SUE Confession #4

427 17 16
                                    

This is quite long.

*

"Kinikilig ka na naman," sabi ko kay KC nang mahuli ko siyang ngumingiti hanggang batok sa tabi ko habang hawak ang cellphone niya.

"Si Harris kasi eh," sabi niya tapos nagpapadyak pa. "Ang sweet masyado."

I can't help but to feel sour. I rolled my eyes to the galaxy. Hindi naman sa inggitera ako pero... Edi siya na ang may lovelife!

"Hindi ka na nasanay. Tuwing katext mo naman yan, lagi mong sinasabing sweet sayo," sabi ko habang pinapatuyo ang nail polish na kalalagay ko lang sa kuko ko.

Vacant namin kaya push lang mag-inarte sa room. Tutal, wala rin naman akong magawa at wala akong makausap o makatext, hindi gaya ng katabi ko.

"Syempre, no! Hindi talaga ako masasanay dahil every day, may bago siyang banat." Tumawa na naman siya na parang lukaret. "Mag-dyowa ka na kasi para ma-feel mo rin yung nafi-feel ko."

Ngumiwi ako. "Paano magdyo-dyowa, KC? Paano?" I even gestured with my hands. "Eh, wala ngang nadating?"

"Sa dami ng nagkaka-crush sayo, wala pa rin?"

I pouted. "Crush nila ako pero ako, hindi ko sila crush. Bes, I'm trying. Nag-e-entertain naman ako, eh, kaso hindi ko talaga sila bet. Not my cup of tea." Nang matuyo na yung nail polish, pinatungan ko naman siya ng top coat. "Four years na akong single. Ready na ako, bes, eh. Boyfriend nalang ang kulang."

Nakatingin lang sakin si KC na para akong isang nakakaawang paslit na pinagkaitan ng candy. She rubbed my back. "Okay lang yan, Bree. Nakikiramay ako."

I stared at my beautifully groomed nails. "Todo paganda ako pero hindi pa rin naman dumarating ang Prince Charming ko." Napatigil ako nang matanaw ko si Sid na papasok ng room. "Speaking of Prince Charming, heto na ang warrior na lumalaban para sa pwesto ng Prince Charming mo."

"Good morning, KC!" bati niya.

"Good morning, Isidro!" pagbati ko sa kanya kahit hindi naman ako ang binabati niya. Pang-asar lang.

He ignored me. Ni hindi man lang nga ako tinapunan ng tingin, eh. But that's fine. Gusto ko lang mang-asar.

He stood in front of KC and talked to her. From time to time, I would answer in behalf of my bestfriend who doesn't want to talk to him. And he would just ignore me every time.

When it comes to popularity, Sid and I are on the same level. Ako, bilang campus sweetheart at siya, bilang campus heartthrob. Kaya sobrang nagtataka ang lahat kung ano nga ba ang meron sa isang katulad ni KC na hindi pansinin sa school at nagkaroon siya ng bestfriend at masugid na manliligaw na, kung i-label ng mga SUE students, "student elites".

To me, it wasn't a question. KC is nice and genuine, which I liked about her that's why we became bestfriends. Kahit hindi siya makasabay sa pagka-kikay ko, sinusuportahan naman niya ako.

Hindi pa pwedeng mag-boyfriend si KC kahit graduating students na kami kaya tago lang ang relasyon nila ni Harris. Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng lahat.

Which is why Sid kept on pursuing KC. Hindi niya alam na taken na si Ateng at hindi rin naman maamin ng friend ko dahil baka makarating sa kinauukulan ng bahay nila. Kaya wala siyang magawa kundi tiisin ang pangungulit ni Sid.

"Patay na patay talaga yan sayo, no? Hindi ka matantanan kahit pinapakita mo nang hindi ka interested," sabi ko kay KC pagkaalis ni Sid.

"Tingin ko, nacha-challenge lang yan kasi nakita niyang hindi niya ako basta-basta makukuha hindi katulad ng mga ibang babae dito sa SUE. You know, ego."

Campus ConfessionsWhere stories live. Discover now