The Betrayal

15 1 0
                                    

Sabi ko sa sarili ko bakit hindi ko subukan wala namang mawawala e, ang bumungad sa isip ko umagang umaga kinabukasan.

Ang saya saya ko nung pumasok ako sa school dala ang alaala ng nangyaring panliligaw ni Rhys sakin kagabi.

Ang sarap kaya sa feeling na yung taong gusto mo e gusto ka din. Kaya naman pinaniwalaan ko lahat ng narinig ko kagabi about sa feelings ni Rhys. Dahil dun umasa akong magiging kami dahil sasagutin ko na siya mamayang gabi pag kauwi ko sa bahay.



Afternoon around 5 pm.

Nakasabayan ko sa sasakyan yung Ate ni Rhys, si Ate Mich pati narin si Shai na kaibigan namin ni ate Mich habang pauwi sa barangay namin. Nag uusap usap kami about sa mga bagay bagay, girls talk ganun. Hanggang sa napasarap kami sa kwentuhan at nasali sa usapan namin si Rhys. And then she told me about something. About kay Rhys. Some thing horrible and ridiculous. Na sana hindi ko nalang narinig at sana hindi ko nalang nalaman.



That moment feeling ko tumigil ang mundo ko. Nagpantig ang dalawang tenga ko sa narinig ko. Tumigil sandali ang pagtibok ng puso ko at aaminin ko nasasaktan ako ng sobra.

I'm so shocked! Pero kinalma ko ang sarili ko at bumalik sa topic namin. Kahit nasasaktan nako sa mga nalaman ko pinili kong magkunwaring hindi affected. Pinakita kong wala akong pake kasi never naman ako naniwala kay Rhys. Never akong umasa at higit sa lahat sinabi kong wala naman akong balak sagutin siya. Taas noo kong sinabi sa harap mismo ng ate niya ang salitang "Okay lang wala naman akong balak sagutin siya e".

Sunod sunod na lunok ang ginawa ko at feeling ko nabibilaokan ako kahit wala naman akong kinakain. Ang sakit sa feelings sobra. Pero kahit nasasaktan ako sa mga oras na yun hindi parin ako umiyak. Pinanindigan ko talaga yung pagpapanggap ko na hindi ako affected, kahit ang totoo gustong gusto ko ng maglaho at mawala sa harapan nila. Gusto kong mapag isa. Gusto kong makausap si Rhys at i confirm kung totoo nga ba yung mga nalaman ko, o baka naman hindi lang talaga ako gusto ng Ate niya kaya niya sinabi sakin lahat ng yun.
Pero mali parin. Dahil ang sakit talaga malaman ang totoo, o yun ba talaga yung totoo? Yun ba talaga ang totoong dahilan kung bakit niya ako gustong ligawan? Pero bakit ako? Bakit kailangan niyang samantalahin ang pagkakaroon ng feelings ko sa kanya para gawin niya ang bagay na yun. Bakit ganun? Despite of all of that, i choose to be strong, pretending like everything's alright and absolutely fine.

Naghiwa hiwalay kami after nung usapan na yun na parang walang nangyari na parang wala talaga akong pake sa mga narinig ko kahit deep inside durog durog nako. Kasi naniwala at umasa nako.

Ang sakit talaga. Umasa pa naman ako. Akala ko totoo na, akala ko sincere siya. Akala ko lang pala.

Sa mga narinig at nalaman ko kanina gusto ko na sanang maniwala ng lubusan. Pero magiging unfair naman yun sa side ni Rhys kung basta nalang ako maniniwala ng hindi man lang siya nakakausap about dun. Kaya naman kinagabihan nakisuyo ako sa kaibigan kong si Marvy na tawagin si Rhys at papuntahin sakin dahil meron lang akong gustong itanong sa kanya.

After a minutes, bumalik si Marvy na hindi kasama si Rhys at ang sabi lang, "Bakit? Wala naman (daw) kaming dapat pag usapan ah".

Mapapamura ka nalang talaga e sa nangyayari sayo. Para kang pinatay ng dalawang beses. At dahil hindi niya ako kinausap parang pinatunayan lang niya na hindi nga siya seryoso, na totoo lahat ng sinabi ng Ate niya about sa kanya. Dahil sa ginawa niya naniwala na ako sa lahat lahat ng nalaman ko. WTH ang SAKIT! kung gaano ko siya ka gusto sobra sobra pa dun ang nararamdaman kong sakit sa puso ko.







"Kaya ka lang nililigawan para pag selosin si Daisy, dahil si Daisy talaga ang gusto ni Rhys, matagal narin kasi niyang crush yun". Sabi ng Ate niya. At mas lalo akong nainis sa reaksyon ng mukha niya. Nagsalita naman si Shai at ang sabi "oo totoong crush niya si Daisy".

Marami pa silang sinabi na kung ano ano pero ako ang salitang nabitawan ko lang, ay kabaligtaran sa totoo.



My First Heartbreak : Almost A Love Story (On-going)Where stories live. Discover now