Kabanata II

346 39 1
                                    

Warning: unedited. Typos and errors everywhere. Thanks!

Don't forget to leave a comment! It'll make me happy and it'll help me write an update as fast as I can.

...

Gian Aguiles

Sinag ng araw ang gumising kay Gian. Idagdag pa ang nananakit na katawan. Unti-unti niyang idinilat ang mata at ang bumungad sa kanya ay ang malaking salamin. Bumaba ang tingin niya sa kulay puting tela na nakakumot sa kanyang katawan. Sinong nagkumot sa kanya? Kunot noo niyang iginala ang tingin, hindi ito ang silid niya.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni Gian nang maalala ang nangyari. Binundol siya nang kaba. Totoo ang nangyari kagabi! Ang nakita niya sa loob ng salamin, ang pag ngiti nito at ang pagtagos ng kamay nito mula sa salamin. Akala niya'y binabangungot lang siya ngunit hindi, mas matindi pa pala ito sa bangungot!

Nanginginig ang mga tuhod niya nang tumayo. Kahit na natatakot ay marahas siyang umatras palayo sa salamin. Napangiwi siya nang tumama ang likuran niya sa kahoy na upuan na siyang naging dahilan para matumba at lumikha ito ng ingay.

"Shit! Sino 'yan?!" Napasinghap siya ng malakas nang makarinig ng ingay mula sa loob ng salamin. Nagmamadali niyang kinuha ang kahoy na upuan para gawin itong panangga sa taong nasa loob ng salamin.

Sa bawat pagpatak ng pawis mula sa noo niya ay ang siya ring paglakas ng ingay na naririnig. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa salamin, hindi niya magawang tumakbo palayo.

Nawalan ng kulay ang katawan ni Gian nang makita ulit ang repleksyon na nakita kagabi. It's not his freakin' reflection! Replekyon ito ng ibang tao; ng lalaki. Nakatali ang may kahabaan nitong buhok. He's wearing a plain white t-shirt. Mapungay ang kulay dilaw nitong mata, perpekto at medyo makapal na kilay, matangos ang ilong at mapula-pula ang labi na bumagay dahil sa mala porselana nitong balat.

Gusyong sampalin ni Gian ang sarili. Nagawa pa talaga niyang pakatitigan ang repleksyon.

Akmang ihahagis niya sana ang upuan sa salamin nang magsalita ang lalaki. Hearing the man's voice makes his heart went crazy; and he don't know why he acted like that.

"Don't throw that thing on this mirror!"

Umiling siya.

"S-sino ka?!" umamba siyang ihahagis ulit ang upuan. The man inside the mirror raise both of his hand na tila ba sumusuko. He's trying to calm him down.

"I'm Travis, Travis Ordelian. I'm not going to harm you nor do something evil."

Hindi siya nito sasaktan? Paano naman siya maniniwala sa sinasabi nito? Paano niya paniniwalaan ang sinasabi ng lalaki na nasa loob ng salamin?! Maybe this guy's a ghost, a demon or something! Baka plano nito na sumapi sa katawan niya or worst... dalhin siya sa loob ng salamin para kainin!

"You think i'm a fool to believe you? a demon like you?!" tuluyan na niyang hinagis ang upuan. Pero imbis na mabasag ang salamin ay tumagos lang ito at pumasok sa loob. Kamuntik pang tamaan ang lalaki; si Travis pero naka ilag ito.

Mukhang nainis ito sa sinabi niya dahil medyo dumilim ang mukha nito.

"I'm not a demon!" Galit na sigaw nito bago ihakbang ang paa palabas sa salamin.

Napanganga siya sa nangyari. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang gawin, tatakbo ba siya o lalabanan si Travis? His mind went blank for a second. Napabalik lang siya sa sarili nang huminto ito sa harapan niya.

Inside The Mirror (BL)Where stories live. Discover now