Chapter 12

16.5K 396 2
                                    

Jenny’s POV

                Nagisng ako sa walang tigil na pagring ng cellphone ko. Nang tingnan ko ang oras bago sagutin, kaka alas kwatro pa lang. Anak ng pucha naman oh. Sino ba tong tumatawag nang ganitong oras. “Hello?” halos isigaw ko sa kabilang linya nang di tinitingnan kung sino kausap ko.

                “Je… Jen,” tila nguminginig na boses ni Ria. “Si Jake, naaksidente. Papunta na kami sa ospital ngayon.” Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Paano nangyari yun? Shit! Naalala ko na naman ang mukha niya kanina habang pilit akong kinakausap. My God! “I’ll text you the details. Please, magkikita kami nina Gelo at Tristan dun.  Dun na lang tayo magkita.”

                Agad akong nagbihis at hinagilap kung saan ang susi ng kotse ko. Nang mahablot ko yun ay agad kong tumakbo palabas ng unit ko. Di ko na halos namalayan na nagmamaneho na ako papunta sa ospital na sinabi ni Ria. Halos paliparin ko na nga ang kotse. God, if anything happens to Jake, di ko alam anong gagawin ko. Gusto ko lang naman siya lumayo sa akin. Pero di ko ginustong ito ang paraan na gagamitin niya.  Paano kung malala lagay niya. I’ll never forgive myself if anything happens to him. My fault or not, I will never forgive myself.

                Nang makarating ako sa ospital, halos di ko na maipark nang maayos ang kotse. Agad kong hinanap ang kwarto niya sa second floor ng ospital. Nang makarating ako sa harap ng kwarto niya, inabutan ko ang parents niya at isang may edad na na lalaki na mukhang doctor yata.

                “Your son is fine Madam. The accident didn’t cause any permanent damage. He’ll be completely recovered in about two months time. Nag inject lang kami ng sedative para makatulog siya,” sabi niya.

                Napabuga naman ng hangin ang papa niya at napahawak naman sa dibdib niya ang mama niya. “That’s good to hear Doc. Thank you,” sabi ng papa niya habang kinamayan ang doctor.

                Nang naglakad na paalis ang doctor ay agad pumasok sa kwarto ang papa ni Jake nang di ako napapansin. Unfortunately, napansin ako ng mama niya. “How dare you come here!? Kasalanan mo kung bakit naaksidente ang anak ko. Umalis ka na!” sigaw niya sa akin. Mabuti na lang at malalayo ang agwat ng mga kwarto dito dahil suite rooms lang nandito. I can’t blame her if she thinks it’s my fault. I blame myself too. Ang sakit lang maipamukha sa akin.

                “Please madam, di po ako magtatagal. Gusto ko lang po talagang masiguradong okay lang po si Jake,” pagmamakaawa ko. I’ve never swallowed my pride like this before. Funny how love makes you do thing you’ve never done before.

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon