"You! Solve the problem on the board." He said firmly. He sounded irritated. Of course he is! Nageskandalo ba naman ang phone ko. 'Yung ringing tone ko pa naman ay 'yung pamatay na kanta ng Boyce Avenue, e talagang mapapatay ako. Tinignan ko ang equation sa board at napalunok. May hang over pa ako sa mahaba ko'ng bakasyon. Lumingon ako kay Dreigan na balak ko sanang hingan ng tulong pero deadma siya. Walang silbi! Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumayo na para lumapit sa white board.

Huminga muna ako ng malalim, sana tama ang gagawin ko. Ifafactor lang naman 'to eh at cancellation. Ang problema e, kung tama ang magiging sagot. Nakakalito rin kasi minsan.

y = [ (2x^4) + (x^3) - (27x^2) - 36x] / [ (2x^3) + (9x^2) + 9x]

Alam ko'ng lahat ng kaklase ko ay hinihintay ako'ng magkamali. Pero ewan ko ba! Alam na alam ko sa sarili ko na kay Dreigan ako pinaka-naiirita. Kahit hindi ko s'ya nakikita alam ko'ng nakangisi s'ya.

Bata pa lang ako sabi ni daddy ay nagmana raw ako kay mommy. Parehas din na Electronics engineering ang kinuha nila noon pero hindi nakatapos si Mommy noong nabuntis s'ya. Kinailangan n'yang huminto noong pinagbubuntis n'ya ako. Sabi pa ni daddy, maayos naman sila noon pero nagiba bigla si mommy noong naipanganak n'ya ako. Sinisi n'ya si daddy dahil sa hindi n'ya natupad ang mga pangarap n'ya. Nine months old palang ako noon at nagising na lang si daddy isang umaga, na s'yang halos sumira sa buhay namin, iniwan na kami ni Mommy at walang nakakaalam hanggang ngayon kung buhay ba s'ya o patay na. Minsan naiisip ko, pati ako kaya sinisisi n'ya? Minahal naman kaya n'ya ako? Kahit na ganon ang nangyari, hindi tumigil si daddy sa paghahanap sa kanya at wala daw s'yang sama ng loob dito. Nakakalungkot lang isipin ang lahat.

Tuwing nag sosolve ako ng mga equations, naiisip ko silang dalawa. Ito lang daw kasi ang bagay na pinaka pinagkakasunduan nila noon. They always get the same answer; the correct answer. So everytime I'm solving an equation, it feels like I am making them a favor. Pakiramdam ko ay magkasama sila at nagkakasundo muli dahil sa akin.

y = x - 4

Napabuntong hininga ako pagkatapos ko'ng i-underline ang final answer ko. Humarap ako sa klase at nilapag ang marker sa table. Tahimik lang na naiwan ang mga titig nila sa white board. Confident ako na umupo sa tabi ni Dreigan na nakaawang ang bibig at nakatitig din sa board tulad ng iba. Halos mapuno ko na pala ng solution 'yung isang parte ng board, ang laki laki ko kasi magsulat.

Nagsimulang magkwentuhan ang mga classmates ko, dinig na dinig ko ang bulungan nila pati ang mga negative nilang comments. Mali raw ang ginawa ko bla bla bla at naki-agree naman ang iba. Lumapit ang prof ko sa board para i-check ang solution.

"Miss Navelga," Panimula n'ya. "You know using gadgets like mobile phones inside this room is prohibited. Should you have any considerable opposition to the rules, you can approach me at my office after class." Sabi n'ya at nagsimulang kunin ang laptop mula sa malaking bag. Nalungkot ako at medyo nagalit sa sarili. I was giving him a horrible impression about me. "I won't tolerate this," He turned his laptop on and grinned. "Anyway, you did a great job.." Lumaki lalo ang ngisi nito sa akin at napapailing-iling. Napasinghap naman ang grupo nila Daphne at halos magprotesta na. May mga nagsilapitan pa sa harap para ipakita ang solutions nila pero umiling iling lang si sir. Hindi ako makapaniwala. Tama sagot ko? Nakatsamba!

Sinulyapan ko ulit si Dreigan. Bahagyang nakayuko habang nakapikit, tila walang pakialam sa mga nangyayari; natutulog yata. Hindi ko nalang pinansin, hindi ko talaga makakasundo ang ganitong klaseng lalaki kahit na sobrang yaman pa n'ya. Ubod s'ya ng yabang. I suddenly remember my phone. I yanked it from my pocket and checked the messages. Sakto! Nagtext ulit si Abby.

Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Abby.

From: Abby

Girl, okay na! Bring white shirt daw. Pwede na tayong magstart mamaya. Two weeks bago makuha ang uniform natin e

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon