SUE Confession #6

33 5 7
                                    

Heto na naman tayo sa depressing point ng bawat family gathering. Yung mapupunta ang usapan sayo.

Magsisimula na naman silang magtanong tungkol sa grades ko.

"Okay naman po. College scholar pa rin naman po."

Susundan ng tanong kung ano ang balak ko pagkagraduate. Saan ko balak magtrabaho.

"Pagkapasa po sa board exam, sasabak na po agad ako sa training."

At pinakamalupit na tanong na ilang taon ko nang hindi masagot-sagot. Tanungin na nila ako tungkol sa law enforcement, training, history at self-defense. Tanungin na nila ako kahit ano tungkol sa acads, wag lang to.

"So, Gabbie, may nanliligaw na ba sayo?"

Napatawa ako nang medyo mapait. Kasingpait ng hinain nilang ampalaya sa hapag.

"Graduate muna po."

Taon-taon ko na yang sagot pero taon-taon pa rin nilang tinatanong. Pahingi ngang atchara! Pampatanggal-umay lang.

"Grabe naman. Ligaw palang naman yun. Baka mamaya tumanda kang dalaga."

Bente palang ako, tatanda na agad na dalaga? Grabe naman po.

Nagkibit-balikat nalang ako. Wala pang inuman, ako na agad ang pulutan.

"Baka kasi siya dapat ang manligaw," sabi ni Kuya Wan, panganay namin.

Inikutan ko nalang siya ng mata. Epal talaga to.

"Hindi po yan tatandang dalaga. Tatandang binata kasi yan," gatong pa ni Kuya Tu.

Oo, pangalawa siya sa panganay. Pangit kasi mga pangalan nila kaya naging ganyan nicknames nila. Bilang-bilang lang.

Kung kami-kami lang dito, nabato ko na to ng pinggan.

"Pabayaan niyo na muna yan si Gabriela. Darating din yan diyan. Wag madaliin."

Nice one, Lola! At dahil diyan, araw-araw na talaga akong maghuhugas ng pinggan.

Hanggang sa naiba ang topic. Sa wakas, nakakain na ako nang maayos. Pagkatapos naming kumain, pinagpatuloy ng mga matatanda ang kwentuhan nila sa sala. Kaming mga kabataan na pag-asa ng bayan, tumambay kami sa veranda.

Birthday kasi ni Lola. At taon-taon, tuwing birthday niya, obligado ang lahat na magsama-sama. At dahil kami ang nag-aalaga kay Lola, sa bahay lagi namin ito ginaganap.

"Andyan na favorite cousin mo," bulong sakin ni Kuya Wan.

Hindi ko na kailangang tingnan pa kung sino yun. Matik na yun.

"Hello po!" narinig kong bati niya sa mga tao.

Si Harlene. Dalawa lang kaming babae sa mga magpipinsan kaya madalas kaming ikumpara.

Actually, siya lang naman ang mahilig magkumpara. Ewan ko ba sa kanya. Akala mo kompetisyon lagi.

"Gabbie!" bati niya sakin sabay yakap.

Sobrang tamis na naman ng pabango niya. Sakit sa ilong. Pakiramdam ko, magkaka-tonsilitis ako sa amoy palang.

"Musta ka naman?"

"Okay naman." Ayoko na sanang magtanong pa kaso halatang nag-aabang siya. "Ikaw?"

"Oh, really well!" sabi niya sabay suklay ng buhok niya gamit ang mga daliri niya. "Okay na okay kami ng boyfriend ko."

Luh? Tinatanong ko ba?

"Ikaw? Kailan mo balak magboyfriend?"

Kapag wala ka nang pake.

Campus ConfessionsWhere stories live. Discover now