Chapter 33

40.7K 1.1K 96
                                    


Move on

( Ethan's POV )

"Kuya , hindi ka pa bah maghahanda?.Akala ko bah gusto mong sumali sa banda namin?" si Nathan habang inaayos na ang gamit niya

Pupunta kasi kami ngayon sa campus para makapag auditon na ako..Hindi ko alam pero mukhang interesado na ako sa pagsali sa grupo ng kapatid ko..

Summer na ngayon..At kapag pasukan na ulit , 3rd year college na ako..

Oo , 2 years na ang lumipas simula nung nangyari ang paghihiwalay namin ni Kathlyn..Pagkatapos kasi ng graduation namin , umalis na sila ng pamilya niya dito sa pilipinas..

Hindi ko alam kung kailan ang balik niya..Siguro hindi na.Kasi alam kong kapag bumalik pa siya dito , magkikita kami..At baka masaktan lang din siya..

"Ito na nga..Kailangan pa bah talagang mag audition?.Pwede niyo naman akong kunin agad.." sambit ko at kinuha na ang susi ng kotse ko..

"Kuya , vocalist ang hinahanap namin..Maraming gustong sumali kaya kung gusto mo , pumila at magtiis ka muna..Unfair sa iba kung kukuha nalang kami agad agad.." si Nathan at lumabas na 

Sumunod naman ako sa kanya..

"Diba may iba pa namang grupo ng banda sa school?.Edi doon sila..At isa pa , naghahanap rin naman ng vocalist ang WAVES diba?Yung grupo nina Mark?"

Hinarap niya ako..

"May nahanap na daw sila..Babae atah yun.." aniya at pumasok na sa kotse niya

Pumasok nalang din ako sa kotse ko at pinaandar na yun..

Nang makarating kami sa campus ay agad kaming nag park bago pumunta sa gymnasium..

May mga nakapila na doon , well , hindi lang naman sila ang naghahanap ng myembro..Mga lima atah ang magpapa audition..

Agad akong umupo sa bleachers para hintaying tawagin ang pangalan ko..

Nagsimula na ang audition at sa dami nang gustong sumali , hindi ko alam kung maaabutan pa bah ako ng gabi dito sa kakahintay..

Mag iisang oras na akong naghihintay pero hindi pa nagkakalahati ang nakakapag audition..

May purpose din kasi kapag nakasali ka sa banda..May posibilidad na sumikat kayo dahil sa school na rin..At baka rin makalaban niyo ang mga nasa kabilang schools..

Kumakalam na ang sikmura ko sa kakahintay kaya agad na akong tumayo at lumabas muna ng gymnasium para pumunta sa canteen..

May iilang tao rin doon kaya agad na akong bumili para magkalaman na ang tiyan ko..

Habang hinihintay ko ang order ko ay may napansin akong babae na nakasuot ng tube top at high waisted shorts..

Hanggang balikat lang din ang buhok nito pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nahaharangan ng buhok..

May katawagan atah siya..

"Yes , nandito lang ako sa cafeteria para bumili ng tubig.." maganda ang boses nito

Parang pamiliar nga lang..

Napatingin nalang ako sa kanya mula ulo hanggang paa...Parang pamiliar talaga siya sakin..

Medyo matangkad nga lang siya..

Para kasi siyang si Kathlyn..Kaso kapag nakasuot ng heels si Kathlyn , hanggang leeg ko lang siya..Pero itong babaeng toh , konti lang ang agwat sa tangkad ko..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now