Chapter Four

10.4K 250 23
                                    

“MAMI-MISS kita, Eloisa. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako titingin sa ibang babae sa Japan. Ikaw at ikaw lang ang babae na mamahalin ko… At siyempre, pati na rin si mama. Kayong dalawa lang.”

“Dapat lang, 'no! Subukan mo lang na maghanap doon ng Haponesa at wala ka nang babalikan dito!”

“'Sus! Ako lang ba dapat? Ikaw din dapat. Baka dahil sa matagal akong mawawala ay tumingin ka na sa iba.”

“Iyon naman ang hindi mangyayari. Faithful ako sa’yo, Theo. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko!”

Iyon ang palitan ng salita nina Eloisa at Theo habang mahigpit nilang yakap ang isa’t isa. Naroon sila sa kanilang kwarto. Nakahanda na ang maleta ni Theo at ngayon araw na ang alis nito.

Hindi pa rin makapaniwala si Eloisa na napakabilis ng araw. Isang buwan na agad ang nakalipas simula nang ibalita sa kanila ni Theo na magtatrabaho ito ng tatlong buwan sa Japan. Alam niyang tinanggap ng asawa niya ang trabahong iyon para rin sa kanilang dalawa at sa future nila. Kaya kahit malungkot na mawawalay agad ang asawa niya sa kaniya matapos silang maikasal ay kailangan niya munang magtiis. Isa pa, kung malungkot siya ay mas malungkot si Theo dahil mag-isa lang ito doon at malalayo hindi lang sa kaniya kundi sa nanay nito. Mas malaki ang sakripisyong gagawin nito para sa kanila.

Habang nasa ganoon silang sitwasyon ay bumukas ang pinto at sumilip si Yaya Madel. “Ay, ano bang ginagawa ninyo?! Bumaba na daw kayo sabi ni ma’am at baka daw ma-late si sir sa flight niya,” anito at isinara din nito agad ang pinto.

Isang halik na puno ng pagmamahal ang pinagsaluhan nila ni Theo bago sila tuluyang bumaba. Isang malaking maleta lang ang dala ni Theo at ito na rin ang nagdala niyon paibaba. Inilagay nito iyon sa likod ng van na maghahatid sa asawa niya sa airport. Pinakiusapan ni Daisy ang kapitbahay nila na marunong na mag-drive upang ito ang magmaneho ng van. Ayaw kasi nilang si Theo pa ang magda-drive. Hindi rin naman siya marunong magmaneho.

Nasa loob na sila ng van kasama ang nanay ng asawa niya at nakapwesto na rin ang driver.. Nakasimangot si Daisy sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa dito. Halatang mainit talaga ang dugo nito sa kaniya. Iyon din ang inaalala niya kapag umalis na si Theo sa bahay. Paniguradong kailangan niya ng napakahabang pasensiya sa pagsusungit ng biyenan niya.

“'Yong passport ko pala. Nakalimutan ko!” bulalas ni Theo matapos tingnan ang laman ng hand carry bag nito.

“Saan mo ba inilagay? Ako na ang kukuha,” prisinta ni Eloisa.

“Hindi. Ako na lang, Eloisa, para mabilis,” turan ni Theo. Bumaba ulit ito ng van at bumalik sa loob ng bahay para kunin ang naiwanang gamit.

“Eloisa,” bahagyang nagulat si Eloisa nang tawagin siya ni Daisy.

Mabilis niya itong nilingon. “Bakit po, mama?”

“May nakalimutan din pala ako sa kwarto ko. Iyong cellphone ko. Pwede bang kunin mo? Nakapatong iyon sa side table ng aking kama. Naka-charge.”

“Pero baka po maiwanan ako.”

“Hindi ka talaga marunong sumunod, 'no? Hindi ba’t ang sabi ko, kung gusto mong magkaayos tayo ay sundin mo ako? At sa tingin mo ba ay tanga kami para umalis ng wala ka? Hihintayin ka namin, malamang!”

“Sige po. Kukunin ko na. Pakihintay na lang po ako…”

Mabilis na bumaba si Eloisa ng van at dumiretso sa kwarto ni Daisy. Pero nalaman niyang naka-lock iyon kaya naman bumaba ulit siya para puntahan si Yaya Madel. Bago siya bumaba ay nasilip niya sa kwarto nila si Theo na palabas na doon. Hindi na lang niya ito kinausap dahil kailangan na niyang magmadali.

The Betrayed WifeWhere stories live. Discover now