Chapter 77:Heart-Beat-Fast

214 5 0
                                    

Cazenn's Pov.

Hindi ka na nya mahal,dahil may gusto na syang iba,Masasaktan ka lang kapag umasa ka pa.

Paulit-ulit sumisiksik sa utak ko ang mga katagang yo'n.All my remaining love I give to him.Pero nagawa pa rin nya akong saktan,.Alam namin pareho kung gaano namin pinaglaban ang isa't-isa pero hindi ko inakalang aabot sa hiwalayan ang lahat .Tulala pa rin ako habang naglalakad papalayo sa sitwasyong halos patayin ako sa galit at poot.Bakit sa dinami-rami ng babae?Bakit sya pa?.





Buong akala ko ginagawa nya lang yon para makitang masaktan ako,buong akala ko pagpapanggap lang ang lahat,Pero hindi.Totoo pala na desidido  na silang dalawa.Desidido na syang iwan ako.





Ang hirap,Ang sakit tanggapin na huli na ang lahat...Dating ako yung nilalambing nya,dating kamay ko yung hawak nya ,at dating ako na hinahalikan nya.Pero iba na ngayon,Dahil ang dating 'Ako' naging Bagong 'Siya'.





Nakakita ako ng malapit na puno rito sa C.U.Umupo ako sa tabi ng puno ng akasya.Dito walang gagambala sakin.Busy rin naman ang mga studyante sa pag-asikaso sa bagong sikat  at bagong hahangaan nila.And that is not me anymore.Laos na ako at dapat ko yon tanggapin pero kung tutuusin wala naman akong pakialam sa kasikatan ko,Isa lang naman ang gusto ko.Yung mahalin nya ako ng walang duda .


Pinahid ko ang luha ko na gusto na naman lumabas at bumagsak."Ang traydor mo naman eh!Huwag ka ngang tumulo".muli ko itong pinahid pero hindi ko na kinaya nang mistulang gripo ito na ayaw tumigil sa pagpatak.Tinakip  ko  ang mga palad ko sa mukha para subukang patigilin ito pero parang may sarili itong isip sa pagluha.Patuloy ko pa ring naalala yung nasaksihan ko kanina.Na labis na nagpapasakit ng puso ko.Hindi ka ba talaga nasasaktan ,pag nakikitang nasasaktan ako?Hindi mo  na ba talaga ako mahal?

Kasi ako,mahal na mahal kita.

Flashback.

Habang nakikinig sa kwento ni yuan ay bigla kaming nakarinig ng sigawan sa labas.Sinilip ko iyon mula rito sa music room,At nakita ko sa bandang stage nakapaikot ang mga studyante At mga nagkakagulo at bawat isa ay may hawak na telepono.





"Anong meron sa labas?".Tanong ni jerick habang sinisilip sa pinto ang mga studyanteng nagtatakbuhan."Mukhang may atrista ah !Pano tayo?Diba tayo yung heartrob?".





Lumabas si trixie at sinilip ang lahat."Hayst!Tiyak kong si sir lang yon,Baka may pasabog!".Iiling-iling syang bumalik sa amin at kinuha ang telepono sa bulsa.


Hindi ako mapakali,Parang may part sakin na gustong malaman yung nangyayari sa labas.Kaya naman akmang lalabas na ako ng pinto ng music room pero pinigilan ako ni dein.







"Maraming studyante sa labas?Hayaan mong ako nang umalam ng nangyayari para sayo".Siguro'y nag-aalala sya sakin.Huminto ako at hinayaan syang buksan ang pinto at lumabas.Sakto namang may dumaang studyante.Isang F-6 Cooker."Miss!Uhmm--Excuse me_Alam mo ba yung nangyayari sa labas?Ano yung pinagkakaguluhan don?"Magalang na tanong ni dein.At yung babae naman nag pout pa sa harap ni dein at inayos ang buhok at ngumiti ng pabebe.

"Thet beh?Enekese,Se theler enden et mey kesemeng gerlelu-----".Hindi na nya natapos ang sasabihin ng hiyawan sya ni yuan.

"Pwede ba diretsuhin mo yang pagsasalita mo kung ayaw mong putulin ko yang dila mo!".Banta ni yuan na ikinatawa ni jerick.

Takot ang namayani  sa babae kaya biglang deretso ang salita nito."S-si thyler nasa stage at may kasamang babae,balak yata nyang ipakilala sa buong C.U----Bwisit kasing cazenn yon!Niloko si thyler kaya bagay lang don sa babae na yon masaktan at magmukhang tang-----".


Slave Of Love(BOOK1&2 ) [COMPLETED]Where stories live. Discover now