' Noona ang sexy mo '- sabi ni Jun kaya nabatukan sya ni Minghao.

Hindi ako nakasagot. Nakakahiya.

Napatingin ako kay Vernon, nakayuko sya.

' Tara na nga. Wag na kayong ma-inlove sakin '- sabi ko tapos nagpunta na kaming lahat sa van ng Seventeen.

Ako nalang siguro ang magda-drive. Wag nyo akong ipahuli ha ? Kahit 17 palang ako, marunong na akong mag-drive. Wag lang sanang magka-checkpoint sa dadaanan namin.

' Marunong kang mag-drive Noona ? Astig ! '- sabi ni Wonwoo.

' Diba 17 ka palang ? May drivers license ka na ba ? '- tanong sakin ni Vernon.

Napatulala ako. Shit naman kasi. Bakit ba ang gwapo gwapo mo kahit na umagang-umaga ?

Nahimasmasan ako ng ni-wave nya yung kamay nya sa harap ko.

' A-Ah wala pa syempre. Pero praktisado naman ako eh '- sabi ko.

' Baka kasi mapahamak ka pa. Seungcheol hyung ikaw na lang ang mag-drive '- sabi ni Vernon.

Nanlaki yung mata ko. Concerned ba sakin si Hansol babes ? Shemay !

Nakipagpalit sakin ng upuan si Seungcheol kaya napagitnaan ako ni Joshua at Vernon.

Bakit ba nandito tong tahong na to ?

Nakasuot ng earphones yung tokwa habang si Vernon babes naman ay nagra-rap ng mahina habang nakatingin sa bintana.

Ako naman, syempre nakikinig sa rap ng babes ko. Ang galing nya talaga kahit kailan.

Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya napatigil sya sa pagra-rap at napatingin sakin.

' Noona, pwede ba akong umunan sayo ? '- tanong nya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

' H-Ha ? '

' Inaantok kasi ako eh .. '- sabi nya habang nagkukusot ng mata.

Kanina lang ang hot nya sa paningin ko. Ngayon bigla na syang naging cute. Iba na to.

' A-Ah sige. Ayos lang '- sabi ko.

Nginitian nya ako. Yung ngiting mai-inlove ang lahat ng babae lalong-lalo na ako.

Sumandal sya sa balikat ko at nakaramdam ako ng parang kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko. Eto ba yung sparks ?

Maya-maya pa, nakatulog na sya. Hindi ako makagalaw masyado kasi natatakot akong magising sya bigla. Mukhang pagod pa naman sya.

' Si Hansol oh. Breezy '- rinig kong sabi ni Seungkwan na katabi sa Hoshi at DK sa likod namin.

' Si Noona naman gustong-gusto '- sabi ni DK.

' Kung may natutuwa, syempre may nagseselos '- sabi ni Hoshi.

Ewan ko ba pero parang may pumihit sa ulo ko kaya napatingin ako kay Joshua na nasa left side ko.

Ang sama ng tingin nya sakin.

' Problema mong tokwa ka ? '- tanong ko. Mahina lang kasi baka magising si Vernon at baka marinig ng ibang members.

' Sa susunod wag ka nang mag-shorts. Feeling mo naman ang ganda ng legs mo '- sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko kasi ine-expect na ganun yung sasabihin nya.

Napa-iwas nalang ako ng tingin. Aaminin ko, medyo nasaktan ako sa sinabi nya.

Sa tingin ko naman hindi pangit yung legs ko eh. Ingat na ingat nga ako dito mula bata pa lang ako.

' Soonbyul .. '

Hindi ko sya nilingon. Pagkatapos nyang laitin yung legs ko, tatawag-tawagin nya ako ?

' Soonbyul naman .. '

Nagkunwari lang ako na walang narinig.

' Sorry '

Humarap ako sa kanya with a blank expression on my face.

' Ang totoo kasi nyan, kaya ayoko nang magsusuot ka ng shorts dahil sa ibang members. Alam mo naman kasing lalaki sila tapos magsusuot ka ng ganyan '- sabi nya habang nakayuko.

Okay ..

Bakit parang nasapian ng good spirit tong si Jisoo ?

--

Nandito kami sa dance practice room ng Pledis. Nagpa-practice na sila ng sayaw para dun sa bagong MV ng ire-release nila.

Mansae ♥

Talagang ginagalingan na nila kasi bukas na yung shooting ng MV.

Si Hoshi, syempre ang nangunguna. Nakaka-proud panoodin tong maingay na to. Kahit na baliw to, ang galing namang sumayaw at magturo.

At dahil ako ang number one aircon nila, kahit na nakaupo lang ako dito sa isang tabi, deep inside nagwawala na ako. Ang hot nilang lahat ! Lalo na si Vernon babes ! Woooh ! Go Hansol ! Fighting !

*taas karatula sabay nae nae*

Ang galing nilang sumayaw lahat.

Ay wait.

May nakita akong trying hard sumayaw sa may likuran.

Pft.

Si Joshua !

Ang yabang-yabang neto tas mas magaling pa pala akong sumayaw kesa sa kanya !

' Ay ? Baliw lang Noona ? '- sabi sakin ni Seungkwan.

' Bat ka natawa mag-isa dyan ? '- tanong ni DK tapos naupo silang dalawa sa tabi ko.

Ituturo ko na sana sa kanila yung tokwa na trying hard sumayaw sa likod pero naalala ko yung nangyari kahapon kaya natigilan ako.

Sayang talaga yun eh.

' Hay. Muntik na talaga yun '- sabi ko sa kanilang dalawa.

' Yung kahapon ba Noona ? Kaya nga eh. Sayang ! '- sabi ni Seungkwan.

' San ba kayo pupunta ni Jisoo hyung ngayon ? Sayang tuloy yung kay Hansol '- sabi ni DK.

' Wala naman kasi talaga kaming pinagusapan ni Joshua eh. Sinabi lang nya yun para inisin ako. Para di kami magkasama ni Vernon. Panira talaga sya ng lovelife ! '- sabi ko sabay punas ng imaginary luha.

Natawa lang si DK at Seungkwan. Yung feeling na nagda-drama ka tas tatawanan ka lang nila.

' Narinig ko pangalan ko '

Napatingala kaming tatlo sa nagsalita kasi nakaupo kami sa sahig.

SI VERNON

Naupo sya sa tabi ko tapos sumandal sa pader. Pumikit sya. Mukhang pagod na sya.

Napatingin ako kay DK at Seungkwan pero wala na sila. Hay. Yung dalawang yun talaga.

' Noona, saan kayo pupunta ni Jisoo hyung ngayon ? Sayang. Magpapasama sana ako sayo sa Myeongdong '- sabi nya tapos tumingin sya sakin.

' Ahㅡ '- sasagot na sana ako pero may kamay na biglang humila sakin patayo.

Napatingin ako ng masama sa kung sino man yon. Bastusan ?

' May iuutos ako sayo '- sabi ni Joshua.

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

Opo. Si Joshua na naman. Panira talaga to ng moment forever eh !

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now