Love 46 - Palpak.

14.6K 139 5
                                    

Love 46 - Palpak.

Nasa beach na kami. Alam nyo kung ano ginagawa namin? Hulaan nyo. But hulaan nyo muna kung sino ako :D

Korni ko. Yun lang.

"Hoy Kyle! bagalan mo naman ang pagsasalita mo! Ano ba?! nawawala na kami sa script!" - Reena. Err. Malay ko ba, basta ako binabasa ko itong script makaalis lang dito sa tubiog at tanging ulo lang kita sakin. Pucha. Saklap ng buhay ko. Muka akong pagong dito.

"Kyle, anong sabi ko?"

"Lagyan ng damdamin." - Sagot ko

"Oh! eh nasaan na ang DAMDAMIN?!" - Ma'am. Nilubog ko nalang yung ulo ko sa tubig. Kinatusan tuloy ako ng katabi ko, si Chris. Kaya napa-angat ako. "Umayos ka!"

"Opo" - Sabi ko.

"Okay! from the start!" - Sigaw ni ma'am. Okay, sasabihin ko na kung bakit kami nakalubog at feeling mermaid dito, Kailangan daw kasi naming palakasin ang boses namin, at kailangang masanay kami ng ganun bago magdilim. (-__-)

Nagsimula na ulit kami. Aayusin ko na talaga dahil nais ko nang umahon dito. @__@ Nahihilo na ko sa sobrang init.

  Matapos ng makabagbag damdamin naming pagpa-practice ng hindi totoong script, pinaahon na kami ni Ma'am. Sa sangkatutak na ginagawa namin, hindi ko alam kung alin ang totoong practice, paki-expalin nga woh.

"Bumalik na kayosa loob at maligo. Pagkatapos ay bumalik kayo sa salah." - Sabi ni Ma'am tapos pumito na naman sya. (+___+) Nasanay ata kami na pakilusin gamit yung pito. Pwede na kami sa squad.

Naligo kami then bumalik sa salah.

"Late! Late! Late!" - Ma'am na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang napakagwapo nyong bida. :P . Well, kasama pa yung tatlo. "ilang beses ko sinabi na ayaw ko ng late?!"

"124 times na poma'am simula kaninang alas tres" - Reena sabay yuko.

"And still late parin kayo?!" - Ma'am

"Ma'am, hindi po kami late, nauna lang talaga ang gir--" Naudlot ang pagpapaliwanag ni Chris ng biglang naglabas ng stick si ma'am. "sorry ma'am" Sabi ni Chris na kampante parin sa kinatatayuan nya.

"Hinde, ayos lang. KAYO!" Sabay turo saming tatlo nila Jiko at Josh "Oras na maulit ito talagang tatamaan kayo sakin!" - Sabi nya tapos pinasalampak kami sa sahig.

***

As time goes by...ay charot. (=__=) As time goes by daw woh! Paniwalain ang duling!  Alam nyo ginagawa namin? Sapilitan kaming pinapaiyak ng teacher na ito! Aba..grabe pantotorture nito ah.

"Isipin nyo ang mga bagay na nakasakit sa inyo, mga bagay na hindi nyo inaasahan pero nangyare." - Ma'am

THE BILLIONAIRE CASSANOVA'S FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon