Chapter 4

31 4 0
                                    

Pagkagising ko, umaga na pala ulit ! Grabe halos 16 hours din na tulog yun a. Dali dali kong tinignan ang CP ko at tama nga ako, nagtext si mama..

"anak bakit di ka lumalabas ng kwarto mo? May problema ba?"

Patay oo nga pala napilayan ako kahapon! Pinakiramdaman ko muna sarili ko at dahan dahang tumayo at nagpalakad lakad sa kwarto ko. Medyo okay na pala paa ko pero yung likod ko medyo masakit pa din pero ok lang naman, kaya ko namang magpanggap sa harap ni mama ^.~

bumaba na ako sa dining at nakita ko si mama na naghahanda ng pagkain.

"oh anak, ayos ka lang ba? umiinom ka ba ng gamot mo? bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo?" tanong ni mama na haltang nag aalala

"ma easy lang po, ok lang ako, iniinom ko po mga gamot ko. Medyo napagod lang po talaga ako kahapon" sagot kong nakangiti at umupo na para kumain.

"Ikaw huh! sbi ko wag kang magpapakapgod e, ta'mong nasa stage ka pa rin ng recovery mo kaya kailangan mong alagaan ang katawan at puso mo" pagsesermmon nya ng malumanay

"Opo ma, sorry kilangan lang po talaga matapos yung project namin" yun na lang sinabi ko at kumain na ako.

hindi na din nagsalita si mama at nagready na rin ako para pumasok at gawin ang plano kong Operation: Gawing bestfriend si Destiny kaya nagpaalam na ako. Syempre nagbilin muna ng kung anu-ano at lumarga na ako. Wala naman akong intensyong masama sa plano ko ihh.. gusto ko din naman talga syang maging kaibigan pero syempre kasama na din dun yung pagpapadali para mapatawad na ako ni Rever.

sa school..

Tutal mamaya pa naman klase ko, pumunta muna ako sa office ng TAF Org. at sakto nandun si Ms. President. ang cute cute nya talaga saka ang ganda ganda pa. Pagkakita nya sakin, todo smile sya grabe para talaga syang angel, kung lalaki lang sana ako, pinatos ko na 'to ee haha charot! So ayun, nagkakwentuhan kami kasi parehas pala kami ng oras class mamaya. Grabe ha ang dami naming similarities from favorite color at mga gustong pormahan. Parehas din kaming ayaw ng mga masyadong sweet pagdating sa lalaki. Oops parang di ba obvious? haha galing nga e, hindi kami nagka-awkwardan nung pinagkwentuhan namin si Rever. Haha ang weird namin no? Nagshare pa talaga kami kung anong ayaw at gusto ni Rever sa iba't ibang bagay at yung mga times na pagkasama sya kasi ang cute talagang magbehave ni panget ko ee :"> Pero somehow nainggit ako, kahit parehas lang sya kung itreat kami, ako pa rin yung past at iba na ang present nya. Pero nagtataka ako kung bakit hindi pa rin nararamdaman ni Destiny na gusto sya ni Rever e obvious naman diba? Manhid lang si ate?? Ncurious tuloy ako at tinanong ko sya.

"Pano kapag nalaman mo na gusto ka nya, anong gagawin mo?" seryoso kong tanong sakanya.

"Huh? Pano mo naman nasabi yan e di pa nga sya nakakamove on sayo ee." huh? imposible no hindi nga ako kinikibo e.

"Moved on na yun, alam ko yun kaso syempre hindi nya pa ako ready patawarin. Alam mo na siguro kung bakit diba. Pero bakit mo nga pala iniiba usapan, ano nga bili?? pano nga?" curious ko talagang tanong sakanya, alam ko nanman talagang sya na mahal ni Rever ee at hindi ako. Sadnu?

In The Name Of Love (A Masochist's Love)Onde histórias criam vida. Descubra agora