Chaperon

117 1 0
                                    

Chaperon - asungot kapag may date o lakad kayo ng crush o girl/boyfriend mo. Minsan sila yung taong tagadala ng gamit o kung anuman ang mga pinamili niyo.

Dati ako lagi ang may kasamang chaperon. Minsan aasarin namin siya, papainggitin sa mga kasweetan namin hanggang sa di na kami pansinin sa pikon nito, minsan nag-walk out pa ang drama niya.

Pero gaya nga ng sabi ng ilan mabilis at masakit gumanti ang karma at tiyak ko hindi ka patutulugin nito sa oras na abutan ka niya 

Tila gumuho ang lahat ng pangarap ko ng biglang pumirma ng kontrata at sumama si mahal kay san pedro sa lugar kung saan di pwedeng puntahan ng mga buhay, lahat ng mga pangarap ko sumama sa kanya at walang natira maliban sa mga ala-alang sisilipin mo na lang sa kasalukuyan.

Sa pagpanaw ni mahal naiwan akong walang maumpisahan dahil sa kanya lang tumakbo ang buhay ko sa mga nakalipas na taon.

Kaibigan, sila ang mga taong magsasabi sa iyo na hindi pa tapos ang lahat at habang may buhay may pag-asa pa. 

Sila ang tumulong sa akin mula sa pagkasira hanggang sa paunti-unting pagbangon salamat at sa mabubuting kaibigan ako napadpad ng mga oras na yun..

Ang sabi ng ilan minsan kailangan mo ring maranasan ang mga bagay na di mo pa nagagawa..

Ang dating may bitbit na chaperon sa tuwing may lakad o date eh siya naman ngayon ang tagasunod, asungot o sa madaling salita ako naman ang naging chaperon.

Naging chaperon ako ng isang perpektong relasyon para sa akin, relasyong minsan pinangarap ko kundi lang nagbakasyon si mahal sa langit eh di sana ganito din kami kasaya.

Nasaksihan ko kung paano sila nag-umpisa hanggang sa tumibay ang relasyon nila, naranasan ko din ang mga ginagawa ko dati sa mga ginagawa kong chaperon,

ang mainggit at asarin pero di ako pikon 

Nasaksihan ko din ang paminsan-minsan na tampuhan nila, kinikilig ako sa kasweetan nila at hindi ko maiwasang mamiss ko si mahal.

Ang sabi sa akin ng sira ulo kong kaibigan.

"ang ganda ng siyota ng isang kaibigan mo, ba't hindi mo sulutin?"

dahil sa sinabi niyang yun.

naisip kong hindi pwedeng maging chaperon sa isang relasyon ang taong may hidden agenda sa partner mo.

Alam ng chaperon kung saan kayo kung saan mahina at malakas ang relasyong binabantayan niya 

madali niyang masisira ang relasyon na yun na hindi nila mamalayan.

"kaibigan ako at hindi ahas, mahalaga sila sa akin at kung anung meron sa kanila kaya pwede wag mo akong itulad sa iyo."

Magmula noon hindi na kami nagkita pa

hay sana may dumating na para naman hindi ako habang buhay na CHAPERON

wakas.

Mga Maikling KwentoWhere stories live. Discover now