Chapter 5

30 3 0
                                    


Halo halo ang emosyon ko sa oras na to,hindi ko alam kung iiyak ba ako sa tuwa o matatakot sa nalaman ko!

Matutuwa dahil magagamot na yung papa ni kyle at  natatakot na rin dahil ang gagamot pala ay si.......

"Buti na lang at dumating na dito sa lugar natin si Doc Gabriel Montefiore nohhh"

"Oo nga ehh pero gosh girl sabi nila ubod daw sa kagwapuhan yung si doc gabriel"

"O M G"

Bulong bulungan kahit san pa ko mapunta dito sa hospital..

Hayyy sa tingin ko hindi ko na kailangan tumakas kung magkikita man kaming dalawa,tadhana na talaga ang gumagawa na bumalik ako sa kung saan ako pero sana wag muna...

"May problema po ba ate?"

Napatingin ako bigla sa kasama oo nga pala.. "wala to kyle...iniisip ko lang kung magiging ok ba ang surgery ng papa mo"

"Diba sabi mo po magtiwala po ako sa mga doctor?!"

"Oo naman"

Isang buwang ng nakakalipas na nabalitaan na namin na may dumating na isang doctor galing sa manila at sa oras na to ay ginaganap na ang surgery ng papa ni kyle. Nung una gusto kong puntahan ang doctor na yun at magpasalamat. Pero nung nalaman ko na kung sino ay bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.. It's been 4 years since i left na kahit isang bakas ay hindi ako nagpaparamdam.

May rason ako kung bakit ako umalis at dahil yun sa...

"Ate Ellaine"

"Hmmm?"

"Kapag po ba gumaling na si papa di na po ba ako makakapunta sa bahay niyo po?"

"Ano ka ba? Pwedeng pwede ka paring makakapunta sa bahay kahit anong oras pa!"

"Yeehhheyyy"

Sa loob ng isang buwan din ay bumili agad ako ng isang bahay at umalis agad sa hotel na yun dahil nalaman ko na pagmamay-ari pala yun ni Ace at para na ring may matutuluyan at makakasama si kyle habang nandito pa ang papa niya.

Pero naalala ko na isang buwan na lang at aalis na ko...


"Can we talk?"

Napatingin ako sa nagsalita. Siya naman? Oo nga sa loob ng isang buwan din ay kinukulit ako ng taong to.

"Busy ako doc race daxton pendelton"
Di niya ba napapansin na ayoko siyang kausapin.

"Di ka parin naka move on noh hahaha" siraulo to ahh at naka ngiti pa na parang aso..

"FYI lang ahh DOC nakikita mo naman di ba na busy ako kakahintay sa pagtatapos ng surgery nang papa ni kyle so please kung gusto mo ng kausap! " sabay bigay sa kanya ng limang piso

"Bumili ka ng makakausap mo" sabay tingin kay kyle na mukhang nawiwili sa pinag uusapan namin ng taong to.

"Ellaine pls just 10 minutes" aba!!! Pero teka kailan pa dumami ang mga naki tsismoso at tsismosa?

"Fine 10 minutes!"

"Follow me! Ok sabi mo ehhh..aalis na sana kami ng may biglang may nagsalita.

"Sorry Mr. Pendelton pero hindi mo siya makakausap dahil ako ang kakausapin niya!"

Kung iniisip niyo na may triangle na magaganap no way kayo dyan dahil ang nagsalita..

"Ako ang nauna Mr. Montefiore" with smirk pa...

Aba ang loko ng smirk din..

"I know Mr. Pendelton pero tanungin  natin si Ms. CRUZ kung sino ang gusto niyang kausapin sa ating dalawa!"

*sigh*

Humakbang ako at hinablot si kuya ridex ..oo siya ang gusto kong kausapin kaysa pa dun nohhh...sorry ace..sabay hatak sa kanya papunta sa garden..

"What the heck drix? Pano mo siya nakilala?" Not now kuya

"How did you know na nandito ako?"

"Hula ko lang.. Atsaka wag mo ngang ibahin ang usapan"  asik niya..

Ohh well what do you expect na kapag nagtanong dapat yun ang sagutin.

"I'm waiting for your answer Jindrix Ellaine Montefiore" oohh ayan na galit na siya!! Full name na ehh

"Ok ok He's my ex" ohh ayan na nasabi ko na..

"What!!!! Pano???"

"Hep hep kuya yun ba talaga ang sasabihin mo?" Sabay tingin sa kanya ng seryoso.

"4 years drix!! Hinanap ka namin kung saan saan. Si kuya jamex pati kaming lahat hinanap ka at namimiss. But damn akala namin na nasa ibang bansa ka lang nagtatago pero nasa pilipinas ka lang pala. You just low your profile to be a normal. Bakit drix di ba normal ang buhay mo na kasama kami at umalis ka na lang na walang paalam?"

Di ako makapag salita.
Sorry kuya pero may isa pa na kung bakit ako umalis. And I think kailangan mo ng malaman yun.

"Let's go home" yeah mukhang dapat na kung umuwi.


"Ate sabi nila naging successful po yung operasyon ni papa,sa susunod na araw makakauwi na kami" buti naman

"Ate? Sino po siya boyfriend niyo po?" kung may tubig lang akong iniinom sa oras na to sigurado akong mabubuga ko agad yun..

"Hindi ako boyfriend ni ate ellaine mo kyle, pinsan niya ko" buti na lang habang sinasabi niya ay wala na yung nurse na nag oobserve kanina,kung hindi tsismis ang abot nun.

Mabuti na lang at di nagtanong si kyle.
Umalis na rin si kuya ridex dahil may aasikasuhin pa daw siya.
And about naman kay ace di na siya nagpakita pa sakin. Mabuti na rin yun!

*notification*

You have a mail

Montefiore's Series #1: Jindrix Ellaine MontefioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon