"Yuck! Hindi bagay Axel. Ang laki mong tao tapos bakla ka? Enough na yung si Douglas. Wag ka na dumagdag. Hahahahaha." ani Julie.

"Hahaha. No way no! Madami pang chics sa mundo please." sabi niya. "Anyway, I'll leave you two alone. Mauna na ko sa room dude." paalam niya saka na naglakad palayo.

"I'm sure gigisahin ka na nina Jack later. Axel will definitely tell them about us." sabi ni Julie habang naglalakad kami papunta sa room niya.

"Haha. Yeah, I'm sure of that too. Pero hayaan mo na. Isa sila sa mga shippers natin na muntik nang gumive up nung nagkagulo." sabi ko. Ngumiti siya sa akin and kissed the back of my hand.

"Ang dami pala nating supporters. I thought it was just my family, your mom and sister and my 3 crazy bestfriends. Yun pala, may trio ka din."

"Haha. I sure do, baby." sagot ko. Huminto na kami sa pinto ng CADD room at nakita ko namang andun na si Cielo sa loob. Kumaway siya sa amin at ngumiti naman ako pabalik sa kanya. "Oh. Yung isang member ng trios mo andito na."

"Haha. Yeah. And yung members mo hinihintay ka na din. Sige na. I'll go inside na." sabi niya. Tumango ako saka ko na siya hinalikan sa noo.

"I'll see you later."

"Yes po."

Pagpasok ko sa room ay agad akong sinalubong ng mga kaklase ko ng mga lukot na papel. Para kang nasa paper jungle sa dami ng kalat sa room.

"Binata na siyaaaaaa!!!" sigaw nina Jack at Kevin saka pa ako inakbayan.

"Dude, nag Christmas break lang may girlfriend ka na agad?" tanong ni Kevin pagkaupo namin.

"Ha?" pagtataka ko.

"Kayo na ni Julie diba?"

"Oo."

"Shet. Binigyan mo ko ng pag-asa dude." sabi naman ni Jack.

"Pag-asang ano?"

"Pag-asa na magkakagirlfriend pa ko."

"Ugok. Pano ka magkakagirlfriend eh babaero ka. Lahat na ata ng babae dito napikot mo na." sabi naman ni Kevin sa kanya.

"Baliw! Meron yan. Malay mo hindi pala taga dito." sagot naman ni Jack.

"Teka nga! Si Elmo ang topic dito eh." sabi ni Axel. Bwiset na to. Naiba na nga yung usapan ibabalik nanaman saken. "So? Kwento ka naman dude."

"Kailan ka pa naging chismoso?" tanong ko.

"Secret. Dali na! Ano?"

"Edi naging kami! Tinanong ko siya, sinagot niya ko. Tapos!"

"Psh. Imposible. Sa mala-teleserye niyong kwento ng bestfriend turned girlfriend mo, I doubt na ganyan lang ang kwento. But I respect you bro. Masaya kami para sayo. Finally!" pinalo ni Axel ang likod ko at ginulo naman nina Jack at Kevin ang buhok ko.

"Okay. Stop the ruckus, Mr. Magalona and company." biglang nagsalita ang bagong dating na prof namin.

Mabilis na natapos ang araw at sinundo ko na si Julie sa last class niya. Kasama niya dun si Cielo at binati naman ako ng huli.

"Hi, Elmo! Oh. Ayan na si Juju. Safe and sound yan ha." kindat ni Cielo.

"Haha. Thanks, Ciels." sabi ko.

"No problem. I'll go ahead guys. Baka naghihimutok nanaman yung pinsan ko. Bye!" paalam ni Cielo saka na nagmadaling naglakad.

"Hello there." bati ko kay Julie.

"Hello to you too." ngiti niya. Humalik siya sa pisngi ko at kinuha ko naman ang kamay niya saka pa ito hinagkan.

"How was your day?" tanong ko.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now