Love 9 - Cloud Nine

24.9K 232 13
                                    

Love 9 - Cloud Nine

~

"Eto anim na piso, bili ka kaligayahan mo"

~

Kyle's POV

Kumisap ang mga mata ni kapatid. E paanong hindi? Pambungad na samin ang dami ng pagkain. (=___=) Nanunuhol ba 'toh? aba.

"Upo na kayo (^__^ )" - Nakangiting sabi ni Janica saka sya umukyabit sa braso ko na agad ko namang tinanggal.

"Ikaw nagluto nitong lahat?" - Tanong ko. Tumango sya. Wow.

(>__>) Last last month di ka pa marunong magluto ah? Bakit naiba ata ihip ng masamang hangin? Aba~ nag-improve.

Paki ko :I

Umupo na kami ni Chris. Si Chris naglalaway na. Yan lang katapat nyan eh. Pero teka,  Alam ko may sasabihin ako dito sa isang to ah?

Nevermind.Kumain na kami.

"Ano? Masarap ba?" - Janica

"Pwede na." - Sabi ko

"Hindi masarap! >O<" - Chris. "Ayoko na nga kumain. Tsk!" - Sabi nya tapos umalis. Akala ko ba di nya aawayin si Janica? Ayos. Napayuko si Janica sa ginawa at sinabi ni Chris.Ako naman, tuloy sa pagkain.

"Wag mo na kainin yan" - Janica. Subo lang ako ng subo. "Wag mo sabi kainin eh!" - Tumayo sya at lumapit, hinablot nya ang pinggan ko. "Wag kang kumain ng hindi masarap."Sabi nya.

Pinigilan ko sya. Inagaw ko sakanya yung pinggan ko tapos binalik ko sa mesa. "Manners naman, nakita mong kumakain ako." Inalis ko tingin ko sakanya. "Maupo ka na at kumain, kahit naman hindi to masarap kakainin ko parin...sayang."  At kumain ulit ako.

Ramdam ko, napangiti sya sa sinabi ko. FYI. Hindi ko yun sinabi para pagaanin ang loob nya. sadyang mabait lang ako at naaappreciate ko ang biyaya ng Diyos.

Halleluyah!

Pagkatapos namin kumain, tumambay muna ko sa may garden. May masarap dun eh. Malamig ang hangin, presko sa pakiramdam.

"Kei.." - Narinig ko ang boses nya.Dinilat ko ang mata ko.

"Wag mo kong tawagin sa pangalang yan,.Matagal ko nang binaon yan."  -Sabi ko.

"K-Kyle, m-mahal mo pa ba ko?" - Tinignan ko sya. Emotionless. "A-ahhh...ok.."

"Siguro." - Sagot ko. Naglakad na ko papasok. "Pumasok ka na. Baka lamigin ka pa dyan." - Sabi ko at tuluyan na kong pumasok sa loob.

~

Kinabukasan pagpasok ko wala pa si Ailie. HIMALA, Pati si Cherrie wala pa.

THE BILLIONAIRE CASSANOVA'S FIRST LOVEWhere stories live. Discover now