Kabanata III

410 36 9
                                    

Gian Aguiles

"What do you mean?"

Mapait na ngumiti si Travis.

"I was cursed because of my selfishness. You know, I was a jerk back then, A jerk who loves to stole someone's happiness. Ipinagkakait ko sa kanila ang kasiyahang hinahangad nila and now, i'm being punished."

Hindi malaman ni Gian kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Travis. Para siyang  Napabalik siya sa sarili ng guluhin nito ang buhok niya.

"I know it's hard to believe someone who came inside the mirror. Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako."

Inis na tinapik ni Gian ang kamay nito.

"Paano naman kita paniniwalaan?"

"Then go ask your mom. Your mom and dad can prove that what I've said wasn't a lie."

"How did you know my grandpa's nam—" Hindi na natuloy ni Gian ang sinasabi nang tumunog ang kumakalam niyang sikmura.

Ang tapang sa kanyang mukha ay unti-unting napalitan ng hiya. Bakit ngayon pa kung kailan seryoso ang pag-uusap nila?

Travis snickered at him. Doon mas lalong nahiya si Gian.

"Why don't you eat first." Maloko nitong sabi.

Nakagat niya ang ibabang labi bago lagpasan si Travis. Pinagpatuloy niya ang paglalakad, akala niya'y hindi siya susundan ni Travis pero nagulat siya nang makita ito sa likuran niya. Nakapamalsa pa.

"Will you please stop following me?!"

Umiling si Travis at iginala ulit ang tingin. Kitang-kita ni Gian ang saya sa mga mata nito. Parang bata na unang beses na nakapunta sa amusement park.

"So this is what Rafael's mansion looked like." mangha nitong sabi.

Hindi maiwasang hindi titigan ni Gian si Travis. Bakit ba sobrang saya nito? Parang ngayon lang nakatungtong sa loob ng mansyon. Gian smirked.

Ganoon pa rin si Travis hanggang sa makarating sila sa kusina. Paulit-ulit itong nagtatanong. He kept on asking 'What's this and that' and 'How does it work?' parang wala itong alam sa mga nasa loob ng mansyon. He's even amazed when he saw a huge TV hanging on a wall.

Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin si Gian sa sinabi ni Travis. Ni hindi na nga niya nagawang isipin na humingi ng tulong. Masyadong naokupa ng sinabi ni Travis ang isip niya.

He didn't know why he was affected by what Travis said. Idagdag pa ang sinabi nito na ito muna ang magpapasaya sa kanya, na iyon ang tungkulin ni Travis— ang maging panandaliang saya ng kung sino.

Naibaling niya ang tingin kay Travis na naglilibot sa kusina.

"What is this?" Nababahiran ng pagkamanghang tanong ni Travis. Nakaturo ang hintuturo nito sa coffee maker na hindi na ata gumana.

Hindi niya ito pinansin ngunit masyadong makulit si Travis. Nagsisimula na rin siyang mainis at onting-onti na lang ay masasapak niya na ito.

Sinimulan niya ng maghanap ng pagkain ngunit puro alikabok at agiw lang ang bumungad sa kanya ng buksan niya ang mga cabinet. Amoy kulob din ang una niyang na amoy nang buksan ang ref. Napahimalos siya sa sarili. Bakit ba siya umaasa na may mahahanap na pagkain? 17 years na ang lumipas simula ng bumalik siya rito.

Napahawak siya sa tiyan. Nagugutom na siya. Gian 'tsked' because of annoyance.

"Ano it—"

"Shut the hell up!" Sigaw niya kay Travis. Nakakainis na talaga. Nagugutom na nga siya tapos sumabay pa 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inside The Mirror (BL)Where stories live. Discover now