya din yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko lahat nang yun..

"Ngayong nalaman kong buhay ka?.Masaya ako , kasi nabigyan ka nang pangalawang pagkakataon.At kahit hindi mo ako naaalala , ayos lang.Kinaya ko ngang akalaing wala ka na , ngayon pa kayang kailangan ko nalang lokohin yung sarili ko na masaya ka na sa iba..Ay , mali pala..Masaya ka na pala talaga sa iba..May mga anak ka na nga diba?Siguro kailangan ko nalang talagang tanggapin yung katotohanan na hindi tayo ang para sa isa't isa...Pero bago yun , gusto ko lang humingi nang isang araw..Isang araw na makasama ka..Isang araw na maranasan ko ulit yung pagmamahalan nating dalawa..Isang araw na ituturing ko na ding huli..Huling tagpo natin.Huling alaala na mabubuo natin..Huling araw na iisipin kong akin ka pa..Masakit kasi yun na yung huli , pero atleast nakasama pa rin kita.." sambit ko at pinunasan yung luha ko

Ramdam ko na ang kaba niya kaya ngumiti nalang ako at hinalikan yung noo niya..

"Aalis na muna ako , mag isip-isip ka muna.." sambit ko at umatras na

Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna siya na tulala na ngayon..

Siguro naman papayag siya sa hinihiling ko..

Isang araw lang naman yun eh..

Hihiramin ko nalang muna siya saglit..

Hindi na katulad nang dati na pwede ko na siyang angkinin at tuluyang maging akin.

Alaala nalang siguro ang lahat nang yun , kasi ayaw na ding balikan ni Kathlyn ang nakaraan namin..

Nakakasawa na din kasing maramdaman yung sakit..

Yung luha at yung sugat..


My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now