Malabo

3 0 0
                                    

Masaya ako dahil nakilala kita
Masaya ako dahil nakakasama kita
Tila'y mundo ko'y tumitigil pag ikay aking kasama
Wala na akong hinahangad na iba kundi ikaw lang

Ngunit ang ngiti
Ngiti na nagbibigay sa labi ko
Ay unti unti ng nawawala
Unti unti ng nabubura lahat kasama ng pag dry ng aking labi ang pag dry mo
Sa tuwing nakikita mo siya
Sa tuwin siyay papalapit sa iyo

Umaabot hanggang langit ang iyong ngiti
Ang mata'y hindi maiwasan kakatitig sa kanyang muka
Iba ang kanyang hatid na saya saiyo
Na kayang magpagaan ng iyong loob

Kaya ka niyang pasayahin
Pasayahin sa bawat salita niya
Salita niya na mapapasabi kana ng 'OO'

Alam ko at malinaw na sa aking sarili
Malabong ako'y magustuhan mo ulit
Malabong magkaroon ng pag asa ulit sayo
Malabo man pero yan ang totoo

Sobrang labo nang maging tayo
Dahil meron ng namumuong kayo
Ang hirap di mo alam kung san lulugar
Ang sakit nalaman dahil may KAYO na

At lalo pang lumabo
Lumabo ang salitang TAYO
Lumabo ang mga pangarap ko
At mas lalong lumabo
Dahil siya ang mahal mo
At hindi ako

Kaya malinaw na saakin
Kahit masakit kailangan talaga
Tanggapin ang katotohanan

AllaslalalalalaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt