Oo nga pala

7 0 0
                                    

Napatulala nanaman ako
Napapaisip ako kung ano ba tayo?
Oo nga naman. Ano bang tayo?
Hindi ko talaga alam kung?
Umaasa ako sa salitang tayo kahit alam kong malabo ito mangyari

Sana isang araw masagot ang aking mga tanong
Kung ano nga ba tayo? Ano nga ba ako para sayo?
Ako ba'y isang hamak lang na kaibigan? O isang ka'ibigan?
Diko maintindihan ang nangyayari
Ako'y naguguluhan
Kung. Kaya mo ba ako mahalin? O pinapaasa mo lang ako dahil alam mong mahal kita

Ano nga ba talaga kita?
Kasi sweet tayo sa isa't isa
Gulong gulo na ang isip ko at tinatanong kung "TAYO NA BA?"
Ano nga ba talaga kita?
Sabihan mo naman ako
Kasi yung lahat ng oras ko ibinigay ko na sayo
Umasa na kahit wala ka pang sinasabi "MERON NANG TAYO"
Ano nga ba talaga kita?
Sabihan mo ako ng mas maaga ha! Kung wala talaga
Para hindi na ako aasa pa
Hindi na aasa pa sa mga mabulaklak mong salita
Hindi na aasa pa sa bawat oras na nag aalala ka
Hindi na aasa pang sasabihin mo sakin ang mga katagang "TAYO NA"
Pero patuloy at patuloy pa rin akong aasa
At patuloy pa rin akong nagtatanong kung ano ba talagang meron satin Sige! Pipiliin kong umasa
Umasa kahit walang kasiguraduhan ang sating dalawa
Umasa kahit alam kong malabo talagang mag ka roon ng 'TAYO'
Gusto kitang sampalin ng paulit-ulit
Dahil binigyan mo ako ng motibo
Motibo na gusto mo rin ako
Dahil imbis na "TAYO NA" ang mga katagang maririnig ko
"WALANG TAYO" ang sinabi ang sinasabi mo
WALANG TAYO kaya wala akong karapatang magselos kung sino man ang kasama mo kung sino man ang kayakap mo kung sino man ka call at text/chat mo WALANG TAYO kaya itigil ko na ang pangungulit sayo
Pero hindi ko talaga kaya itigil
Kahit anong ipairamdam ko alam kong
Sa lahat ng iyon WALA PALANG TAYO

💔😟

AllaslalalalalaWhere stories live. Discover now