Wala akong magawa kundi pag masdan ang napaka guwapo niyang mukha, na kahit nahihilo na ako sa rami ng alak na ininom ko, simula kanina.

"No, hindi ako lasing Adon. Tignan mo ako.*hik*"tumayo ako sa aking kinatatayuan at pilit kong pinapakita sakaniya na hindi ako lasing, na kaya ko ang sarili ko.

Pag- tayo ko pa lang, doon ko na umikot ang paningin ko ng sandaling 'yun sa sobrang kalasingan. Hinintay ko na lang ang sarili na bumagsak sa malamig na sementadong sahig.

Pero mali ako.

Ganun na lang ang lakas ng kabog ng aking dibdib, sa mainit na bisig ako ng binata bumagsak. Hawak niya ang aking baywang para aalalayan ako na hindi tuluyang bumagsak sa sahig. Ramdam ko ang mainit at napaso ako sa paraang pag lapat ng mga balat namin.

Amo'y na amo'y ko ang mabango niyang pabango.

"Fuck!" matinis niyang mura.
"Hindi ka okay, tignan mo lasing na lasing kana. Ihahatid na kita sainyo, sa ayaw at gusto mo!" Malagong niyang sambit.

"Magandang idea nga 'yan Don. Ihatid mo na pauwi si Ace , para makapag- pahingga na din siya dahil kanina pa siya umiiyak at umiinom." rinig kong banggit ni Nica na kinakausap niya si Adon ng sandaling yon.

Pinikit ko na lang ang aking mga mata at yumakap ng mahigpit sa binata dahil kanina pa umiikot ang paningin ko, dulot ng kalasingan. Ang kamay naman ni Adon, naka suporta sa katawan ko para alalayan ako ng sandaling 'yun.

Ang gusto ko lang maka- uwi na saamin, para makapag- pahingga.

"Okay, gusto mong hatidin na kita sainyo Nica? Para sabay ko na kayong hatidin ni Ace pauwi."

"Oh no, No thanks Don. Michael would be here any minute to drive me home." rinig niyang pag- tatanggi ng kaibigan sa alok ng binata.

Bakit patuloy niya ito tinatawag na si Don?

Don Montemayor?

Adon older brother?

The brute and cold one? That's impossible.

Hinding-hindi pupunta si Don sa ganitong klaseng lugar.

Siguro nag kamali lamang siya ng pandinig sa sinabi ng kanyang kaibigan, alam ko sa sarili ko na si Adon ang kasama ko ngayon; wala ng iba.

"Okay, aalis na kami." paalam nito sa kaibigan ko. Randam ko ang pag higpit ng pag kakahawa niya sa akin, para igaya palabas ng Bar.

Wala akong nagawa kundi, mag patanggay sakaniya, dahil gusto ko na din siya maka- sama.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinatid sa condo ko at inalalayan niya ako na maka- pasok sa kwarto ko.

"Tsk, you're worthless!" Asik niya, at buong inis niya akong tinignan. "Mag pahingga kana, dahil 'yun ang kailangan mo ngayon!" Matigas niyang saad at tangka sana siyang aalis para iwan ako muli, ng mabilis kong hinuli ang kaniyang kamay.

"H-Huwag kang umalis." mahina at puno ng pag mama-kaawa kong tinig. Nanatili lang siyang naka- talikod sa akin, at nag- pakawala siya ng malalim na buntong-hiningga.

"Kailangan ko ng umalis Ace." madiin niyang sambit na masaktan pa ako lalo. "May importante pa akong gagawin, kaya't mag pahingga kana." sumikip bahagya ang puso ko sa katagang sinambit niya.

Kahit kaylan, hindi niya ako magiging priority.

Kahit kaylan, hindi niya ako kayang mahalin.

Chasing Don Montemayor [COMPLETED]Where stories live. Discover now