Ang tinutukoy niya ay noong mga panahon na nagtatrabaho pa bilang artista si Triton. Hindi rin naman na nakakapagtaka na makatanggap ang mga tao sa BHO CAMP ng mga ganitong klaseng pananakot dahil na rin sa ilan sa kanila ang kilala sa publiko.

"Hermes and Den have more than the others since they are both working for news. It's all just threats and no one really tried to carry on with them. But we all know that we can't be too sure. Kaya lahat ay binabantayan namin. We filtered all the mails but I'm pretty sure that before we found out about this that Archer already saw some of the letters. Am I right?"

Hindi sumagot ang binata pero kahit iyon ay sapat na bilang sagot sa katanungan ni Dawn. Kita ang pagtataka sa mukha ng mga agent. Dahil naiintindihan ko kung ano ang gumugulo sa isip nila. Katulad ng siyang nagpapalito sa akin.

Alam ni Archer kung ano ang trabaho naming lahat. Alam niya na kaya namin siyang tulungan para masiguradong hindi siya mapapahamak. Pero bakit hindi niya magawang sabihin sa amin ang mga nangyayari sa kaniya?

"What were you thinking?" ulit ni Thunder sa kanina ay tanong niya sa lalaki. "Wala bang nadala sa atin sa nangyari kay Comet? Why are you risking your safety, wasting your life, when you know we could help you?"

"They're just letters, Thunder." Archer said in a whisper.

"And today we proved that it's not just that." he hissed in return. "Kung wala kang pakielam sa kapakanan mo, then be kind enough to inform all of us. Para hindi na kami magulat lahat kapag biglang ikaw na ang susunod na ililibing namin."

"Kuya..." pag-awat ko sa kaniya. Akmang bubuka ang bibig ko para dugtungan ang sinabi ko nang maramdaman ko ang kamay ni Archer na hinawakan ang akin sa ilalim ng lamesa at marahang pinisil 'yon.

Itinikom ko ang bibig ko pero binigyan ko ng masamang tingin si Thunder na hindi man lang natinag. Naiintindihan ko siya. Kahit ako ay hindi maintindihan si Archer. Pero kung may isa akong nasisiguro iyon ay may dahilan siya kung bakit siya nagkakaganito.

"We all gone through so much already. If you care even a bit for all of us and the woman standing beside you then cooperate." he said in a quiet voice as if he's losing strength. "Don't waste your life by being stupid."

Pagkasabi niyon ay tumayo siya at lumabas ng conference room. Namataan ko si Hera na sinusundan siya ng tingin ngunit nanatili siya sa kinauupuan niya at nagbaba na lang ng tingin.

Muling binalot ng katahimikan ang kwarto habang tila nag-iintayan ang bawat isa sa amin sa susunod na sasabihin. Tumingin ako kay Dawn at nakita kong nasa akin pa rin ang atensyon niya at katulad kanina ay muli ko siyang tinanguhan.

"We want to help you, Archer. Para magawa 'yon kailangan malaman ng lahat ang tungkol sa background mo." sabi ni Dawn.

"With one condition."

Sinalubong ni Dawn ang mga mata ni Archer at hinintay ang hihingin na kundisyon ng binaga. Sa kabila niyon ay pakiramdam ko alam na ni Dawn kung anong sasabihin ng lalaki...at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay gano'n din ako. Sa pagkakataong ito ay ako na ang pumisil sa kamay ni Archer pero nananatiling kay Dawn ang atensyon niya.

"Carry on." Dawn acknowledged.

"Keep Aiere out of this."

Mariin akong napapikit sa sinabi niya. I was expecting it. Nararamdaman ko na iyon ang hihingin niyang kundisyon. Dahil sa hindi malamang kadahilanan ay tanging naaapektuhan lang siya sa mga nangyayari sa kaniya kapag nadadawit ako.

"Kaya ng kapatid ko ang sarili niya."

Nagbukas ako ng mga mata at nakita ko ang kapatid ko na si Fiere a kunot noo na ngayong nakatingin kay Archer na hindi man lang natinag. "I know. But I want her out of this."

BHO CAMP #7: The Moonlightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن