sa kanya....chapter 31

Start from the beginning
                                    

"ma kung hindi mo na kaya, alam mong andito lang ako, kung kinakailngan mo ng hiwalayan si papa susuportahan kita" siguro nga makasarili na ako ngayon, makasarili ako dahil hindi ko naiisip kung ano ung nararamdaman ni mama, ang gusto ko lang ngayon maging maayos lahat samin ni gavin, mahal na mahal ko siya, kaya hanggat kaya kong lumaban o sabihin na natin labanan ung ganitong klaseng problema, magpapakatatag ako

gavin's pov

parang pinipiga ung puso ko habang pababa kami nila paul ng sasakyan, papunta kami ngayon kay papa, hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman, alam kong hindi maganda ung lagay ni papa sa kulungan kaya nahihirapan akong isipin na okey lang lahat, hindi ko din magawang pigilan ung luha ko dahil alam ko ginawa to ni papa para tuluyan na kaming malaya ni lawrence, kung pano ko tutumbasan ung pag sasakripisyo ni papa na ganito ayun ang alam kong kahit kailan hindi ko mababayaran

"anak patawad, matagal na sana kayong masaya, kung hindi lang dahil sakin" awang awa ako sa itchura ni papa, halos ilang linggo na pala siyang nakakulong at wala kaming kaalam alam, at sa tingin ko sa kanya ang laki ng pag hihirap niya, kita ko un sa lalim ng mata niya, pati sa laki ng pag payat niya

"pa mahal na mahal kita" inakap ko si papa ng sobrang higpit, ung akap na parang ayaw ko ng bumitiw, kung maari nga lang na wag na akong umalis sa tabi ni papa gagawin ko, pero pano naman si mama?

"ikaw na bahala kay mama mo, alam kong mabait ang diyos satin, lalabas din ung totoo" sabi ni papa habang nakatitig sa mga mata ko

"glen bakit mo to ginawa, di ba sabi ni lawrence lumayo ka muna?" singit samin ni mama

"hon, kung mag tatago ako, mag tatago din si gab at lawrence, hayaan na natin sila" bigla akong napahagulgol sa iyak ko, kung kanina kaya ko pang pigilan ung iyak ko pero ngayon kusa na siyang lumabas sa mata ko, napakabait ni papa, kaya alam ko naiintindihan niyo na ako ngayon kung bakit sobrang hirap para sakin na isipin gabi gabi, na malambot ang hinhigaan ko sa pag tulog, masarap ung kinakain ko, samantalang si papa nag hihirap para lang sa kaligayahan ko

kagaya ko alam kong ayaw din ni mama na umalis kami sa prisinto, pero kanina pa kami pinapaalis ng mga pulis, kung hindi nga lang pinakiusapan ni paul ung mga pulis malamang mas maaga pa kami pinaalis

"paul salamat" sabi ko kay paul, nung nasigurado ko na mahimbing na ung tulog ni mama, awang awa ako kay mama, alam kong nag papakatatag siya sa harap ni papa kanina pero kita ko na nag hihirap siya, sabi niya sakin nalaman lang daw niya na nakakulong si papa nung may nag sabi sa kanya na kaibigan na asawa ng pulis na nakakulong nga si papa

"ikaw naman alam mo naman, andito ako palagi sa tabi mo, gab di ako mawawala" inakap ko ng mahigpit si paul, lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ibibigay ko sa akap na to, hindi ko to kasi mabigay kay lawrence kahit pa gustong gusto ko, kasi alam ko na nahihirapan din siya, kaya lahat ng paraan gagawin ko wag lang niya akong makita sa pinakamahing parte ng buhay ko

"tahan na babe,, nasasaktan ako ng ganyan ka, sorry wala akong magawa"

napatitig ako sa mga mata ni paul... 

bakit ganun? pinipilit ko na ung puso ko na sana siya na lang, para hindi na madamay ung pamilya ko sa ganitong sitwasyon, kung kami siguro magagawa ko ng matulog ng maayos sa gabi, hindi siguro ako ngayon umiiyak dahil wala akong magawa, pero bakit nman ganun?? kahit anong pilit ko, kahit ata palitan ako ng puso si lawrence pa din mamahalin ko

"gab kung may itutulong ako sayo, kahit ano pa yan mag sabi ka ah, andito lang ako" gustong gustong sabihin na kailngan ko ngayon ng tulong pero parang merong sariling buhay ung dila ko, siguro nga kahit dila ko nasakop na din ni lawrence, kasi sa kanya ko gustong sabihin na lahat, as in lahat lahat ng nararamdaman ko

"salamat paul" hinatid ko si paul sa gate ng bahay namin, kailangan ko na din mag pahinga dahil sabi ni mama kailngan namin maaga gumising dahil babalik kami kay papa, mag dadala daw kami ng damit ni papa at mga pag kain

pag alis ni paul , inayos ko na agad ung mga dapat kong ayusin, sabon, twalya, kumot unan ni papa, halos buong bahay na nga ata ung dadalin namin ni mama para kay papa.

aakyat na sana ako sa kwarto ko nung my biglang nag doorbell, excited pa nga ako kasi baka si lawrence un, nag txt kasi siya kanina sakin na pupuntahan niya ako ngayon

pagbukas ko ng gate biglang bumilis ung tibok ng puso ko, halos nahihirapan na din akong huminga dahil sa kaba ko

"mr.perez" mahina kong sabi

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------PLS PLS DO VOTE AND COMMENT PO MWAHHHHHHHHHHH

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Where stories live. Discover now