"Thank you.."
Tumango lang din siya sakin at hinayaan na akong makapasok..
Nang makarating ako sa pinaka dulo ay agad akong bumaba nang kotse ko..
Dala ang bulaklak ay pinagmasdan kong mabuti ang bahay ni Kathlyn..
Malaki ito at halatang pinatayo niya talaga dahil alam ko kung ano klaseng bahay ang gusto niya..
Agad akong dumiretso sa gate at nag doorbell..
Agad naman itong bunuksan nang isang kasambahay..
"Ano pong kailangan nila?" tanong nito sakin
"Nandiyan po bah si Kathlyn?" tanong ko
Magsasalita pa sana siya nang biglang may batang sumigaw at lumapit sa kanya..
"Yaya!.Let's play na po!"
Napangiti nalang ako nang makita ko ulit ang anak ni Kathlyn..
Hindi ako sigurado kung si Angelica bah yun pero mukhang siya na nga base sa pananalita niya..
"Angeline , bukas na tayo maglaro , kakain pa kayo pagkatapos matutulog na.." sambit noong kasambahay
Napasimangot naman ang bata at napatingin sakin..
Nanlaki nalang ang mata niya nang makita ako..
"Mister!.Your here!" masayang aniya at nagmamadali lumapit sakin at yumakap sa baywang ko
Nagulat ako sa ginawa niya pero napangiti rin sa huli..
"Angeline!." tawag sa kanya nang kasambahay at nahihiyang tiningnan ako
Ngumiti lang ako sa kanya at yumuko para tingnan si Angelica na nakangiting nakatingin sakin..
"It's nice to see you again , Angelica.." nakangiting sambit ko
"Me too , mister!"
Nang humiwalay siya sakin ay agad naman siyang hinila nang kasambahay papalapit sa kanya..
"Pasensya na po , sir..Makulit po talaga itong si Angeline eh.." aniya
"Okay lang po yun.." sabay ngiti ko
"Angeline!" may isang bata pang lumapit sa kasambahay
"Ate Samantha , nandito si mister oh!" masayang sabi ni Angelica at hinila ang kapatid niya para makita ako
Tiningnan naman ako ni Samantha na para bang naguguluhan pa?
"Why are you here , mister?" tanong nito sakin
Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang dumating si Kathlyn..
"Kids , anong nangyayari dito?Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?.Kakain na tayo--" natigilan nalang siya nang makita akong nakatayo sa harap nang mga anak niya
Agad siyang nataranta at hinila palayo sakin ang mga bata..
"Yaya , paki pasok ang mga bata sa loob.." seryosong sabi ni Kathlyn habang nakatingin sakin
"Bye mister!" si Angelica at malawak na nakangiti sakin
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti..
Tiningnan naman ako ni Kathlyn na parang may nagawa akong malaking kasalanan sa araw na 'to..
"Hey.." ngumiti ako sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?"
Lumunok ako nang isang beses bago ko inabot sa kanya ang dala kong bulaklak..
Tinaasan niya ako nang kilay bago kinuha ang bulaklak..
"Para saan 'to?"
"Para sayo.." nakangiti kong sabi
Umirap siya sakin kaya mas napangiti ako..
"Ang sungit mo parin kagaya nang dati.."
Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sakin..
"Pwede bah?.Wala akong naaalala at hindi ko na gustong maalala kung ano man yung meron dati..Masaya na ako sa ngayon , at pwede rin bang wag ka nang babalik dito?.Ayaw kong masanay ang mga anak ko na may nakikitang stranger na katulad mo.." masungit niyan gsabi at agad na isinara ang gate
Napabuntong hininga naman ako bago tumalikod at pumikit..
"Simula pa lang 'to..May mga susunod pa.." bulong ko sa sarili bago bumalik sa sasakyan
Wala naman sigurong masama kung mabigo ako sa simula..
Gagalingan ko nalang sa susunod para mas masulit ko yung mga natitirang araw..
Chapter 69
Start from the beginning