"Onga pala. San kayo galing?" tanong ni Maqui nang humupa ang tawanan nila.

"We went to Starbuck's. Ayun. Coffee then kwentuhan. Parang dati lang." sagot ko.

"Di ba awkward? Kasi may landian na kasama?" tanong naman ni Peachy.

"Hindi naman. We're comfortable with each other." sagot ko uli.

"Haha. Sabagay. You grew up together. Tsaka maganda din yung ganyan. Yung para lang din kayong friends kahit kayo na. Yun nga lang ugraded na." sabi naman ni Cielo.

"Yeah. Anyway. Magshshower lang ako." sabi ko saka na pumasok sa bathroom.

"Julie! Room service is here." ani Maqui.

"Yeah. Coming!" sigaw ko mula sa bathroom. Lumabas ako at saka naabutan silang kumakain. "Parang di galing sa party ah." sabi ko at saka umupo sa tabi ni Maqui.

"Haha. Eh si Tabs eh."

"Ako nanaman?! Lagi na lang ako!" angal ni Peachy na puno ang bibig ng burger.

"Oh. May evidence." sabi ni Maqui sabay subo ng fries.

"Tss. Ako na lang lagi. Alam ko malaki ako, Yats. Pero wag mo naman isampal sa mukha ko yung katabaan ko. Doble bigat eh!" tumawa naman kami ni Cielo sa pagtatalo nila. "Tas tatawa pa kayong dalawa?! This is madness!"

"No. This is Spartaaaaaa!" pabirong sabi naming tatlo.

"Daganan ko kayong tatlo diyan eh."

"Haha. Joke lang babe. Kaw talaga." sabi ko naman saka pa siya niyakap.

"Tss. Ikaw Julie Anne porket jumojowa ka na kung makaasar ka wagas nanaman ha? Diba kahapon lang nagpapanic ka dahil baka hindi dumating yang si Elmo? Oh ano? Tapos nung nalaman mong di siya aabot sa entourage drama-dramahan yang peg mo. Tapos when he arrived aba't akalain mong jowabels mo na agad?!" sabi ni Peachy.

"Eh ganun siguro talaga. Diba nga? Sabi ng South Border, there's a rainbow always after the rain. And here it is. My rainbow's here."

"Cheesy!!!" sabay-sabay na sabi nila saka pa ko pinagbabato ng frenchfries.

"Kainis!" sambit pa ni Maqui at marahan akong sinabunutan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pupungas-pungas pa ang mata ko nang lapitan ko ang pinto dahil sa malakas na katok na nanggagaling dito.

"Teka!" sigaw ko. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko nang makita si Elmo na bagong paligo na at maganda ang ngisi sa akin.

"Good morning to my beautiful baby!" bati niya.

Binagsakan ko siya agad ng pinto saka tumakbo sa bathroom at agad na nagtoothbrush at naghilamos. Pagkatapos ay inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko at saka nagsuot ng hoodie bago siya muling pinagbuksan ng pinto.

"Baby, di mo naman na kailangan mag-ayos no. I've seen you in your worst state and I loved you even more because of that." bungad niya.

"Tss. Kakagising ko lang kasi. Nakakahiya naman sa pagkafresh mo diba?" sabi ko.

"Aysus. Nahiya pa. Halika nga dito. Namiss kita eh." aniya saka ako niyakap at hinalikan. "Good morning." bati niya ulit.

"Morning." sambit ko at nginitian siya.

"Breakfast?"

"Hindi pa ko naliligo." sabi ko.

"I don't care baby. Mabango ka kahit di ka maligo. And besides you look gorgeous naman ah." aniya. Kumunot ang noo ko saka nagpout. "Don't pout baka halikan kita."

"Don't you dare." nanliit ang mata ko sa kanya.

"Haha. Takot ko lang sayo. Halika na?"

Nagpunta kami sa isang sikat na breakfast shack at umorder siya ng madaming pagkain. Ano to? Fiesta?

"Bru, ang dami naman nito." sabi ko sa kanya.

"Huh? Hindi ah. Kaya nating ubusin to. We're born for this." taas-babang kilay na sabi niya.

Napailing na lang ako at nagsimulang kumain.

"I hate girls who eat small amount of food. I like your appetite." aniya maya-maya.

"Huh?" pagtataka ko. Tumawa siya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Sabi ko gusto ko yung mga babaeng katulad mo na magana kumain." sabi niya. "Hindi ako mahihirapan idate ka kasi you eat everything. Hindi ka maarte sa food." dagdag pa niya.

"I just hate wasting food. Ang daming nagugutom tapos mag-iinarte pa ako?" sabi ko naman.

"Exactly." tango niya. "Eat up."

Ngumiti ako saka na kumain ulit. Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa park at naglakad-lakad. Nakaupo kami, nakasandal ako sa dibdib niya, dito sa hilltop at pinapanuod ang mga batang naglalaro sa ibabang part ng park.

"You remember when we were kids? Kapag nagsspend tayo ng weekends dito? We would always fly kites and then mag hhorseback riding tayo. Diba?" sabi ko.

"Oo. Naalala mo one time? Nung yung nasakyan kong kabayo was I think her name's Starlight. Tapos diba naalala mo nung siya yung sinakyan ko tapos may sipon pala yung kabayo. Then nagsneeze siya tapos tumilapon ako? You remember that?" masiglang kwento ni Elmo.

"Hahaha. Yeah! I think we were 10 nung mga panahong yun. Grabe. Sobrang tawa ko kaya nun. It was just like in the movies diba? Hahahaha."

"Hey. You didn't laugh. Umiyak ka nun kasi nabalian ako ng buto."

"I laughed then when you started crying, umiyak na din ako. We were dominoes. When one of us feels something, affected agad yung isa." sabi ko.

"Kaya ba nainlove ka saken? Because I fell in love with you?" tanong niya.

"Hm. Ewan ko. It was unexpected really. Galit ako sayo nun but then I want to talk to you and spend time with you and even daydream about you. It was a weird experience." sagot ko. "Tsaka nagselos ako no."

"Huh? With who?"

"Kay Cielo. Kasi you guys started getting close to each other. You remember when you were at Snackers and I was there too?"

"Snackers? Yung snack shack sa school?"

"Yeah. That place."

"Haha. Yeah. Naalala ko yun. You were making googly eyes with Miguel."

"Sus. Googly eyes daw. Kaw nga sinusubuan pa si Cielo eh."

"It was actually an impromptu plan. She actually volunteered herself to help me make you jealous. I think nagwork naman?"

"Hm. Konti lang." sabi ko saka pa pinakita ang thumb and forefinger ko na magkadikit.

"Pfft." he snorted.

"Bru..." sabi ko sabay sandal sa dibdib niya. Niyakap naman niya ako at dinikit pa ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Hm?"

"Paano kung nainlove ka kay Cielo and ako naman kay Miguel? Sa tingin mo may tayo kaya?" Tumingin siya sa akin na may halong pagtataka sa mata. "If ever lang..."

"If ever mangyari yun?" tanong niya. Tumango ako at muli niyang pinagdikit ang mga pisngi namin. "Siguro palagi kaming mag-aaway ni Cielo."

"Bakit naman? Eh in love ka nga sa kanya?"

"Kasi maiinlove pa din ako sayo. Alam mo yun? Parang, hahanapin ko siguro sa kanya yung mga bagay na meron ka."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon