Scene 6 - Just be happy, Clara

Start from the beginning
                                    

Pagkapasok niya sa loob ay binati siya ng mga ito, napansin din niya na nagtataka ang mga ito sa tinawag niyang meeting.

“What is this about, Clara? Are you not satisfied with what we’ve provided you?” tanong ng chairman.

Nginitian niya ang chairman, “I am. Dahil sa Phoenix nakilala ako, malaki ang utang na loob ko sa inyo pero po, kailangan ko na pong umalis. Sana po magbigyan niyo ako.”

Nagbuntong hininga ang chairman at tumango ito para simulan na ang proceedings. Pinag-usapan ang lahat ng dapat gawin ngayon’t kakawala na siya sa kontrata niya sa Phoenix.

“Miss Dela Merced would of course pay for the penalty of the cancelled contracts with her endorsements and her latest and upcoming films.” Her lawyer stated.

“There’s no need for that. Her contract with us clearly stated that we pay for the damages. We would like to part amiably with Clara.”

That being said, she didn’t pay for anything at all, she insisted she paid the penalties if not the five million that was stated in her contract if she ever broke it. Sila na daw ang bahala sa lahat dahil nga daw kahit aalis na si Clara ay pamilya parin sila.

Why would they really insist that she pay when she brought them loads of money when she came to them, siya ang dahilan kung bakit ang Phoenix Entertainment ang pinakamalaking entertainment agency sa bansa. She kept the money coming in Phoenix Entertainment, a drama that critiques saying would flop, they’d bring Clara and that said drama would be number one.

Alam niyang labag sa kanilang loob ang pag-alis ni Clara pero wala silang magagawa dahil kahit pa anong gawin nila ay aalis at aalis parin siya kahit pa magbagayad siya ng sobra sobra.

They shook hands and after that, the agency announced to all the staff her departure. Everyone was surprised and they all bid her goodbye. Nanginayang lang ang iba dahil hindi na siya makakasa sa mga junkets at premiere ng There’s Love and There’s Yu.

As if, naman na makakaya niyang pagkunyari pagdating kay Ralphe. Sure, she was a damn great actress but she doubted she could hide her hatred she felt for Ralphe. She couldn’t play pretend not even for one night.

Nilingon niya ang PA niya, “Jane pwede bang pakikuha ang mga gamit ko sa bahay ni Ralphe?” bulong niya rito, isa si Jane sa mga nakakaalam na naging sila ni Ralphe, nahuli kasi nito sila ni Ralphe sa dressing room ni Clara na naghahalikan.

“Sympre naman. Alam ba niyang aalis ka?”

She smiled bitterly, “Wala naman pakielam yun. At isa pa matagal na kaming tapos, nakakalimutan ko lang na kunin yung mga gamit ko.” yung mga gamit na ayaw niyang dalhin dati sa bahay ni Ralphe pero nagpumilit si Ralphe na magdala siya ng mga gamit niya para mag nag overnight siya at may mga damit na siya doon.

Sa totoo lang kaya hindi pa niya nakukuha yung gamit sa bahay ni Ralphe ay dahil umaasa pa siya noon na pwedeng mag work ang lahat, na tatanggapin ni Ralphe yung pagiging ama. Na mamahalin siya ni Ralphe.

The WidowWhere stories live. Discover now