HM3: Revelations, Love and Pain (Part1)

2.3K 28 16
                                    

My comment on this chapter? It’s WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH. Hahaha.  Ang haba kasi eh. >_<

HM3: REVELATIONS, LOVE AND PAIN (PART1)

(Kaisoo)

 (PART 1)

“g-girlfriend?” nanginginig na tanong ko.

Alam ko naman na tama ang narinig ko pero di lang tanggap ng sistema ko.

Pinilit kong tumingin sa kanya, ngumiti sya sakin. Ang sakit. </3

Bakit hindi ko man lang naisip nung una na baka may girlfriend sya dito sa pilipinas. Sa gwapo, talino at galing ba naman nya. May magpapakawala ba sa kanya? Isang perpektong lalaki. Lahat ng babae gagawin ang lahat makuha lang sya.

“Oo. Girlfriend. Hindi ko ba sya nababanggit sayo?” nagtatakang tanong nya.

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong nya dahil di ko na syang magawang sagutin. Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko. Nararamdaman ko kasing nanginginig ang mga kamay ko. Ayokong maiyak sa harap nya kundi katapusan na ng lahat………pero dapat ng matapos ang lahat. Taken na sya.

“Ganun ba? Sorry soo, yaan mo ipapakilala ko naman kayo sa isa’t-isa eh. Nakilala na nya sina Chanyeol. Kris at iba. Bilang official bestfriend ko, mas dapat na makilala ka nya.” Masayang sabi nya

Kahit wag na!   ngali-ngaling isigaw ko sa kanya.

Naikuyom ko agad ang mga daliri ko dahil di ko na kaya. Nanginginig ako sa sakit at galit.

“Teka soo! Bakit ka umiiyak?” tanong nya bigla sakin.

I was taken aback by his reaction kaya napahawak ako agad sa pisingi ko na ngayon dinadaluyan na ng tubig galing sa mga mata ko. Hindi ko man lang namalayan na naiyak na ako, i thought mapipigilan ko pa. Akala ko matitiis ko pa.

Damn it! Hindi naman ako iyakin eh. Hindi ako madaling masaktan at sa katunayan ngayon ko lang naramdaman ang masaktan ng ganito. Ngayon ko lang nararamdaman ang mga feelings na ito.

“Soo, okay ka lang?” naglakad sya palapit sakin at automatic naman na napaatras ako kaya napastop sya at tinignan ako. nagulat sya sa ginawa ko. hindi sa nandidiri na ako sa kanya ngayon. Ayoko lang mas magmumukhang kawawa sa kanya. Kahit kailan hindi ako nagmukhang kawawa. Ayokong nakikita nyaa kong umiiyak.

“Soo…..”

His mistake. (KaiSoo fanfic) COMPLETEWhere stories live. Discover now