Kabanata 18

53 3 0
                                    

"Why would I?" Saad niya at hinarap ako.

Natahimik ako dahil doon, hindi alam ang isasagot.

"See? You don't know---"

"Stop." Ma-awtoridad na saad ng daddy ni Timothy at natahimik ang mommy niya.

"Mom, ano bang problema? Beatrix is good enough." Sabi ni Timothy at nag walk out ang mommy niya, hindi sinasagot ang tanong niya.

Maybe I am not enough.

"Tumigil na po kayo," Saad ni Brianna at lumapit sa akin. "I miss you po, Mama Bea. But this is not the time for things like these."

"I'm sorry, Ms. Javillo for what happened. Please go home first and rest." Saad ng Daddy ni Timothy at tumingin sa anak. "Hatid mo na muna siya."

"Sige, Dad." Sabi ni Timothy at bumaling sa akin.

"Maraming salamat po." Sabi ko at nauna nang lumabas.

Sumunod naman sa akin si Timothy at hinatid niya na ako pauwi.

This night is so devastating. All of my life people praise me for what I am but this night made me feel that not all people will like you. Nakakapanghina. I am a trash. Ayos lang sana kung sa iba yun nanggaling pero wala eh, sa nanay pa ng taong mahal ko.

Ilang buwan na ang lumipas, his mom did everything. Pinadala siya sa Indonesia at binigyan ng napakaraming gawain. We text and call each other pero habang tumatagal, padami ng padami ang kanyang gawain.

'Sorrry, I'm busy.'

'Mom is calling, wait.'

'I have a meeting, I'm sorry I need to end the call.'

As I said earlier, his mom did everything, everything to make him ignore me. His mom is very smart that she even plan to send his son off.

I also keep myself busy. Sobra ang pasasalamat ko ng madaming meetings and projects ang dumating para sa akin at sa kumpanya. Nada- divert ko ag atensyon ko kahit papaano pero sumasagi pa ddin sa isip ko ang ginawa ng mommy niya.

Alam kong may rason ang nanay niya kaya ganon. Maybe I'm not enough. Maybe she likes that girl so much for his son.

"Ma'am, mauna na po ako," Saad ng aking sekretarya.

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas otso na ng gabi.

"Go ahead, pakisabi na lang sa guard na nandito pa ako sa taas."

"Sige po, Ma'am, ingat po." Saad niya.

"Ingat ka din pauwi." Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Pagkatapos noon ay umuwi na ako. Bago matulog ay nagchat na muna ako kay Timothy,

'Hey! I'm home,'

Habang naghihintay ng reply niya ay naligo na muna ako. Nang matapos ay ginawa ko  na ang mga dapat kong gawin. Tumingin ako sa cellphone ko pero wala pa ding reply. Humiga na ako sa kama at nagchat ulit ng 'good night' sa kanya at natulog na.

Lumipas na ang ilang araw pero wala pa rin. He didn't call or even text me. Nagaalala na ako.

"You look so devastated,"

"Isn't it obvious?" Saad ko kay Danial na kakadating pa lang dito sa office ko pero tumawa lang siya. Wala namang nakakatuwa.

"We have a family ball or reunion or what so ever," saad niya at umupo sa sofa. "And to divert  your attention, can you be my date for tomorrow night?"

"Wala ka bang mahanap na ibang babae?"

"Wala hehe at tsaka sabi nila Mommy kahit kaibigan ko lang ang dalhin ko basta babae." Sabi niya at nagkibit balikat.

"Andun si Violet?"  Tanong ko.

"No, not at all. Nasa Rome sila ni Travis."

"Sige," I said dryly.

"Payag ka na maging kadate kita?"

"Oo,"

"Ayown! Let's buy you something to wear for the event."

"Pagkatapos kong gawin to."

"Okay, I'll just wait here." Sabi niya at inilabas ang cellphone.

Hinintay niya talaga ako. Pagkatapos ng mga gawain ko ay inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na kami sa mall. Pagpasok pa lang naming ay maraming mata na ang nakatingin sa aming dalawa. Pumasok kami sa isang gown & suit boutique.

"Nakabili ka na ba ng suit mo?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami doon.

"Marami na akong suit sa bahay pero mga luma na yun eh kaya I need something new."

Ang hangin talaga nitong lalaking 'to. Hindi ko na siya sinagot at pumunta na lang sa mga gowns. Sumunod naman siya sa akin.

"Hollywood ang theme," Saad niya kaya pumunta kami sa may mga gowns na neutral colors.

May kumalabit sa akin mula sa likod at si Danial lang iyon. Hawak niya ang isang black na gown. Off shoulder iyon at sa may bandang ibaba ng gown ay see through na.

"This looks good on you." Sabi niya at binigay iyon sa akin.

Kinuha ko iyon, binigay ko sa kanya ang bag ko at pumunta na sa dressing room para sukatin iyon.  Lumabas ako doon at nakitang nakaupo na sa sofa si Danial sa harap ng fitting room.

"Sabi sa'yo eh bagay yan sa'yo." Sabi niya sa akin.

Tumingin ako sa saleslady na nandoon at sinabing, "I'll take this one."

Bumalik ako sa fitting room at nagpalit na ulit. Pagkalabas ko ay inilahad ko na iyon sa saleslady at inilahad naman sa akin ni Danial ang bag ko. Siya naman ang pumasok sa fitting room. Umupo ako sa sofang naroon. Lumabas si Danial sa fitting room. He's wearing an all black tuxedo. He's very masculine kaya ang mga bisig niya ay tumatala sa suit.

Kinuha niya na ang tuxedong iyon. Pagkatapos bumayad ay pumunta kami sa isang fast food chain para doon kumain. Siya na ang nagorder at ako naman ay naghanap ng mauupoan naming dalawa. Nang makarating siya sa table naming dala- dala ang mga pagkain ay kumain na agad kami. Habang kumakain ay naitanong ko sa kanya ang tanong na:

"Kamusta na kaya si Timothy? Ano na kayang ginagawa niya?"

"Okay lang yun si Timothy, nagtratrabaho lang yun. Huwag kang magalala, ikaw pa din naman ang mahal nun." Sabi ni Danial at ngumiti sa akin.

Sana nga ako pa din ang mahal niya at ako pa din ang piliin niya kahit nasa ibang lugar siya.





Simula Pa Nung Una // (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon