Chapter 6

19.9K 453 18
                                    

Jake’s POV

                I wonder why her hands started shaking. Sa pagkakaalam ko, di pa naman siya nakakapunta dito. I’m pretty sure di pa siya nadadala ni Ria dito kasi bago lang sila nagkabati.

                Pinaupo ko siya sa isa sa mga upuan sa reception area at pumunta ako ng concierge. Pinakita ko ang membership card ko. Pagbalik ko ay palinga linga siya na parang kinakabahan. “Jen, may problema ba?” nag-aalala kong tanong.

                “Ahh wala naman. Ba’t nga pala tayo nandito?” nagtataka niyang tanong.

                Tumayo siya at inabot ko na naman kamay niya at dinala siya sa labas. May napapadaan na golf carts sa harap naming. Yung iba, may attendant, yung iba naman wala. “I just want you to relax. Napansin ko kasing ilang araw ka ng pagod, at may kasalanan ako dun,” nahihiya kong sabi. Di ko kasi maikali na ako ang pumapagod sa kanya gabi gabi kaya ilang oras lang tulog niya.

                Nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi. “Di mo naman kailangan gawin to eh. Thanks anyway,” sabi niya habang naglakad lakad kami papuntang pool area. “ So anong gagawin natin dito?”

               

                “Ikaw? Anong gusto mo? Swimming? Golf? Tennis?” I asked smiling. It seems the smile can’t be wiped off my face. Ang saya ko lang. This is the first time she seems to be relaxed with me.

Jenny’s POV

                Shit shit shit!!! Ba’t dito ako dinala ni Jake. Kakatapos ko lang maligo sa pool. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito. Kilala yata si Jake at baka nagtataka sila kung anong ginagawa ng isnag tulad ko kasama siya. I’m only the stepsister of his friend’s wife. Di ako nababagay sa lugar na to. Para to sa mga mayayaman. And I sure as hell am not.

                Gusto kong matawa sa sinabi niya sa akin kanina na pwede naming gawin. Golf? Swimming? Tennis? Di naman halata diba na pangmayaman activities dito? Swimming lang kinaya ko. At ang gago naningurado talaga. Dinalhan pala ako ng swimsuit. Gusto lang yata ako makitang nakatwo piece eh. Mabuti na lang di nakakahiya katawan ko.

                Nakabalik na siya mula sa pakikipag-usap sa isang kakilala kanina. As expected, negosyo naman topic nila. Kaya minabuti ko na lang umupo dito sa lounger. Nakakahiya naman. Kaya ayaw sa kanya ni Mommy. Di daw ako nababagay sa isang tulad niya. He’s rich. I’m not. And the last thing I want is to be called a gold digger or a social climber.

                Ayaw lang ni Mommy na matulad ako sa kanya na pinanliitan ng mga kaibigan ni Daddy Andrew.

FLASHBACK

                “Jen, ito ang sinasabi ko sayo, layuan mo yung Jacob na yun,” inis n autos ni Mommy. Kakagaling lang namin sa school kasi sinamahan ko siya sa parents meeting. Nakita niya kami ni Jake kanina at wala akong ibang magawa kundi ipakilala sila.

                Nabigla ako sa sinabi ni Mommy. “Pero My, wala naman kaming ginagawang masama,” nagtataka kong paliwanag.

                “Remember Jen, iba tayo sa kanila. We’re not one of them. Nagkataon lang na napangasawa ko ang isa sa kanila kaya medyo tanggap nila tayo pero aalalahanin mo, empleyado lang tingin nila sa atin. We’re not in the same level as them. Kung ayaw mong matulad sa akin na parang persona non grata, iiwas ka sa tulad nila.”

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon