SUE Confession #3

611 34 10
                                    

"Tingnan mo, naka-itim na naman siya. Alam mo ba kung bakit siya naka-itim?"

I rolled my eyes to the galaxy. "At bakit naman, Peter?" bored kong tanong sa kanya.

Ipinakita niya sakin yung cellphone niya at  binasa yung research niya. "Black absorbs everything coming in from the sun."

I sighed inwardly. "So?"

"Para kung sakaling matamaan siya ng kaunting sunlight, hindi siya masunog agad. Hindi mo ba napansin?" I continued scrolling down my Facebook. Araw-araw na atang ipinaglaban ng pinsan kong avid sci-fi fanatic lalo na ng pelikulang Twilight na si Peter, na isang bampira ang ka-department naming si Zillah. "Pati na-research ko, ang pangalang Zillah ay kasama sa mga listahan ng mga names ng female vampires. At alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan niya sa Hebrew?"

Why does he always ask me even though he knows I don't know anything about it?

Halos ipagduldulan niya na sa mukha ko yung cellphone niya para maipakita ang proof ng mga kawirdohan niya. "It means shade, shadow and gloom in Hebrew! Kaya siya laging naka-itim!"

Naiiritang nilingon ko siya. "Wag ka ngang maingay! Baka mamaya, may makarinig sayo at mas lalo pa nilang mapatunayan baliw ka."

Sumimangot ang gago. "Sinasabi ko sayo, Earl. Kailangan mong mag-ingat sa mga kinikilos mo. Baka mamaya nagiging biktima ka na niya. Crush ka pa naman niya."

"Seriously, Pete? Don't you think you're being too much? Hindi ka naman inaano nung tao tapos hinuhusgahan mo agad na bampira. Saka, rumors lang yun. Hindi totoong crush ako non."

To be honest, those rumors about Zillah having a crush on me started when they asked her of who will she choose. Kung ako ba o yung kaklase naming gagong jock. Pinili niya ako.

Kahit ako, pipiliin ko sarili ko. Hehe.

Pero katuwaan lang naman yun. Walang malisya.

"Hindi lang ako nag-iisip nang ganon, Earl!" He shoved his phone back to my face. "Basahin mo to! May nag-confess kahapon sa SUE tungkol kay Zillah and her vampireness."

"Vampireness? That's not even a—"

"Just read it!"

Parang lang matigil na siya, kinuha ko yung cellphone niya at binasa ang confession. Minsan, pinagsisisihan kong naging pinsan ko tong lalaking to eh.

Zillah, the vampire of BS Psychology

So kanina lang, naglalakad ako pauwi nang makasabay ko sa paglalakad si Zillah. Hindi naman totally sabay. Mas nauuna siya sakin nang tatlong talampakan tapos lahat ng aso, nagtatahulan habang nadaan siya. Ang creepy lang.

Pagkatapos, nagsintas lang ako ng sapatos dahil biglang natanggal yung pagkakatali, paglingon ko, wala na siya sa harapan ko. Nandun na agad siya sa gate ng bahay nila eh tatlong bahay pa ang layo non mula sa kinatatayuan niya bago ako magsintas. Naalarma ata siya nang mapa-"Shit!" ako nang makita kong natanggal yung pagkakabuhol ng sintas ko kaya biglang nag-accelerate o nag-teleport. Bago pa siya pumasok, may sumalubong sa kanyang malaking aso. Werewolf. Kinuhaan ko ng picture tapos parang naramdaman niya kaya tumingin siya sakin nang masama. Nanlamig yung buong kalamnan ko, bigla ring uminit ang pakiramdam ko.

(THE PICTURE OF THE WOLF BELOW)

I am 99% sure talaga na bampira si Zillah! BEWARE.

M, BS Sintas

Kunot na kunot ang noo ko pagkatapos kong basahin yung confession. "This is bullshit." Humalukipkip si Pete sa sinabi ko. "Dogs naturally bark if they see unfamiliar people around. Teleport? The fuck, Pete. Hindi ba pwedeng mabilis lang maglakad? And this," I pointed at the picture of the "werewolf". "This is a freaking husky! Nasaan ang utak ng nag-confess na to?"

Campus ConfessionsWhere stories live. Discover now