"Miguel Wenceslao?!! Kapatid ka ni Ate Sydney?!! Anak mo yung Bubuy na ambantot ng pangalan?!!" singhal ko sa kanya ng sa wakas ay malunok ko na ang pagkain sa loob ng bibig ko.

"Oh my gosh! Ang talino ko talaga. Hahaha." nakita ko ang pagbuntong hininga ni Miguel. Medyo hawig niya si Bubuy ngunit hindi gaano. Ang gwapo naman nito! Kaya siguro nagpabuntis sa kanya yung babae.

"Paano mo nakilala si Ate?" tiim bagang niyang tanong. What's wrong? Para siyang galit na hindi mo alam ngunit nagkibit balikat na lang ako at sinagot ang tanong niya.

"Family friend namin. Anyway, ang baho ng nickname ng anak mo ha! Bubuy?!! Cesar Montano lang ang peg? Kawawang bata."

Muli na namang nagbuntong hininga si Miguel. Napaka mysterious naman talaga. Masama ba kung may mutual friend kami? Tss. Palibhasa ay type niya ako kaso ayun nabulyaso kasi nalaman ko na may anak na siya. Ayos lang if may anak aba basta walang asawa! Sumeryoso ang kanyang mukha at tumigas ang kanyang mga panga. Mas lalo lang tuloy akong na-turn on.

Tumikhim ako para naman mawala na 'tong kaberdehang pumapasok sa utak ko. Hindi ko naman kayang hawakan ako ng lalaki kaya hanggang fantasy na lang yun. Kailangan kong makahanap ng psychiatrist ngunit ayoko naman mapahiya kahit pa sabihin na may confidentiality ang physician and patient. Ayokong mag risk lalo na kung dignity ko yung nakasalalay. Iyon na lang ang meron ako at hindi ko hahayaang mawala pa 'yon. Walang makakaalam ng totoong nangyari at mananatili na lamang 'yong isang bangungot. Matapang ako at kakayanin ko lahat.

"Can I ask you something? Nasaan ang mother ni Bubuy?" out of the blue question ko sa kanya.

"Daldal mo." ang sungit ha? Hindi man lang ako sinagot at niligpit na niya ang kanyang plato. Sana lang talaga ay lumuwas na siya ng Maynila para naman masolo ko na 'tong bahay. Hindi ako komportable kasama siya.

Umawang ang mga labi ko ng mahagip ng paningin ang tribal tattoo na nasa dibdib niya. Ano kaya ang meaning niyon? Ngayon ko rin napansin na maski mga braso niya ay mayroong tattoo. Naglalaway na naman ata ako. Hindi naman siya nakaka turn off mas lalo nga siya naging hot kahit na ayoko sa lahat ng lalaki ay yung may tattoo. Lately nakakatakot na magpa-tattoo lalo na at uso ngayon ang AIDS. Nakakaloka!

Kahit anong pigil sa sarili ko ay natutuon pa din ang mga paningin ko sa katawan niya umakyat sa leeg niya at nakita ko ang paggalaw nga adam's apple niya ng lumunok siya. Ang hot sobra! Pinagpapawisan ako kahit preskong hangin naman ang nasa paligid.

"Don't part your lips." he hiss. What? Bago pa ako makapagtanong ay umakyat na siya sa taas at hindi na ako pinansin pa. Kahilig bang mag walk-out! Nang matapos kumain ay niligpit ko na ang mga plato at iniwan na lamang yun sa sink. Ayokong maghugas ng plato masisira at magiging dry ang beautiful and soft hands ko. Kamay mayaman kaya yung hands ko.

I've decided na mag-swimming na lang ako. Biyerners ngayon at sa Lunes pa ako magsisimula sa trabaho kaya mabuti pang sulitin ko na ito. Mabilis akong umakyat sa taas upang mag shower at magpalit ng bikini. Buti na lang at naisip kong magdala ng bikini! Isinuot ko 'yon at nag maong shorts. I brought my phone and pepper spray para laging handa. Number mantra ko ay huwag tatanggap ng kahit anong inumin o pagkain kahit kaninong stranger mapa-lalaki man o matanda.

Kung may nakakakilala man sa aking rape victim din ay mabibilib sila sa akin. Minsan gusto kong dumalaw sa isang institution kung saan naroon ang mga kapwa ko biktima. I learned na kahit anong bangungot ang pagdaanan mo ay tuloy pa rin ang buhay. Walang magagawa ang depression dahil sisirain lang 'non ang buhay mo. I'm too pretty para madala lang sa mental hospital. Hindi ang tulad ko ang magpapatalo sa ganoon.

Naglakad-lakad ako sa may buhangin habang tumatama sa aking mga paa ang mainit na tubig-alat. Hindi ko pinansin ang ilang turistang lumilingon sa akin at tinanaw ang lighthouse na mukhang ilang minuto rin ang aabutin kapag nilakad. Sa ibang araw siguro ay pupuntahan ko ang lugar na 'yon. Pinagmasdan ko ang kalangitang unti-unti nang nilalamon ang araw.

"I'll be tough. Wala na ulit taong mananakit sa akin. I won't cry again." yumuko ako at pinunasan ang isang takas na luha.

I honestly just want one person to ask me if I'm alright. Noong bata pa kami ni Yvonne sa tuwing nadadapa siya ay agad na tatakbo palapit sa kanya si mommy para aluin habang ako naman ay kailangang tumayong mag-isa. Lumaki raw akong matapang at hindi na kailangan ng taong magtatayo sa akin, hindi na rin ako kailangang patahanin dahil hindi naman ako umiiyak. Iyon nga eh, porke't hindi ako umiiyak ay hindi na ako nasasaktan.

Siguro nga'y mataas lang pain tolerance ko mapa-pisikal man o emosyonal. Kaya sana ay wag nilang sisihin kung ganito ang ugali ko. Matigas ako, hindi ako marunong magpatawad at wala akong awa. I have no mercy.

Miguel's POV

Humigit ako ng malalim na hininga habang pinapanood si Yvette na naglalakad sa may pangpang. Why are you here? Inilalapit mo ba talaga ang sarili mo sa kamatayan? I can't kill you with my own hands. Kung poprotektahan kita para ko na ring pinatay ang tatay ko. I'm fucking confused! I'm not mad at you but then I have to kill you! Wala akong itinanim na galit sa iyo at sa pamilya mo hindi tulad ng ginagawa ni Papa sa akin.

Nagpupunla siya ng galit sa dibdib ko iyon nga lang ay hindi galit ang umusbong kundi ang ibang pakiramdam na ito. I really want to protect you from my own father and from me. Paano kung ikaw naman ang lumalapit?

"Hindi pa ba sapat yung ginawa sa kanya? Bakit kailangan pang patayin?" singhal ko sa aking ama habang pinapanood siyang binabaril ang litrato ng pamilya Villena. Hindi ako mamamatay tao. Ayokong madumihan ang mga kamay ko.

"Ang atraso nila sakin ay pinapamana ko sa mga anak nila at kahit sino pang mahalaga sa kanila. Ikaw ang gagawa ng bagay na hindi ko nagawa noon." tangina. Bumalik na naman sa akin iyong nangyari sa Baguio! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Just damn it!

"Ikaw na nga ang may atraso sa kanila ikaw pa ang may ganang gumanti!" napaatras ako ng sa akin tinutok ni Papa ang baril at agad naman siyang inawat ni Patricia. Tss.

 

Ginagamit niya ang baklang 'yon para magkaroon ng koneksyon sa mga Villena, ginagamit niya ang pobreng Patricia para kumita ng mas malaking halaga gamit ang High Class Prostitution. Ilang dignidad na ang tinapakan nila para lang sa pera at sa kapangyarihan. Ipinangako ko noong bata pa ako na hindi ako matutulad sa ama ko pero heto at sa kasamaan pa rin niya ako dinadala. Anong klase siyang ama! Magsama-sama sila.

Oras na makahanap ako ng tiyempo ay ililigtas ko si Yvette. Naghahanap lang ako ng lakas ng loob para talikuran ang pamilya ko.

 

"Ang hirap sayo Miguel masyado kang mabait! Hindi mo kami tularan? Halang ang kaluluwa! Gusto ko magsama-sama tayo sa impyerno." tumawa na lang ako ng pagak at tinalikuran na siya. Hindi ako tutulad sa inyo.

 

Hinakbang ko ang aking paa at hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng mga 'yon kay Yvette. Tatanggapin kita kahit anong mangyari. Wala na ulit gagawa ng kahit anong masama sayo Yvette. Hindi ka na ulit matatakot at masasaktan. Hindi ko man nakita ang nangyari sayo ay sisiguraduhin kong hindi mo na mararanasan 'yon muli.

 to be continued...


Feel free na mag comment.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon