Chapter 18: Taint

Start from the beginning
                                    

I can hear my voice breaking when I opened my mouth to speak. "Anong ibig mong sabihin?"

Lumingon ang lalaki sa pintuan kung saan pumasok ang fiance niya bago niya muling binalik sa akin ang atensyon niya. "You're everywhere I go. Ayokong mag-isip ng masama...pero this can't continue. Makakahalata na si Shona."

Pilit na kinontrol ko ang emosyon na nais kumawala sa akin. Emosyon na hindi man lahat ay para sa kaniya dahil sa ibang bagay na nakapokus ang takot sa akin. "Coincidence lang ang mga 'yon, Mateo. Hindi mo kailangan mag-alala."

"I don't think it is. May pagkakataon na hindi kita nilapitan dahil ayokong pag-isipan ka. Sa coffee shop, sa BHO CAMP, sa isang theme park, at ngayon dito." Kita ang frustration sa mukha ng lalaki habang sinasabi ang mga iyon. Alam ko ang mga tinutukoy niya. Pero isa lang sa mga iyon ang intensyon kong ginawa. It was all a coincidence. Ni hindi ko nga alam na nakita rin niya ako. "Alam kong nasaktan kita. Alam ko na hindi naging madali sa'yo. But tell me...tell me what do you need me to do so you can be okay? Because I already moved on, Aiere, and this can't keep on happening if I want to continue moving forward with Shona. What do you need me to do?"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Para bang tuluyan ng nabasag ang kung ano ay akala ko na meron kami noon. Tuluyan ng nadurog ang mga inakala kong dapat ay nagkaroon kami. "Matagal ka ng nawalan ng karapatan na tanungin ako niyan."

"It's been years. Years, Aiere. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang kailangan mo para maintindihan mo kung bakit tayo naghiwalay."

"You never explained anything." I whispered, my heart breaking on what I'm seeing now. Masyado ko siyang minahal. Masyado ko ring minahal ang ideya na mahal ko siya. Now I'm seeing the reality. I'm seeing him as he is.

Hindi ang Mateo na nakasama ko. Hindi ang Mateo na minahal ko. Kundi ang Mateo na basta na lang binitawan ang lahat ng meron kami ng walang paliwanag. Binitawan niya ako na hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman ko. And now years after...I'm hearing all this.

"Aiere-"

"Wala ka karapatan." I continued, my voice starting to hardened. Nag-angat ako ng mga mata at sinalubong ko ang kaniya na ngayon ay unti-unting nagkakaron ng pagkabahala. "You have no right to accuse me of anything. Hindi kita nilapitan. Wala kang narinig sa akin. You never heard me say anything despite the fact that I should have asked you for a lot of things. May karapatan akong magtanong. May karapatan akong magalit. But I never asked you for anything. And now you're confronting me because of what?"

Nanatiling nakatingin sa akin ang lalaki na hindi malaman kung paano sasagutin ang tanong ko. Kita ang kaguluhan sa mga mata niya. Pagkaraan ay bumuntong-hininga siya na tila ba nagsisisi sa mga sinabi niya. "Aiere, I'm sorry. Siguro nga na-paranoid lang ako. I...I just don't want us to see each other. Ayokong makahalata si Shona. We're starting a family and we're getting married. Hindi lang talaga ako komportable na nagkikita pa tayo lalo na alam naman natin kung anong nangyari sa pagitan natin."

Bakit hindi ko ito nakita noon? Bakit ba masyado akong nakapokus sa kung ano ang nawala sa akin na hindi ko nakita na walang matinong tao ang basta bibitaw sa relasyon na binuo ng matagal? How can I fail to see that a man that can act that way is not a man that I should pinned my heart to.

I wouldn't have realize this if I haven't felt a better treatment. Kung hindi ko pa nakita ang kaibahan sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraan. Kung hindi ko pa naranasan ang takot na mawala ang meron ako ngayon higit pa sa takot na naramdaman ko ng unti-unti siyang lumayo sa akin.

Nang muli akong magsalita ay rinig na ang pag-iiba sa stado ng dahan-dahang nagbabago kong emosyon. "How convenient for you. Ako pa ang mag a-adjust dahil lang sa hindi ka komportable sa sitwasyon na ikaw din naman ang nagsimula. How convenient that I should make you feel better just because you're not comfortable. Ako pa ang mag a-adjust na iwasan ka eh ako ang nakatira dito sa Tagaytay at ikaw ang punta ng punta rito. Kung gusto niyong mamasyal wag dito."

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now