Walang preno ang bibig! Saka huwag kayo mag-alala ganiyan talaga ang ugali nila.

"Huwag nga muna natin 'yang pag usapan!" Naiinis kong suway sa kanya.

"Psh! Nakakainis lang kasi! Wala ka talagang balak sabihin sa'kin ha! Kung hindi pa sinabi ni Carla, hindi ko pa malalaman? My God! Anyare sa'yo ah? Nakalimutan mo na ako?"

"Gosh! Ang lakas ng boses mo! Hindi sa ganoon, okay? Masyado lang akong maraming iniisip. Nalimutan kong sabihin. Sasabihin ko naman sa'yo e."

"Ay sus! Palusot!"

"Punyemas! Bahala ka nga diyan! Magkita tayo bukas, gusto mo?"

"Psh! May lakad ako bukas."

"Huh? Pasaan ka naman?"

"Psh. Sa birthday party." Nag iba ang tono ng boses niya.

"Saan naman 'yan? Anong oras?"

"Hmm. Seven siguro." Tumawa siya. "Malalaman mo rin at hindi ka talaga maniniwala." Nangunot ang noo ko.

"Bakit naman ako hindi maniniwala?" Nakaismid kong tanong.

Tumawa siya. "Basta! Mukhang may bumangon mula sa hukay."

Anong bang sinasabi nito?

"So, free ka ba bukas?' Tanong niya.

"Hindi, paalis din ako. Papunta raw kami sa birthday party ng pinsan ni Red eh." Sabi ko.

"Talaga? Sayang! Isasama sana kita pero hayaan ko na lang ang tadhana!" Halakhak niya. Nagtataka na talaga ako sa kanya.

Ang weird niya lang.

"Tadhana, tadhana! Tadtarin kita riyan e. Baliwag!" Inis kong sabi bago patayin ang tawag.

Tiningnan ko pa ang screen ng phone ko bago napapailing na itago ito at ipagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

Dakilang tagapaghugas!

DRAKE RED'S POV

"Oh?" Sagot ko sa tawag ni Darren.

"Oh? What the fuck, Dude?" Halakhak niya. Naiirita talaga ako sa boses nito.

"Tss. What the fuck your ass! Bakit ka tumawag?"

Tumawas siya. "Masama bang tumawag ha?" Napapikit ako.

Mapapatay ko na talaga 'to!

"Okay, okay! Init ng dugo mo! I know nag iimagine ka na riyan kung paano mo ako tatapusin!" Saka siya humalakhak.

"Buti alam mo!"

"Of course! I'm your cousin." Hindi na ako nagsalita. Walang kuwenta. "Okay. Seryoso na. Pupunta ka ah?"

"Bading ka ba? Paulit-ulit ka na." Inis kong sinabi.

"Dss. Kinaklaro ko lang." Tumahimik na ako. Pero maya maya ay tumawa siya.

Siraulo. Tss.

"Dude, I forgot. Diba sinabi ko sa'yong nawawala ang wallet ko?"

"Yeah at nahanap mo na rin, kamo." tinatamad kong sabi.

"Oo! Actually, may nakakita. Binalik lang sa'kin at naniniwala na talaga ako sa forever!" Natatawang sabi niya.

"Tss. Forever? Gay."

"Hindi mo kasi maiintindihan. Kaunti na lang, Dude! Makikita ko na ulit siya. Nakalatag na 'yong direksyon patungo sa kaniya."

Nangunot ang noo ko. Mukhang tama nga siya, hindi ko siya maintindihan.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now