Year 2008

66 1 0
                                    

Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Elija.
I'm just an ordinary girl pero napakaraming gusto sa buhay. In short ang daming ambition. So that's it!
Di ko na papahabain ang introduction ko ah just hear me out and
Let me share my story. My First heartbreak.





12 years old ako nung una kong makilala si Rhys. Tulad ko simpleng tao lang din siya. Batang bata pa kami nun kasi puro laro lang inaatupag namin ng mga panahong yun. Ako kasi yung tipo ng babaeng handang makipaglaro mapalalaki man yan o babae kaya madalas ako pinagkakamalang Tomboy kasi sumasali daw ako sa mga larong panlalaki. Who cares? Hahaha.
Wala akong paki that time  bakit ba gusto ko magsaya e haha. At sa larong Doctor kwak kwak ko  unang nahawakan ang kamay  ng first crush kong si Marlon. Grabe! Yung tipong ako lang ang nag iisip na may malisya yung pagkakahawak niya  sa kamay ko. Ang hegpet keye pereng eyeke ng bemetew. Crush ko siya pero hindi nya alam yun syempre wala din naman siyang pake e kaya wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na may crush ako kay Marlon kasi malamang  ipagkakalat nila yun hanggang sa buong barangay namin . Dati palang advanced na talaga ako mag isip hahaha. 
Ang totoo umiiwas lang talaga ako sa tukso. Ayoko kasi yung tipong aasarin ako ng mga kaibigan ko about sa crush ko. Nawawala kasi pag ka-crush ko sa taong yun. Anyway nangyari lahat ng yun bago  pa man dumating si Rhys sa lugar namin.


Naging magkaibigan kami ni Rhys pero hindi ko masasabing naging close kami. Ewan ko lang pero parang may kung anong naka block sa pagitan naming dalawa. Dahil bata pa ako nun hindi ko yun masyadong inintindi.

Saglit lang siya nag stay sa lugar namin  buwan lang siguro yun, ang natatandaan ko summer break yun. Pero di nagtagal bumalik na siya ng Maynila para mag aral ulit. Nung nalaman kong umalis na siya parang wala lang naman sakin. Di ko siya mamimis ganun. Kasi aaminin ko medyo masungit siya konti kaya naman kahit magkalaro kami ramdam ko ang limitation namin sa isat isa kaya hindi kami naging close.  Ewan ko ba pero kahit ganunpaman  masaya akong nakilala siya.




Fast forward... Year 2010



After 2 years bumalik na si Rhys sa lugar namin. 14 years old nako nun tulad nga ng sabi nila nagdadalaga na daw pero hindi ko yun pinapansin dahil aaminin ko that time nasa isip ko parin ang pagsasaya kesa ang makipag harutan sa mga lalaki. Wala din naman kasing pumapansin sakin sa lugar namin haha (siguro dahil hindi rin ako maganda, cute lang haha) at siguro tingin parin ata nila sakin isang batang wala pang muang sa mundo, in other words hindi pa interesado sa mga ganung bagay. Kaya ramdam ko talagang walang may crush sakin nun. Pero nakikita ko mga ka age ko o kaya mas bata pa sakin ng isa o dalawang taon ayun may tukso-han ng nangyayari. Habang ako naman isa lang sa mga taga 'ayiiiee' ng mga kaibigan ko na parang tangang kinikilig sa sinasabi nilang puppy love. Hayy!



Nung unang kita ko kay Rhys mula nung nagbalik siya galing Maynila grabe na love at first sight ata ako. Kinilig ako bigla sa lakas ng dating niya. Kahit ang totoo tahimik lang naman siya. Magkasing edad lang kami pero parang ang matured niya tignan, at bukod dun meron din akong napansin sa kanya nawala yung pagiging bibo niya na parang isang batang palaging nagpapapansin. Para siyang isang babaeng mahinhin na hindi makabasag pinggan sa tuwing nakikita ko siya. Parang ang gentleman niya ganun. Dahil dun nakaramdam ako ng kakaibang pag ngiti.  Pero hindi ko pa maamin sa sarili ko na crush ko siya.  Hanggang sa lumipas ang ilang araw at linggo dahil sa dalas ng pagkikita namin  dun ko na inamin sa sarili ko na humahanga nako sa kanya  iba kasi ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Napapasaya niya ako ng hindi niya alam kahit makita lang ko siya hanggang sa dumating sa puntong  patay na patay na ako sa kanya, hindi na siya maalis sa isip ko  minsan nga di na ako makatulog kakaisip sa kanya. Yun nga lang wala akong ibang makausap na pwede kong paglabasan ng nararamdaman ko kahit meron naman akong malapit na kaibigan. Yung tipong may pahampas hampas ka pa sa kanya habang kinikilig ka tapos supportive pa siya. Sarap ng ganung preny. Kaso wala talagang ganun kaya sinarili ko muna ang feelings ko at sinekreto ko ang pag kaka crush ko sa kanya. 

Para lang magpapansin sa kanya, natuto akong mag ayos sa sarili ko, hindi ako lumalabas ng bahay hindi inaayos ang sarili ko at syempre kailangan maayos din damit ko. Todo polbos kahit bibili lang sa tindahan kasi alam kong madadaanan ko bahay nila at baka sakaling makita niya ako. Naaalala ko pa nun ang isa sa mga paraan ko para lang makita siya, kunyari may bibilhin ako sa tindahan  para lang magkaroon ako ng dahilan na umalis sa bahay at masilip ko kung andun siya sa bahay nila. Wala lang gusto ko lang talaga siyang makita. Nung mga panahong yun  pagsusuklay at pag lalagay lang ng polbos ang alam kong pag aayos sa sarili ko, iniisip ko parin kasi ang sasabihin ng ibang tao na ang bata mo pa lumalandi kana. Kaya naman simpleng padaan daan lang ako sa bahay nila pero hindi ko alam kung pansin niya yun na sinusulyapan ko siya kapag nakalampas nako sa bahay nila. Hayyy! Nasa isip ko nun siguro kung ako lang naging lalaki liligawan na kita.


Minsan naman kapag naabutan ko siyang nasa labas ng pinto ng bahay nila at  dumadaan ako pinipigilan kong wag lumingon kasi iniisip ko na baka nakatingin siya sakin habang akoy papalayo. Hindi naman sa pagiging  assuming pero parang ganun na nga hehe. Pero hindi niya lang alam na kapag andiyan siya at nakikita niya ako bigla akong nagiging behave , lahat ng kilos ko binabantayan ko para lang mag mukha akong mahinhin  para sa kanya, at alam ko naman sa sarili ko na ang lakas talaga ng tama ko sa kanya.

My First Heartbreak : Almost A Love Story (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora