Those Words

27 1 0
                                    

Hindi nako makatiis kailangan ko ng kausap. Kaya naman yung kapatid kong si Mark ang unang nakaalam tungkol sa nararamdaman ko para kay Rhys. Isa sa mga topic namin sa bahay ay tungkol kay Rhys at ang pag kaka crush ko sa kanya. Kinikilig ako habang kinekwento sa kanya si Rhys at infairness ang supportive nya ah..kaya naging kampante akong magkwento at mag kwento pa sa kanya without knowing na pwdeng niyang sabihin lahat ng sinasabi ko kay Rhys  kasi magkaibigan din sila.

Isang araw dumating ako sa bahay na basang basa kasi naligo ako sa ilog. Anyway nasa probinsya ang lugar namin. Naabutan ko si Rhys na nakahiga sa bahay namin mag tatanghaling tapat  kasama si Mark. Syempre kunyari wala lang akong pake pero deep inside kinikilig ako kasi yung crush ko nasa bahay namin haha . At sumagi sa isip ko nung araw na yun kung alam niya kayang crush ko siya kasi syempre palagi silang magkasama ng kapatid ko pag araw. Pero sana hindi, sana lang talaga sabi ko sa isip ko. Nung makita niya ako tumayo siya mula sa pagkakahiga, chance para hindi ako mailang at makapagbihis narin. Lumabas sila ng bahay namin at umalis na then after a while nakita ko na may 10 pesos sa higaan, syempre pinulot ko at dahil patay gutom ako binili ko yun ng makakain at nung naibili ko na dun ko lang narealize na baka kay Rhys yun at nahulog lang.

Sinabi ko sa kapatid ko ang tungkol sa napulot kong sampung piso at hnd nga ako nagkamali kay Rhys nga yun.

Kinabukasan ako naman pumunta sa bahay nila para tumambay lang, oo tatambay lang talaga at sakto nandun siya. Hapon na yun at magkatabi kaming nakaupo sa balkonahe nila. Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako kinikilig sa moment na yun syempre bawal lang mahalata. At syempre  kahit naman magkatabi kami wala kaming usapan muntanga lang haha. Pero buti nalang naalala ko yung 10 pesos niya at ako na ang bumasag sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

"Rhys, sorry yung 10 pesos mo pala napulot ko tas binili ko akala ko kasi hindi sayo pero babayaran ko na lang". Sabi ko sa kanya.








"Okay lang yun, wag mo na bayaran malakas ka sakin e".

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nung marinig ko yung sinabi niya gusto kong tumalon, manghampas at sumigaw sa sobrang kilig at tuwa.  Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero isa lang nasa isip ko nun 'sheyt kinikilig ako'. Inulit ulit ko pa sa isip ko yung sinabi niya baka sakaling nagkamali lang ako ng dinig pero malinaw na malinaw talaga pag kakasabi niya na 'okay lang malakas ka sakin e'. Tumawa  nalang ako ng konti sabay sabing 'auh okay cge' in a normal way. Hindi ko pinahalatang kinikilig ako pero hindi narin ako makatingin sa kanya, feeling ko kasi namumula na pisngi ko sa sobrang kilig sabayan pa ng lakas ng tibok ng puso ko.

"Malakas ka sakin e"
"Malakas ka sakin e"
"Malakas ka sakin e"

Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya sakin. Hanggang sa pagtulog ko hindi yun nawala sa isip ko. Ramdam ko parin yung kilig na naramdaman ko kanina nung marinig ang mga salitang yun. 'Nabuo mo na naman araw ko. Mahal na ata kita e.' Sabi ko sa isip ko.

My First Heartbreak : Almost A Love Story (On-going)Where stories live. Discover now