Love 44 - Dragon Vs. Lion

15.6K 138 11
                                    

Love 44 - Dragon Vs. Lion

Umaga na naman at ako'y nagising sa sinag ng araw na bumati sa muka ko. (-__-) ANG SAKIT. Eto ba epekto ng global warming at climate change?!

BTW. Grabe makakapit tong katabi ko ah, close kami?1 close kami?1 inagaw na nga nya ang mahal ko tapos makakapit sakin akala mo tuko! Ibenta pa kita dyan eh!

Yeah, ako to. SI KYLE! bakit? may angal? (-___-) Ang unfair ng author ng istoryang to hindi ba?! istorya ko to pero ayaw pagbigyan ang kaligayahan ko! (>O<) Ibalik mo sakin si Ailie! at ako lang dapat ang may POV dito! amp ah!

Ok, tama na pang-aaway sa author kong ma-bangs, baka ako'y bangayin nya. Takte! ang bigat naman nitong katabi ko! may balak ata tong rape-in ako eh! Tsk tsk, pati sya tinablan ng aking kakisigan? how nice naman kung ganon :P

tinulak ko sya palayo sakin at tumayo na ko at nagbihis. Paglabas ko nakita ko sila Mina at Ethan sa kusina, gumagawa ata ng breakfast.

"Morning" - Mina

"Morning din.." - Bati ko. "Kayo palang gising?"

"Ah! hinde, si chris, reena at Cherrie gumagala sa may beach. Maglalakad daw muna sila bago kumain. alam mo na, pampagutom"

"Mina! yung soup!" - Ethan

" (>O<) Wahhh!!!" - Mina tapos lumabas na ako. Nakita ko nga sila Chris sa beach, akalain mong tatablan sya ng sipa at sapak ni Cherrie? (-__-"") Naalog ata ang utak, ayan tinamaan ng sobra kay Cherrie.

"Morning" - Ailie, nagkukusot pa sya ng mata.

"Morning din, pss. May muta ka pa" - Sabi ko. Bigla syang namula tapos nagtatakbo pero hinawakan ko sya para di na sya makalayo. "Joke lang, naniwala ka naman"

"Ansama naman nito! (>O< )" - Ailie., HAHA! nakakatuwa talaga sya! Inayos ko yung bhok nya tapos tumingin nalang ulit ako kila Cherrie. Mamaya magising pa boyfriend nito at makita kami, pati ako bugbugin. Tapos pag nabugbog ko si Jiko, iiyak si Ailie tapos magagalit sya sakin tapos lalayuan nya ko tapos hindi ko na sya makakausap, then hindi makikita at ang huli ay wala na. Wala na kong pag-asa. (-___-) Sarap pumatay.

"Ang saya naman nila nuh? ahha! tara sali tayo!" - Ailie.

"Ayoko, ikaw nalang.." - Sabi ko.

"Bahal aka nga."  -Sabi nya tapos nagtatakbo sya papunta kila Chris "OYYYYYYYY!!!!! SALI AKO!!!!"

*Sigh*  Naiirita naman. Kahit gusto ko sya makasama hindi pwede kasi may eepal. Alam na.

"Bro" - Jiko. Sige, isa-isa kayong bumati, ang saya nyo eh. Saya nyo sa ginagawa nyo eh. Nakakapagod sumagot ah! (>O<) Inam.

THE BILLIONAIRE CASSANOVA'S FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon