PS. I Love You Goodbye

263 1 0
                                    

Dalawang taon.

Kung ilalarawan ko ang naging relasyon namin ni Mary Joy lahat ay natural lang. Natural ang lambingan, natural ang tampuhan at natural ang takbo ng buhay namin sa araw-araw.

Pero ang araw na ito ang pinaka kakaiba.

"Hello, munch saan ka na?" tila di na nakatiis si Mary sa paghihintay sa isang bookstore.

"Malapit na ako,mga 10 minutes andyan na ako." pagsisinungaling ko.

Ilang dipa lang ang layo ko sa kanya, kung tutuusin madali lang niya akong makikita pero sa tulong ng mga dumadaang tao eh tila anino lang ako na di na halos pansin.

Pinagmamasdan ko siya mula sa kinatatayuan ko.

Ang laki na ng pinagbago niya mula nung una kaming nagkita.

Ang dating kulot at mahabang buhok niya ay straight na ngayon dahilan para lumabas ang natural niyang ganda.

Ang height na di pa rin nagbabago pero bumagay naman sa makurba niyang katawan.

At ang dating maamo niyang mukha dati na ngayon ay parang isang anghel na bumaba mula sa kalangitan.

"Nasaan ka ba munch?" muling tanong niya na sa boses ay talagang inip na inip na.

"tingin ka sa likod."

"wala ka naman e."

"ay mali sa kaliwa pala."

"pinagtitripan mo ko eh bookshelve ang nasa kanan at kaliwa ko.. Pag di ka pa nagpakita uuwi na ko!" inis niyang sabi bago pa niya binaba ang tawag.

Pagkalipas ng limang minuto lumapit sa kanya ang isang security guard ng nasabing bookstore.

"ms.ikaw po ba si Mary Joy?."

"ako nga po,"

"ah pinabibigay pala sa iyo ito ng isang binatilyo dun sa may entrance." at iniabot ang isang sobre, nakalagay dun ang isang sulat na halos buong gabi kong pinagpuyatan.

"siya nga po pala,habilin niya mamaya mo na daw buksan yan pag-uwi,puntahan mo na siya."

"ah salamat po "

Kahit na kita ko sa mukha niya ang pagkasabik na makita ako ay di ko pa din maiwasang humanga uli sa taglay niyang kagandahan nasa anumang oras ngayon ay maari ng magtapos..

"Ikaw talaga munch kung anu-ano talaga yang pakulong naiisip mo.." may inis sa tono ng kanyang pananalita.

"Sorry po,"

"Pasaway ka,so saan tayo?."

"hm.saan mo gusto?"

"ay ikaw na mag decide,munch please."

malambing nitong pakiusap.

"Sa park na lang tayo,pero bago yun halika samahan mo muna ako."

Tumungo kami sa park matapos bumili ng ilang makakain na siya naming titirahin sa park habang nag-uusap.

"Ang bilis ng panahon ano Jim?,parang kailan lang humihingi ako ng tulong sa iyo para makaahon sa problemang hatid ng manyak kong ex."

Mga Maikling KwentoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora