Nasaan si Ayca?

92 1 0
                                    

"nasaan na ba si Ayca?, nasaan na ba ang taong yun?"

Ito ang tanong na paulit-ulit bumubulong sa akin. Nang mga oras na yun kasama ko lahat ng mga kaibigan ko pero may kulang at tila hindi kumpleto sa pakiramdam.

"Grabe sa tuwing maaalala ko yung naging reunion party natin last year di ko maiwasang kilabutan at matawa sa dami ng mga nangyaring hindi natin inaasahan."

naiiling na lang si Mark matapos lagukin ang iniinom nito.

"Pero sa tingin niyo talaga bang may mga taong ganun?. Yung parang kay Ayca na sa tuwing kasama natin siya eh kung anu-anong kamalasan ang inaabot natin, example na lang yung reunion party natin."

dugtong ni Anthony sa mga sinabi ni Mark.

"Imbes na pag-usapan natin ang taong wala naman dito ba't hindi na lang natin i-enjoy ang gabing magkakasama tayo ngayon."

hindi ko na mapigilang hindi sumingit sa usapan ng dalawa habang unti-unting tinutumba ang isang litro ng coke.

"asus jimmy, alam ko naman bakit mo pinagtatanggol si Ayca eh dahil nga sa grupo natin tinuturing mo siyang anak kasama na sila Marisca at Charlene, pero yung ginawa niya kela Jerry at Marry sa tingin mo maipapaliwanag mo ba yun?. Masasalag mo ba ang bigat ng kasalanan ni Ayca?"

seryoso at may pinupunto si Reymark ng mga sandaling yun.

Hindi na ko nakaimik pa sa sinabi niya muli kong inalala ang mga nangyari dalawang taon na ang nakakalipas.

"Jim, nawawala yung perang inipon namin."

ito ang unang mensaheng sumalubong sa akin ng biyernes ng umaga.

"ha?,imposible baka sa ibang lugar lang di ba naitago ni kuya yun?"

"hindi malabo yun, atsaka buong bahay hinaloghug ko na pero wala talaga eh."

"oh?,teka wala namang ibang pumapasok diyan sa inyo di ba?.imposible namang kunin ng mga bata yun."

Naghintay ako ng mga ilang minuto pero di na sumagot pa sa text ko si Marry. Pero ng mga oras na yun may kung anong kabang bumabalot sa akin.

Lumipas ang buong maghapon at wala na akong natanggap na mensahe tungkol sa nawawalang pera kaya panatag na ang loob ko at nasa isip ko nakita niya na ito, pero mali ang akala ko.

Alas diyes ng gabi ng muli akong makatanggap ng mensahe kay Marry.

"Jim, wala pa rin yung pera."

"oh?,panong nangyari yun eh wala namang ibang taong pumapasok diyan sa inyo."

"tatawagan kita wait lang."

makalipas ang ilang minuto nagring ang cellphone ko.

"hello Marry,anong nangyari diyan?"

"bigla na lang nawala yung bag kung saan nakalagay yun at ang huling bisita namin ay si Ayca."

"ha?.teka panung - -"

nang marinig ko ang pangalan ni Ayca kinabahan ako sa maaring sasabihin ni Marry. Bagay na di ako nagkamali.

"Siya lang ang huli kong naging kasama dito sa bahay atsaka imposibleng mawawala yun sa loob ng damitan namin alam niya lahat ng pasikot-sikot dito sa bahay kaya imposibleng hindi siya yun."

"Atsaka nung nagpaalam siyang may pupuntahan sandali at babalik din dun na nawala yung bag."

"teka nasaan si Ayca ngayon?"

"nasa salas dun siya natulog, tingin ko umiiyak yun,pero hayaan muna ikukwento ko sa iyo ang buong detalye. Sana maunawaan mo lahat at kumampi ka sana sa tama."

Mga Maikling KwentoWhere stories live. Discover now