She even remembered celebrating her 18th birthday there which happened to be a disaster once again. Gusto na lamang niyang kalimutan ito.

Paminsan-minsan ay wala itong tao maliban na lamang kay Pops Renie, mga caregiver at iilang mga caretaker at mga maid ng bahay. Bumabalik lamang ang mga tito at tita niya roon kapag may mga business ang mga ito sa probinsiya pero kadalasan ay nasa city ang mga ito, nagpapalago ng mga negosyo at nangingialam ng buhay ng iba.

Ramdam na niya ang malakas na pagkabog ng dibdib nang maaninag sa kalayuan ang pamilyar na gate ng village. Napalunok siya dahil dito at pilit na pinakakalma ang sarili.

She wasn't sure if her dad would be there, but she was certain that her mom wouldn't. The both of them shared the same sentiments towards the clan.

Ibinaba niya ang bintana ng kanyang kotse tsaka nakipagtitigan sa guard para mapagbuksan siya ng gate. "Magandang araw, Ma'am Vannessa," bati nito sa kanya. Tanging tango at maliit na ngiti lamang ang isinukli niya rito bago nagmaneho papasok.

Vannessa tried her best not to mind the memories that were slowly asking for attention as she eyed the surroundings that had witnessed her childhood. Ayaw na niyang maalala pa ang mga panahong pinagkakaisahan siya ng mga kalaro niyang pinsan dahil sa utos ng mga magulang ng mga ito.

She could still remember bits of it, and sometimes, she hoped that she could forget.

Nang marating ang parking lot ng mansiyon, ang unang nakita niya ay ang iilang mga pinsan niyang hindi niya masiyadong nakauusap. Marami ring mga kotseng nakaparada roon at kapansin-pansing may mga bisita ring hindi niya kilala.

There was a growing anticipation on her chest as she wondered about what was going on. If it was one of her cousins' birthday, she didn't know why they even bothered to invite her when they didn't even like her in the first place.

She swallowed the lump on her throat before stepping out of her car. Kaagad napatingin sa direksyon niya ang dalawa niyang pinsan na sina Ysobel at Unica. Ngumiti ang mga ito nang makita siya tsaka kumaway-kaway pero hindi niya napalagpas ang pagtingin ng ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang suot-suot niya ay isang tank top na pinaibabawan niya ng jacket dahil malamig sa probinsiya at washed denim flare pants. She was only wearing slippers as well. Compared to her cousins who were wearing semi-formal clothing, she already knew that they'd talk about her outfit of the day.

Of course.

"Buti nakapunta ka," sabi ni Unica bago nakipag-beso-beso sa kanya.

"Kanina pa naghihintay sa iyo sina tita. Gladly, the party hasn't started yet," sabi naman ni Ysobel.

Tumaas ang kanyang mga kilay nang marinig ang salitang 'party' sa sinabi nito pero kaagad din niyang binawi ang naging reaksyon tsaka ngumiti. "Of course, I wouldn't miss this party. Not in my lifetime," she said, still smiling. Nakita niya ang bahagyang pagbabago ng expression ng mga mukha nito. Vannessa felt a little glad because of that. Show your colors, girls. "Now, mauna na muna ako sa loob, ha. I'd just check on Pops kahit na hindi naman siya ang ipinunta ko rito." Diniinan niya ang bawat salitang iyon bago muling ngumiti.

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita ang mga pinsan at tumalikod na papunta sa entrada ng mansiyon, ngunit narinig pa rin niya ang agarang pag-uusap ng mga ito tungkol sa kanya.

"Huh, I'd never ever invite her in any of my party."

"Bitch, akala mo kung sino."

She smiled triumphantly. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ang mga ito at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakaangat ang tingin.

Hindi na siya nasasaktan pa sa mga sinasabing iyon ng mga pinsan niya. She'd always expect them to be like that so that was no longer a surprise.

Maginoong Medyo BastosWhere stories live. Discover now