Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ito. Pero aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot dahil....

Naalala ko siya.

Yeah tangina ko para maisip siya sa ganitong sitwasyon.

Natigilan naman sina Mommy at Daddy saka napatingin sa akin, umiwas ako ng tingin. Para bang hindi nila alam ang parteng ito gayong alam kong isa rin sila sa may gusto na maging asawa ko si Erin.

"Hindi ba't ginusto mo rin naman ito?" Natigilan si Erin sa sinabi ng kaniyang ina.

Nabalik ang tingin namin sa kanila.

"Huwag kang magkunwari dahil alam ko kung gaano ka kasaya nang malaman mong siya ang pakakasalan mo!!" Napamaang si Erin. Natulala siya.

Ako naman ay hindi nakapagsalita. Nagulat pa ako nang lumingon siya sa'kin at nagtama ang aming paningin. Walang kahit na anong reaksyon sa kanyang mukha. Nakatingin lang siya sa'kin.

Kinakabahan ako sa mga titig mong 'yan.

"O-Oo. Masaya nga ako noon. Pero hindi 'yon naging sapat, lalo pa at may dalawang taong nasasaktan ng dahil sa'kin." malumanay niyang sabi habang nakatingin pa rin sa'kin. Inilipat niya ang kanyang tingin sa kanyang Mama. "Marami siyang pangarap, Ma. Marami siyang gustong gawin. Marami siyang gustong puntahan..." Napalunok siya. "...kasama ang babaeng m-mahal n-niya pero nawala lahat ng 'yon, nang matali siya sa'kin." saka niya ako nilingon.

Tinitigan ko siya at ganoon din ang ginawa niya. Ngumiti siya sa'kin, kasabay ng pag ngiti niya ay ang pagtulo ng luha niya. Tinitigan ko ang kanyang mga matang parang may sinasabi, ramdam kong humihingi siya ng sorry.

Bakit mo ba 'to ginagawa? Bakit mo ito kailangang sabihin?

Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya parang ang dating kasi sa'kin, ayaw niya na, na para bang sinusoli niya na ako at tangina! Ayoko noon!

"Humihingi ako ng sorry kung sa tingin niyo pinabayaan ko si ate. Pero Ma, may anak pa rin naman kayo. Narito pa rin ako oh? Ako 'yong nandito pero hindi niyo ako napapansin, ako 'yong nasa tabi niyo pero iba ang hinahanap niyo. Ako 'yo-"

"Kasi hindi ikaw ang kailangan ko!!" Sigaw ni Tita sa kaniya. Napamaang si Erin.

"Elaine! Ano ba! Tama na!!" Singit na naman ni Tito.

"Oh my god?! Hindi pa ba sila titigil?" Rinig kong bulalas ni Mommy pero pinatahimik lang siya ng asawa.

"Hindi ikaw ang kailangan ko! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Wala akong pakialam kung ikaw ang nariyan! Because I don't need you!" Kumunot ang noo niya at tumitig sa ina.

"You don't need me? B-Bakit?" Naluluhang tanong niya.

"Erin, halika na!" Hinawakan ni Tito ang kaniyang braso pero hinawi nya ito.

"Bakit, Ma? M-Mahal niyo ba ako?" Tanong niya matapos hawiin ang kaniyang ama.

"Of course, anak! Please! Tama na." nagmamakaawang sabi ni Tito.

"Gusto kong marinig 'yon mula sayo, Ma." Baling niya ulit sa ina.

Hindi nakasagot ang babae at napayuko.

Nanlaki ang mga mata ni Erin at naluluhang tumawa.

"Ang simple pero hindi niyo masabi. Bakit kasi nagtanong pa ako? Alam ko na naman. Mama, anak niyo po ba ako?" Natigilan ang lahat sa huling binitawan niya.

Dagliang nag angat ng tingin ang ina at napatitig sa kaniya. Si Tito naman ay napapikit pa.

"Gosh! B-Bakit ganito?" Naiiyak na bulong ni Carla.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon