PROLOGUE

765K 7.9K 1.7K
                                    

Bakit nga ba nagiging bitter ang isang tao?

Una: Nasaktan sila ng bonggang bongga. Yung sakit na THE BEST talaga! Yung sakit na okay na sayo turukan ng injection o bunutan ng ngipin, wag lang maulit yung sakit na dinulot sayo ng taong minahal mo ng sobra sobra.

Pangalawa: Sawa na sa pagiging hopeless romantic. Sawa na sa mga paulit ulit na once upon a time, happy ending, at forever kahit wala naman talaga ganon. Actually, lagi namang merong once upon a time e, pero happy ending? Psh. END OF THE WORLD pwede pa! Isa pa, wala naman talaga prince charming o knight in shining armor! C'mon! Yung prince charming na inaakala niyo? Sila ang sisira sa buhay niyo! *insert evil laugh here*

Pangatlo: Naloko ka. Napagpustahan ka! Pinaasa ka! Pinahulog ka pero di ka naman sinalo! Nagmukha kang tanga! EPIC FAIL, diba? Mag-aral ka na lang, tatalino ka pa.

Pang-apat: Natrauma sa experiences ng mga kapatid, kaibigan, magulang, at mga tao sa paligid mo na nasaktan o niloko. Ikaw ang affected sa mga nangyari sa kanila at imbis na siya ang magalit, ikaw! Ikaw na talaga! The best ka eh.

Panglima: Trip trip lang! Masaya ang buhay at hindi natin kailangan ng mga SHOTA! Sho means short and ta means time! Short time!!! Oh ano, magshoshota pa kayo? Wag na! Masisira lang buhay niyo. Ang saya kaya maging single! Mas makikilala niyo sarili niyo. Mas makakapagconcentrate ka sa studies and anything chorvanesses niyo.

C'mon! Lolokohin lang naman nila kayo e. Pare-parehas lang naman sila no!

Oh ano, agree ba kayo sakin? Kung yes, apir!

Kung no, uhmm. Opinyon niyo yan e. May magagawa ba ko? Naging hopeless romantic na ko dati kaya oks na oks lang sakin maging HR kayo. Pero walang sisihan ah. I warned you!

TEKA MUNA PALA! Naccurious ba kayo kung alin sa mga limang sinabi ko ang dahilan kung bakit ako naging bitter? Ha? Kung oo, okay. Sasabihin ko na...

ALL OF THE ABOVE! Oo! Una sa lahat, pinagpustahan ako ng mga lalaki for THREE SOLID YEARS. Yung tatlo, naging boyfriend ko. Yung isa, muntik na. Nag break din ang mga magulang ko pati na din ang mga kaibigan ko. Ang saya saya lang no? Teka lang! Medyo okay pa ko doon eh pero yung pagpustahan ka ng bestfriend mo at pinakaminahal mong lalaki?

AYOS NA AYOS! 

Kaya ayun! I promised myself na kahit kailan, di na ulit ako magpapaloko sa kahit na sino. Pinangako ko sa sarili ko na, never in my entire life na akong magtitiwala at magmamahal ng buong buo dahil naniniwala akong endangered species na ang mga lalaking matino. Ay! Meron pa bang matino? Hindi ko alam eh. Don't worry, pag may nakita ako, sasabihin ko sa inyo pero mukhang matatagalan pa yon. Baka nga ugod ugod na ko noon with matching tungkod pa! 

Hayy. Kung pwede lang pakasalan ang mga gwapong bading. Why not? At least sila, kahit hindi tunay na lalaki by heart, nagmamahal sila ng buong buo! Eh yung mga lalaki ba? Puro sila manloloko! Hindi rin sila tunay na lalaki. Daig pa sila ng mga bading!

Sabi nga sa quotable quotes na nabasa ko habang nagttwitter ako kanina eh, "Just because you were born male, it doesn’t automatically make you a man." Ibig sabihin ba nito, wala ng man sa mundong ito? Mukhang wala na eh. Muahaha!

Sexist na kung sexist! Eh ano naman? Bawal na na ba maging bitter? Ineexpect mo pa ba kong matuwa, magtiwala, at magmahal ulit pagkatapos ng mga nangyari sakin, sa pamilya, at sa mga kaibigan ko? Ayoko na. Ughh. I'm freakin' tired! Freakin' tired of everything!

So, do you expect me to act like nothing happened?

Let's see. 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon