"Ulol! Under ka kaya. Isang text lang sayo kung nasan ka karipas ka kaagad ng takbo eh." sabi naman ni Kuya Bryan.

"Kaw din naman ah!"

"Bro, kapag mahal mo misis mo, gusto mo talaga na mapasaya mo siya. Wala namang masama kung susunod ka sa kanya diba? Syempre asawa mo yan. You married her because you want to and you love her. And when you marry the woman you love, it only means that you accept all the qualities she has even if she nags a lot." sabi ni Kuya Bryan.

"Tama!" sang-ayon naman nina Kuya Pol, Kuya Jiro at Kuya Fort.

"Bru!" tawag sa akin ni Julie.

"Oh ayan na. Tinatawag ka na." sabi ni Kuya Jiro sabay tapik sa likod ko.

"Uhm... Dun po muna ako." sabi ko saka tinuro si Julie.

"Sige dude." sabi nila. Tumayo na ako at naglakad palapit kay Julie.

"Uuwi ka ba?" tanong niya. "Coz Tita Priscilla and PeeWee went home." dagdag niya.

"Gusto mo ba?" tanong ko. Umiling siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Stay here." sambit niya. Ngumiti naman ako saka tumango.

"Okay." sagot ko. "I think you've had a lot of that." sabi ko sabay turo sa basong hawak niya.

"Sila Maqui kasi eh. Tuwang-tuwa sila na tayo na kaya yan. Pinainom nila ko. Konti pa lang naman to eh." sabi niya. "This is my 3rd pa lang."

"Uh-huh. Tama na yan bru. Let's go somewhere far from here."

"Huh? It's 1am bru. I think wala na tayong mapupuntahan at this hour." sabi niya.

"Meron. Ako bahala. Let's go." sabi ko.

"Hep! Saan mo dadalin si Julie?" pigil ni Maqui na sa tingin ko ay galing sa restroom.

"Aalis kami." sagot ko.

"Bakit?" pagtataka niya.

"Basta."

"Ohmygod! Don't tell me..." gulat na sabi ni Peachy.

"Ohmygod!" sabay na sabi naman nina Maqui at Cielo.

"Huh?" pagtataka ni Julie.

"Anong gagawin niyo?!" tanong ni Maqui.

"Wala! Grabe. Utak niyo ha." sabi ko. "Magccoffee lang kami ni Julie okay? Ngayon ko pa lang masosolo girlfriend ko no."

"Aysus. Yun lang pala. Oh siya. Humayo kayo't magpakarami. Hahahahaha!" sabi ni Peachy at winagayway pa ang kamay niya.

"Peach!" sigaw ni Julie.

"Chos lang babe. Masyado kang defensive ha. Talaga to." kumindat pa si Peachy saka na hinatak sina Maqui at Cielo pabalik uli sa bar.

Nasa Starbuck's na kami ni Julie. Nakapagbihis na rin siya ng damit dahil bago kami umalis ay nagpaalam muna siya na magpapalit. Ako rin naman ay nagbihis muna. Magkatabi kami sa couch at parehas pang nakasuot ng hoodie. Nakasandal ang ulo niya sa akin at nakasandal naman ang ulo ko sa ulo niya.

"Look at them..." sabi niya makaraan ang ilang saglit. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang grupo ng mga teenagers. Siguro ay mga 18 years old sila. Nakaupo sila sa pinagtabi-tabing round tables at masayang nagkkwentuhan.

"Anong meron?" pagtataka ko.

"One day, two of those kids will fall in love with each other." sabi niya.

"Parang tayo lang? Haha." sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Yeah. Parang tayo lang. Naalala mo dati? We always hangout at places like this. Tayo nila Maqui, Peachy, Axel, Kevin, Gino and Jack."

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now