Chapter 28 - The Winter Ball

10.5K 331 100
                                    

A smile formed on Steffanie's lips when she saw the approaching group of people. It was Valerie and her group. Napagpasyahan niyang sunduin ang mga ito sa airport, that's why here she was, cheerfully waving at them.

Agad naman siyang nakita ng mga ito. Valerie immediately greeted her with a hug.

"How's my favorite model?" tanong nito.

"Well, I am still hitting the runway. Nice to see you, Val."

"Ako rin. Masaya akong makita ka. It's just that, I wish Sofia was here," sabi nito na puno ng pag-aalinlangan.

"I tried to invite her. Lalo na nang malaman kong narito ka rin. But Art was actually not feeling well," she said.

Ang tinutukoy niya ay ang panganay na anak na lalaki ni Sofia. She named her little boy Arvin Rain Tristan, or Art for short.

"Naku! Ano bang nangyari sa inaanak nating yon?"

"He has a cold. At ang worry ni Sofie, baka lalong lumala kapag dadalhin niya dito Asphodel."

Valerie nodded in understanding.

Hinarap naman niya ang kasamang crew ni Valerie. Kilala niya ang mga ito. Her team of designers was the best of the best. Nakatrabaho na rin niya ito ng ilang beses.

"Hi Wallace!" ito ang tanging lalaking designer sa team nito. Apparently the man, though a little bit older than them, was a great tailor of men's clothes.

Ngumiti naman ito sa kanya pabalik.

She then proceeded in greeting the other designer. She had three other members in her team; Jenny, Aimee and Brienna. Nagbeso siya sa mga ito.

"How are you girls?" tanong niya.

"Magaganda pa rin kami," sagot ni Aimee.

"Pero mas maganda ka pa rin Miss Steff," sabat naman ni Jenny.

"Ay naku, tigilan niyo nga si Miss Steff, Kami lang dalawa ang maganda dito," singit ni Brienna.

"Eh paano naman ako? So kayo lang ang maganda?" pabirong sabi ni Valerie.

"Siyempre kasama si boss. Kaming tatlo lamang ang magaganda. Ayos ba boss?" bawi naman ni Brienna.

Valerie gave a thumbs up.

"Takot ko lang mawalang ng trabaho," pahabol pa nito.

She laughed at their antics. Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga ito. They were still as lively as ever.

Kasalukuyan na silang nag-aabang ng mga bagahe nito sa conveyor belt nang inaya siya ni Val na magmerienda sa isang malapit na café. Pinaunlakan naman niya ito.

"So how are you?" seryosong tanong nito.

"I am fine, Val. Bakit mo naman naitanong?"

Bumuntong hininga muna ito.

"I am a little bit worried for you noong malaman kong dito sa Asphodel gaganapin ang Winter Fashion Week. I know you'll be here and I know he'll be here as well."

Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Kung may taong nakakaalam ng mga pinagdaanan niya, si Valerie iyon. Ito ang tumulong sa kanya noong gabing iyon. Kitang-kita nito ang kalunos-lunos na pinagdaanan niya habang nakahandusay siya sa basing kalye.

She held the hand of her friend. Alam niyang tunay itong nag-aalala ito para sa kanya.

"I know that Val. Noong una'y natakot din ako. But I cannot runaway forever. Sooner or later magtatagpo at magtatagpo ang landas naming. Why delay it?" she said to her.

Tears Of CinderellaWhere stories live. Discover now